Jema
Nauna na pala akong pumasok kay Sam. Syempre libot libot muna. Starter pack- earphone, cp and mask masanay na kayo sa pormahan ko hahha. Habang naglalakad ako sa field may narinig akong napakagandang balita hihihih.
Guys, laban na ng AWVT bukas. Sino gusto manuod?
Me me me - Sigaw nung isang cute na girl.
Penge ticket hhahah -sabi nung isa
Baliw, after class magrerelease ang school ng ticket -sabi nung nerd
Wow naman -sabi nung chubbyAt nilagpasan ko na sila. So may chance akong mapanuod ang aking mg iniidolo. Pipila talaga kami ni Sam mamaya.
Habang naglalakad ako papunta sa room may nakita akong grupo ng mga athletes. Di naman sila WV kaya di ko na pinansin. Loyal kaya ako.
Pagpasok ko sa room isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin galing sa napaka ingay na nilalang at yun ang aking pinsan na si Sam.
Jemaaaa may good news ako sayo
Ano na naman ba yun at ang aga aga nag iingay ka na, hindi ka man lang nahiya sa mga kaklase natin oh Look!!!
Pagtingin ko ayun wala naman silang reaksiyon pahiya ako ng konti
Close ko na sila Jema hahaah kaya ok na yan ahy. Umupo ka na, pwede pakibilisan
Oo ahy eto na. Ano ba sasabihin mo?
May ticket ako dito for the match between ADMU and UST bukas. Sama ka ba?
Baliw dapat di mo na ako tinatanong kasi alam mo naman sagot ko hahah btw thank you. Akala ko mamaya pa mag release napaaga ata.
Dahil sa demand may mga Student Council na nag ikot sa bawat room for distributing ng ticket sa mga gustong bumili.
Ah ganun pala. At naputol na ang usapan namin ng dumating si Mam Alyssa. Panibagong lesson panibagong quiz and assignments na naman hayssss.
After ng klase pumunta agad kami ng court bale 3 ang court dito. Sa High School Dept kami pumupunta. Naglalaro lang naman kami ng Volleyball ni Sam bago kami umuwi. Syempre Varsity kami sa school namin dati, nakakahiya kasing magtry out dito lalo na at ngayon lang kami dito, baguhan kumbaga.
Jema lakasan mo pa spike mo ah yung tipong dadagundong yung bola.
Ang OA mo naman pero sige lalakasan ko pa. Sam pwede pakitaasan pa ng konti ang pag set mo?
Yes yes ikaw bahala.
2nd day na pala namin ni Sam ginagawa ang paglalaro ng Volleyball ng patago. Minsan ako ang setter siya naman Spiker Vice Versa lang kumbaga.
Jema bukas nalang ulit pagod na ako hahahah
Sige ba. Tara na at ng makauwi na
Someone's Pov
Sa pag alis ng dalawa hindi nila namalayan na may taong nanonood sa kanila
Uy Sam gising na andito na tayo sa bahay niyo oh!!!
Don't yell na pala Jema. So bukas dadaanan mo ako dito huh
Opkors, yung ticket don't forget girl.
Sige mauna na ako, kapagod maglaro
Bye bye at umalis na kami ni Manong Ed.
Sa bahay....
Good evening Nay ang bango naman po ng niluluto niyo hahah
Salamat Apo, paborito mong sinigang yan dinamihan ko na din ng repolyo apo.
Wow salamat Nay. Di ako magsasawa diyan hihihi.
Nakong bata ka magbihis ka na muna at basang basa ka na ng pawis. Naglaro na naman kayo ni Sam noh?
Opo Nay, Sige po magbihis muna ako. Twagin niyo lang po ako at bababa na po ako agad agad.
Loko ka talaga, sige umakyat ka na nga.
Pagdating sa kwarto agad akong naglinis ng katawan at humiga. Kinuha ko cp ko at nag scroll sa instagram. Nakita ko story ni crush may kasamang girl tapos may heart sa taas. Agad ko ding binuksan twitter ko at nagtingintingin, nagtweet siya kasama yung girl tapos caption
" galingan natin bukas ILYSB by LANY" nung una hindi ko gets kasi akala ko kanta lang kaso imposible tapos nagbasa ako ng mga comments. Stay Strong daw, Lowkey No More, Bagay Sila at Hala magkalaban sila bukas mga comments na dumurog sa puso kong inosente. Wala na talaga akong pag asa kay crush haysssss. May tulo ba yung bubong namin bakit basa??? Yun pala luha na pala ang tumutulo sa aking mata na agad ko namang pinunasan.Haysss puso ko bakit sa kanya ka pa kasi nagkagusto. Ang dami namang iba diyan yung single pa. Gusto ko ng matulog kasooooo
Naknaknaknak
Jema Apo bumaba ka na diyan, kanina pa kita sinisigawan kaso walang sumasagot kaya umakyat na ako. Lalamig na yung pagkain dun kanina ka pa inaantay. Siya siya mauna na ako sa baba antayin ka namin ng Tay mo dun
Opo Nay. Sunod na po ako.
Masaya kaming kumain nila Nanay kaso di pa din mawala itong lungkot na nararamdaman ko huhuhuh
Apo ayos ka lang ba? Pwede kang mag kwento kung gusto mo.
Wala po to Nay. Kaya ko po ito hahahah. Nay akyat na po ako. Goodnight and God bless Nay at Tay.
God bless din Apo.
Nagtataka siguro kayo kung bakit Apo ang tawag nila sa akin. Simula kasi nung bata ako sila na nag alaga sa akin pati kay MAMA kaya sobrang lapit ng pamilya namin sa pamilya nila.
Pagdating ko sa aking kwarto nakita ko agad yung picture naming dalawa. Ang ganda mo po idol, ang bait mo po idol at ang bango mo po hihihih. Mga katagang binitawan ko ng una kitang nakita. Gusto ulit kitang mayakap huhuhu kaso di na pwede. Huwag ka lang niyang papaiyakin kundi aagawin kita sa kanya. Ang swerte niya sayo idol.
Goodnight Ate D. Sana makilala mo ako pag nagkita tayo. Galingan mo bukas ate. Ako pa din ang No. 1 bear mo hahaaha kahit may mahal ka na.
Guys kilala niyo na ba ang tinutukoy ni Jema?
BINABASA MO ANG
3 words 3 syllables I LOVE YOU
RomanceA Jedean/ Gawong Story Jema Galanza- Anak ng isa sa pinaka mayamang bussiness man sa Pilipinas at shareholder ng Ateneo. Sakabila ng nararanasan niyang kaginhawaan siya ay isang napaka bait na anak,kaibigan at kaklase. Isa siyang volleyball player s...