Chapter 17:
Lalong grumabe daw ugali ni Helen. Pinagpasensyahan ni Scott dahil alam buntis sya and he decided to go back to the Army. March 2013 pinanganak ang baby nila and its a girl. Nag leave si Scott for a month para makasama ang baby nila. Naglobo daw si Helen as in mataba. Pero ok lang naman daw. Minsan kapag aalis si Scott may pupuntahan ang baby nila nasa floor ng bedroom habang si Helen naghihilik sa bed. Nagagalit daw si scott kasi aanak anak pero wala naman paki alam si Helen sa anak nila. Nagpabalik balik din si Scott sa tour at kapag nasa US sya full time dad sya. Ganun parin style ni Helen tamad at wala pakealam sa kanila. Lalo pa syang lumobo ulit. Habang nasa tour si Scott lumipat si Helen sa napakalaking bahay daw. Wala na nagawa si scott kasi hawak lahat ni Helen ipon nila. Medyo mataas ang amortization dito dahil malaki nga kumpara sa old house nila.
When their daughter was 5 naglambing daw sya sa Dad nya na wag na umalis. Kaya nag decide na rin na mag quit si Scott sa service. Dahil wala syang qualifications at 16 lang nung mag join sa arny more on outdoors ang inaplayan na trabaho ni Scott. Naka hanap sya ng trabaho as Truck Driver. Sa US malaki naman daw ang kita ng mga Truck drivers. Pero again di sapat sa kanila kasi ayaw mag work ni Helen. Gipit sila kasi mahal ang monthly bills nila. Nag aaway daw madalas and Helen decided to get a job. Tutal pa Grade 1 na si Olly (anak nila)
Nakahanap ng part time job si Helen bilang admin sa isang police headquarters kasi ang kuya ni Helen ay isang pulis kaya may backer sya.
Few years later di na nila afford ang bahay at na re possesed ng banko. Dahil part time lang ang work ni Helen di naman kalakihan din sahod nya tapos magastos pa daw at nahilig sa mga designers which Scott blamed himself kasi sya nag introduce kay helen sa ganun. Lumipat sila sa 2 bedroom house. Ubos ang ipon ni Scott lahat nasimot ni Helen.
Mahaba ang oras ni Scott as a truck driver. Minsan 4am aalis na at 10pm na tapos nya minsan. One night habang nakahiga daw sila sa kama. Nilambing nya si Helen. Almost 2 months na walang score. Sabi daw ni Helen bumukaka habang nagbabasa ng Book. "Sige magparaos ka pag tapos kana ibaba mo nalang nightie ko. Nawawalan na daw ng gana si Scott pag ganun at bababa nalang sa salas para mag jakul.
Minsan naman daw magigising si Scott around 2am at wla si helen sa tabi nya. Hahanapin nya sa buong bahay wala talaga so tatawag si Scott kay Helen naka off phone nya. Babalik nalang daw ulit sa tulog si Scott then maririnig nya pintuan 2 hrs later. Ask nya san sya galing sagot ni Helen sa supermarket daw may binili.
Pagpasok daw ni Scott sa work wala naman sya nakikita na nag groceries sya. Nag susumbong si Scott sa parents nya about his marital problem pero sabi daw ng mom nya stay muna sya for d sake of Ollie.
Until one day habang nag de deliver si Scott ng mga goods sa isang restorant may napansin daw syang naka bend down na babae may ina ayos ata. Nilapitan daw ni Scott ang babae sabay tinapik sa puwit. Na shock daw si babae at nagalit aaktong sasampalin na nya si Scott at hinarang nya ang kamay ng babae tawa daw ng tawa si Scott "Gina! Its me Scott!" first GF ni Scott na dinump nya sa Germany. "Oh my God Scott? I didnt recognise you" tuwang tuwa daw na niyakap ni Gina si Scott.
That time parang nanumbalik daw ang feelings ni Scott kay Gina o baka dahil unhappy lang sya sa marriage nya ?
Lagi daw pinapasyalan ni Scott si Gina sa bar. Dahil bar tender sya dun. Nag catch up an sila. Dahil honest si Scott nabanggit daw nya kay Helen si Gina. "Who da fuck is Gina?" Galit na tanong ni Helen . "She was my first GF in Germany the one who took my virginity " ani Scott. "I want to meet her" sabi ni Helen.
Nag arranged sila mag meet sa restaurant kasama pa si Ollie. Akward daw dahil bastos ang dating ni Helen kay Gina. Ang kay Scott lang naman kasi naging childhood friends daw sila noon ni Gina bago naging sila kaya as magkababata siempre he wants to keep intouch.
Binigyan daw ni Gina ng small gift ang anak nila pero pag uwi nila sa bahay sabi daw ni Helen kay scott "i dont want u seeing Gina ever again!" Saka tinapon daw ni Helen ang gift ni Gina kay ollie sa basurahan.
Secretly nag te text an sila Scott and Gina and one afternoon maaga daw natapos si Scott at off ni Gina. Niyaya daw ni Gina si scott sa bahay nya. Parang studio lang sama sama na ang bed bathroom kitchen at sofa sa iisang room. Naki CR daw si scott pagbalik nya naka upo na sa bed si Gina. Kwentuhan daw sila nung mga bata pa sila sa Germany then dahil black belter si Gina they play fight at na pinned down daw ni Gina si scott sa bed at nagtitigan sila. Biglang tayo daw si Gina "this is not right" sabi daw nya kay scott. May asawa ka! Ayokong maging sanhi ng separation nyo. Pero in explain daw ni Scott na magulo na relasyon nila bago sila mag meet. "You want to leave her?" Tanong ni Gina kay Scott "i dont know yet we have a child but i dont love helen anymore" umalis nalang daw si scott. Balikan mo ako kapag wala na talaga kayo sabi ni Gina kay Scott.
Di na daw nag reply sa mga txt ni scott si Gina. And that same month pumunta sila Scott Helen Ollie at mom ni Scott sa Disney Florida.
Antaba daw ni Helen tapos sabi daw ng mom ni Scott habang nasa pool side sila "bat di mo man lang sinabihan asawa mo na mag shave? Labas ang buhok nya sa kilikili at pati pubic hair lumalabas sa swimsuit. " pabulong daw. "Wala nako pakialam sa kanya mom alam mo yan nag i stay nalang ako sa marriage nato dahil sa anak namin. Oh well its entirely up to u son sagot daw ng mom nya.
Kaya pala nasabi ng mom ni Scott yun kasi few years back anniversarry nila Scott and Helen. Gusto i surprise ni Scott si Helen on their anniversary so he booked a fancy dinner at hotel para may Me time sila mag asawa. Kasi lagi na nga lang daw away so baka yun ma rekindle ang relasyon nila.
Dumating parents ni Scott para mag bantay kay Ollie and they drove for 4 hrs para lang mag baby sit. Pagdating daw ni Helen from work tinanong si Scott. Bat andito parents mo? Ohhh cos I got a surprise for u. Were goin out for a meal and were staying in a hotel. " sabay abot sa mga flowers and gift! Sagot ni Helen. You didnt tell me but am sorry ive already made plans with my friends. Bumaba daw si Scott galit na galit. "Whats wrong?" Tanong ng mom nya. May inabot daw si Scott na A4 paper sa kanila. Thats our dinner reservations and hotel booking just you and dad use it Helen doesnt wanna go out! She said she already made plans with her friends. Galit na galit daw parents ni scott kay Helen kaya since then di na sila naki alam kay Scott.
Back to Florida ganun na nga wala iba ginawa si Helen kundi matulog sa hotel room at di na sya kinulit ni Scott. But scott made up his mind. He will definitely tell helen na its over and he will chase Gina. Liligawan nya ulit to.
Subalit pagbalik nila sa bahay wala na pala si Gina . She left her apartment at nag iba ng number. Nalungkot si Scott at si Helen napadalas ang labas labas nya mag isa.