Chapter 6: Nice to meet you, A

24 0 0
                                    

It's already midnight when I drop Alex home. Pagod na pagod ang katawang lupa ko. Ito ang una kong misyon kay Alex. Matagal tagal na rin noong huling misyon ko at syempre, bilang Aira.

Mabilis kong ipinarada ang sasakyan katabi ng fountain. Hindi na ako nagulat kung gaano kalaki ang bahay na nasa harapan ko. Or kung bahay man ito. Malawak ang garden at kung idedescribe ko, pwede na itong gawing isang malaking parking lot. Or venue ng mga event. Ganon kalaki.

Alex opened the car and rushed towards his huge mansion. Sumunod na rin ang iba pang kasamahan naming tauhan papasok sa loob.

Hindi muna ako pumasok. I first observed the surrounding. Matataas ang bakod sa paligid ng mansyon. Hatalang mataas na kalidad ng security system mayroon ang bahay.. I mean, mansyon ni Alex. Nang masiguradong walang anumang kahina-hinalang tao ang umaaligid ay sumunod na rin ako papasok.

Pagpasok ko ay hindi na rin ako nagulat kung gaano karangya ang mga kagamitan sa loob. After all, Alex is one of the billionaire businessman here in the Philippines.

Umupo ako sa pang isahang sofa. Katapat ang lalaking nakatingin din sa akin ngayon. I raised both of my eyebrows at him. Asking if our plan was successful. He nodded. Good.

"I didn't expect that." Panimula ni Alex.

"Fuck that old conniving man." Habol pa niya.

"You should be careful next time." I told him while looking at my nails.

Kailan kaya ako makakaranas ng manicure at pedicure ulit?

"You don't have to tell me that. I am always careful."

Napatingin ako sa kanya. Pinigilan kong magtaas ng kilay.

"You sure? Kaya pala nawalan ka ng limang milyon?"

His sharp jaws are now moving. Hindi siya makasagot. Maybe he realized it.

"Don't disrespect me like that. I am still your boss--"

"He's right."

Agad kaming napatingin sa lalaking katapat ko. Ang akmang paglapit sana sakin ni Alex ay naudlot.

"If he wasn't calculative enough, I'm pretty sure we are all dead. Burned, I guess."

Napatingin sa akin lahat ng tauhan. Lahat sila ay sumang-ayon. Napatingin ako sa lalaking duguan kanina. May benda na ang lalaking may tama sa bandang balikat.

Siguro alam na nilang ako ang may gawa ng pagsabog.

I heard Alex sighed.

"And..." Napabalik sa lalaking katapat ko ang tingin ng lahat. May kung anong kinuha siya sa gilid niya. I smirked.

"I got these. And that's because of him."

Their jaw fell. No one dared to speak. Hindi sila makapaniwalang nakatingin sa dalawang hawak na attaché case ng lalaki.

Yes. Nang magkatinginan kami kanina ay sinabi ko sa kanya sa pamamagitan ng tingin na kunin niya ang limang milyon pati na rin ang mga baril. Kung mautak si Vargas ay mas mautak ako. Buti na lang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"No way..." I heard him say.

"Yes way..." Someone said.

"Wow..."

"How did they get that?!"

"Grabe..."

He looked at me. I can sense that he is much calmer now. I even saw him gulped.

"I-i... Uhm..."

"Let's go." Sabi ko at buti na lang tumayo na silang lahat.

Pinauna ko na silang lumabas bago ako. But before i even stepped outside, he spoke.

Who are you, Aira? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon