Kinabukasan, nagpunta si Kwin sa bahay namin. Balak ko sana siyang takasan at wag na lang pagbuksan ng pinto ng kwarto pero ang gaga, nanghiram ng spare key kay Nanay Fe. Ugh!
Kilala naman siya ni Nanay Fe dahil noong high school ay madalas siyang pumupunta dito. Bihira lang noong college dahil busy na sa kanya-kanya naming buhay.
"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito?" Kunot noong tanong niya.
I bit my lower lip and started to tell her everything. As in everything! No more no less.
Makalipas ang ilang minutong pagku-kwento ko sa kanya ay wala manlang karea-reaksyon ang bruha. And I'm grateful for that. Hindi kasi siya yung kaibigang basta-basta mag rereact.
She will let all the information to sink in first before saying anything. Siya yung tipo ng babae na mag-iisip muna bago magsalita.
"So..." I started. I'm starting to get creepy because she's just staring at me for like two minutes already!
"Alam mo..." Sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
"What?" My heart is starting to beat erratically.
Sasabihin niya na bang tigilan ko na ang pagpapanggap? Pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Ayokong iwan siya. Ayokong mawala siya.
"Ang tanga mo."
Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't expect that words. I didn't offend though. Hindi ko lang talaga akalain na ayan lang yung iniisip niya sa mahigit ilang minuto niyang pagtitig sa akin.
"Seriously, Kwin?" I rolled my eyes.
"I'm serious, Aira. Kung magpapanggap ka na rin lang na kakambal mo, eh dapat pinigilan mo yung sarili mong mahulog sa kanya." She said.
"But how? How can I stop myself from falling?"
"I don't know. Pero dapat noong naramdaman mo nang nahuhulog ka ay hindi ka na mas lalong tumalon." Kumunot ang noo niya.
I bit my lip. Alam ko namang may mali ako. Alam ko namang una pa lang ay ako na yung mali dito dahil simula pa lang niloloko ko na sila pero ginusto ko ba 'to? Ginusto ko bang lokohin sila? Ginusto ko bang magpanggap bilang taong hindi naman talaga ako?
"I'm so guilty. But I can't turn down my twin brother too. He needs me. He needs my help. Hindi ko naman akalain na darating sa puntong ganito."
I heard her loud sighed. Para bang frustrate na frustrate siya. Sabagay, sino bang hindi mafu-frustrate? Eh nung sinabi ko nga 'to kay Nanay Fe eh kulang na lang kaltukan niya ako sa ulo dahil sa pinasok ko.
Naalala ko tuloy yung kaisa-isang sinabi niya pagkatapos ko magkwento at bago siya lumabas.
"Anak. Lagi mong tatandaan na hindi matatakpan ng isa pang pagkakamali ang pagkakamali. Alamin mo kung ano ba ang mas tamang desisyon. Timbangin mo kung ano ang mas makabubuti para sa inyong dalawa. Minsan, hindi naman porket doon tayo masaya ay iyon na ang tama. Hindi lang sarili mo ang dapat mong ikonsidera kundi pati na rin ang nararamdaman ng iba."
"Hello? Earth to you?" I blinked when I saw Kwin's hand in front of me.
"Ha?"
She sighed for god knows how many.
"I said, anong plano mo ngayong nakilala ka niya bilang Aaron at Aira?"
"I-I don't know..."
"Nasaan na ba kasi yang kakambal mo? Tutusukin ko talaga ang mata nyan ni Aaron kapag nakabalik eh. Umalis siya ng walang problema, pagbalik niya sandamakmak ang kailangan ng solusyon!"
I slightly chuckled when I saw her different emotions. She's so affected. How I love this girl.
"But seriously girl. Feeling ko nalilito na yun si Alex sa gender preference niya sa buhay. Imagine? She's attracted to you at the same time, to Aaron who is basically you! I'm sure nagtataka 'yon dahil sa 26 years ba naman niya na pagiging straight, ngayon pa siya naging bisexual? Imagine the frustation, girl!"
It's my turn to have a loud sighed. I bit my lower lip.
She's right.
***
Ilang araw na rin ang nakalilipas nang magkausap kami ni Kwin. Pinag-isipan ko lahat ng sinabi niya. I also let all her advice to sink in. Masyado na ata akong na-space out dahil hindi ko naramdamang may tumabi na sa akin.
I glared at him. Muntik ng mahulog ang basong hawak ko!
"You're spacing out. What are you thinking?" He said.
"Nothing."
"Liar."
I looked at Carlos. He's talkative and funny for a normal guy. At saka, sa ilang buwan naming pagiging magkaibigan, I can say that I don't know him that well. Madaldal siya pero hindi siya nagkukwento about family niya. Alam niyo yun? I feel like I already know him but in reality, I don't.
On the other side, I realized na ganoon din pala ako sa kanya. I don't tell them my parents or anything personal. Basta magkaibigan kami. That's it.
"Tell me one of your secrets. " I randomly told him.
Nakita ko ang bahid ng pagkagulat sa mata niya but knowing Carlos, he'll take that as a not-so-serious thing.
"Since childhood, I only have my eyes for one girl." Sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
I can't take the intensity of his gaze that's why I shifted my gaze to the glass I am holding.
"Really?"
"Yes." Ramdam ko pa rin ang titig niya kahit na hindi ako nakatingin. "How about you?"
I looked at him with my forehead creased.
"What about me?"
"Tell me one of your secrets." I almost choked when he asked back the question I just asked to him a while ago.
But then I composed myself and started answering his question.
I summon all of my courage. This is it!
"I am just pretending."
Para bang tumigil ang paghinga ko matapos kong sabihin 'yon. Handa na akong umamin sa kanya to lessen the guilt I am feeling. I feel like something's already out with me. Para bang may tinik na matagal nang nasa lalamunan ko ang nakalabas.
"It's okay. Sometimes, we have to pretend. One time nga, may tumawag sa bahay, eh dahil wala si daddy that time, nagpanggap akong si daddy. Tapos naniwala naman yung kausap ko, turns out na business deal pala 'yon kaya ayon, grounded ako ng isang buwan." Tumawa siya na akala mo sobrang nakakatawa ng sinabi niya kahit di naman ako natawa.
I was expecting him to dig deeper. To ask me more questions. Just like; "In what way you are just pretending?" "What do you mean?" "Can you please elaborate because I can't follow." Something like that. I was ready to tell him everything but his answer is something I didn't expect of.
I am sure that there are something with Carlos.

BINABASA MO ANG
Who are you, Aira?
ActionAira Celestine Dela Cruz's life is always fun --- at least for her. She is very calculative and manipulative yet calm woman. Not until his brother, Aaron Caleb Dela Cruz asked her a favor that will eventually changed her life.