Part 3 " Sa unang gabi"

923 15 0
                                    

CHAPTER 3.

That week nagpa alam na ako sa factory. So 1 week notice. Nagsabi na rin ako kay Inay na may na aplayan ako trabaho at mag si share kami ng tirahan ng Bff kong si Mariz.

Kilala siya ni mama kaya pumayag naman pero di alam na GRO ako sabi ko waitress sa Club at malaki kita. Sabi ko makakatulong ako sa pag papa aral sa mga kapatid ko kaya pumayag si mama.

Konti lang naman gamit ko kaya Sabado naglipat na ako , dinala ko lang konti damit ko kasi reject naman lahat dahil pang manang daw. Sabi ni Mariz kapag kumikita na ako dun nalang ako bibili ng damit ko at mga make up.

Sabado ulit. Malakas sa club kapag weekend, so sumama ako sa club dahil ito na official first day of work ko talaga. Naka shorts ako na black na PVC. Saka cropped top na red. Tinuturuan ako mag make up ni Mariz para daw di gabi gabi sya mag make up sakin. May natututunan naman ako like mag kilay. Nauso yung panipisan pa ng kilay that time.

Maaga kami sa Club, rotation kami kung sino mauna mag we welcome sa  mga customers. So this time pang sampo ako sa pila sa couch. Pinakilala ako ni Mariz sa ibang GRO  na nandun, may mga bata may medyo me edad na. Single moms ang iba.

Bandang 9pm nung na table ako. This time di ko na kasama si Mariz , kasi kapag may suki ka na pala minsan i re request kana kagad sa table nila. May nag table sa akin nasa mid 40s sya , may bigote Pinoy sya, "bago ka lang dito?"
"Opo" sagot ko.
"Please wag ka na mag pa Po, naiilang ako" paki usap ni Sir. "Im Edgar" pakilala nya. "Buti naisipan mo mag work dito?" Tanong nya.
"Gusto ko po sana mag ipon- para makatapos ako sa pag aaral at mapa aral ko mga kapatid ko" mahinhin kong sagot . " hmmmm good girl ka pala" ngiti lang reply ko. "Buti pumayag ang BF mo mag work ka dito? Alam rin ba ng dad mo?" Sunod sunod tanong ni Mang Edgar. "Wala po ako BF at wala na din pung tatay" malungkot ko sagot. "Wala kapa ba nagiging bf ni once?" Curious nya tanong. " mayroon po nung hayskul ako pero puppy love lang" nangiti sya. "Maganda ka pamihado marami manliligaw sayo dito" ngiti lang ako.

Nag rekwes sya ng kanta- duet daw kami. Request nya ay yung "Sometimes when we touch" after a while tinawag pangalan ni Mang Edgar sinamahan ko sa stage, di kagandahan boses ko pero atleast nasa tono naman. Habang kumakanta kami tinititigan ako ni Edgar. Natapos ang kanta bumalik kami sa upuan. Mabait naman si Edgar kaso napuna ko may wedding ring siguro married sya. Pero bawal kami mag tanong about their personal life. Kaya tahimik lang ako.

Around 11pm tinawag ako ng waiter may gusto daw tumeybol sa akin. Barkada sila mga edad 26-30 siguro. Apat sila. Ni rekwes ako at isa pa GRO. Si Mariz di ko makita kung saan sya. So nagpa alam ako kay Edgar.  Ingat ka! Sabi sakin. Binigyan nya ako 100 tip.

Nagpunta ako sa group of friends, bday daw ng isa si JM. Gwapo sya. 27th bday daw so pinatabi ako sa kanya at nag order ng drinks. Dami nila order na pulutan din, nag ri request ng mga kanta pero mga Bon Jovi at Guns and roses mga trip nila.

Kada kumakanta mga barkada nya natitira kami ni JM sa upuan, at ng isang GRO at isa pang barkada ni JM. Madilim sa club then all of a sudden naramdaman kong gumapang ang kamay ni JM sa legs ko.

Nagulat ako. Pasimpli kong inalis. "Pakipot ha?" Bulong nya. Nanginig buo kong katawan parang ang baba ng tingin samin talaga. Pero kasi ang GRO sa harapan ko talagang nakikipag yakapan at halikan na sa kaibigan ni JM. I think kasama ba yun sa deal?

Bulong bulong sa akin si JM at panakaw nakaw ng halik sa may tenga ko. "Bango mo- pwede kaba I bar fine?" Pa bday mo na sakin" bulong nya. " ano ba ang bar fine?" Kako , medyo nagulat sya, di mo alam?" Umiling ako. " how long have u been working here?" - "first night ko!" Sagot ko. Tumango tango, tinawag waiter at nag  order ng drinks, nung dumating waiter may dala na maliliit na baso " shots " daw yun.

Pinainom nya sakn , parang cough syrup di ko type. Nka ilan kami nun. At ramdam ko na medyo hilo na ko. Kinukulit nya ako sumama sa kanya. Ayaw ko talaga. Then around 2am lumitaw si Mariz, "san ka galing?" Tanong ko. "Vip room" sagot nya. Nag join si mariz sa table namin. Lasing na ang mag ba barkada.

"Soul mate " (Completed) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon