Boarding House

48.3K 726 77
                                    

Teresa St. Ermita Manila taong 2008. Ang lugar na ito ay tila malayo sa karaniwang lugar sa Maynila. Walang gaanong sasakyan at may mayayabong puno. Nagkakatao ang lugar kapag may pasok sa eskwela. Kung wala ay sarado ang mga kainan at ang mga boarding house ay tahimik. Naging tambayan na nga iyon ng maraming estudyante ng mga unibersidad sa paligid. Siguro dahil sa mga bilyaran na nang-eenganyo sa mga estudyante ng panandaliang libang. Naroon din ang swing kung saan nakakapagpahinga ang ilan, sandaling nalalayo sa pressure ng lipunan.

 Naroon din ang swing kung saan nakakapagpahinga ang ilan, sandaling nalalayo sa pressure ng lipunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naroon din ang lumang shuttle bus na ginagawa ring tambayan ng ibang estudyante. matagal nang hindi umaandar iyon at tila wala na namang pakialam ang totoong may-ari kung sampahan man iyon. Sa gilid noon ay may carinderia. Hindi naman lahat ng naroon ay kumakain, ang iba ay nag-uusap lamang. Si Adrian ay isang Freshman student ng Adamson University. Mauubos ang oras niya kung mag-uuwian siya dahil umaabot ng tatlong oras ang biyahe papunta sa probinsya.

Noong una ay sinubukan niyang maghanap ng matutuluyan sa Zobel St, ngunit dahil nga nahuli na siya ay halos naka-reserve na ang mga espasyo doon. Kahit nga ang mga room for rent na mas mahal sa board and logging option ay puno na. Sa huli ay narating niya ang Teresa St. Makalipas pa ang ilang bisita sa iba't ibang bahay ay may nakita siyang nakapaskil na 'Wanted Male Boarders' sa labas ng pintuan na gawa sa yero.


Hindi na siya nagdalawang isipa t kumatok sa pinto. Ilang sandali pa at binuksan iyon ng lalaking may nunal malapit sa may kaliwang labi. Maliit ito, may kabilugan, at kalbo.

"May bakante pa ho kayo?" agad na tanong ni Adrian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May bakante pa ho kayo?" agad na tanong ni Adrian.

"Meron pa, tara sa itaas."

Tatlo ang kwarto sa itaas na nahahati lamang ng dingding na gawa sa kahoy. Ang bentilasyon nito ay ang awang sa itaas na may nakapaligid na chicken wire. Ang dalawang kuwarto ay pinauupahan nila sa mga boarder at ang isa ay para naman sa mag-asawang may batang anak na nangangalaga ng boarding house.

Masikip ang mga kwarto pero sadyang ganun naman talaga ang bawat boarding house. Sa bawat kuwarto ay apat ang kasya. May maliit naman na sala kung saan ay puwedeng gumawa ng mga assignments ang mga boarder dahil ang kwarto ay masikip na sa mga gamit. May maliit din na kusina na kasunod ang paliguan.

Pinoy Horror Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon