Chapter 9: Thinking about you

15 0 0
                                    

I woke up when I heard someone opened the door.

Pero hindi muna ako nagdilat ng mata. Pinakiramdaman ko muna. Nasaan ba ako?

"He's okay. Nabigla lamang siya sa bala na tumama sa braso niya. His arm is a bit thin kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. But she's.. Uhm, I mean... He's now stable."

Narinig kong sabi ng... doctor?

"Thank you, Mr. Castro." Dinig kong sabi ni Alex.

"Nakalimutan ko. Sumama ka muna sa akin at may ipapakita pa pala ako."

Narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto. I immediately opened my eyes only to see that I'm in a hospital.

Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Nakita ko ang benda sa kaliwang braso ko. Tinignan ko ang suot ko at agad nanlaki ang mata ko!

I'm wearing a hospital gown. Sinilip ko ang loob ng gown at nakita ko na nandoon pa rin naman ang telang ibinalot ko sa mayayaman kong dibdb.

I froze. Napahawak ako sa buhok ko. Napahinga ako ng maluwag nang mahawakan ang wig na suot ko. Mabuti na lamang ay yung may garter ang napili kong bilhin.

Pero... kung napalitan ako ng hospital gown, ibig sabihin nakita yung katawan ko?!

Fuck! 

Pero imbis na mag-alala ako sa katawan ko ay mas nangibabaw ang pag-alala ko na baka mahuli ako...

Pero ang tanong, sino ang nagpalit ng damit ko? At... paano ang record ko sa hospital?

I was in the middle of my thinking when the door opened.

Gusto ko sanang magpanggap ulit na tulog pero huli na.

"Carlos." I said.

I saw his worried eyes.

We stared at each other until I felt him hugging me.

I'm so shocked. I can't even move.

"Thank goodness you're finally awake."

I can't breathe. His hug is so tight.

"Uhm... Carlos I c-can't breathe..."

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-alis niya sa yakap.

"S-sorry. Im just... worried. You are three days unconscious."

Nanlaki ang mata ko.

"For real?!" Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko pero wala na akong panahon para humingi ng paumanhin.

"For real."

I want to ask him a lot of questions. 

Na bakit ganito ang suot ko? Sino ang nagpalit sa akin ng damit? 

Pero bago ko pa buksan ang bibig ko ay nauna nang bumukas ang pinto.

"A!!!!" Tumatakbo ang the gang papunta sa akin.

Nakita kong may dalang prutas si One habang tinutulungan siya ni Five. Si Two at Three naman ay kumukuha ng baso at plato.

Nakita kong may dalang bulaklak si Nine. Kikiligin na sana ako nang maalala kong parang bakla naman ang dating dahil ako si Aaron sa paningin nila.

"Bakit may pabulaklak pa?" I said. 

"To kasing si Nine sabi ko wag na bumili, nagmukha tuloy tayong bading." Sabi ni Four kay Nine habang si Nine naman ay nagkamot lamang ng batok.

"That's sweet," I said slightly chuckling.

Nakita kong napahinto si One at Five sa pag-aayos ng prutas, si Two at Three sa paglagay ng pagkain sa plato at si Six na ilalagay sana ang bulaklak sa vase na katabi ko.

Who are you, Aira? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon