Part 1- "Ang aking buhay"

2K 20 0
                                    

Dear Ate Ces,

I have been your avid reader since nag ba Blog ka pa lamang sa Blogspot noon, pero lahat ng Blogs mo noon were all written in English kaya laking tuwa ko nung malaman ko na May Reading group ka pala sa FB.

I wanna share my story sana pero di ako marunong mag sulat , makikiusap sana ako kung Pwede mong I edit at iku kwento ko sayo buong buhay ko.

Chapter 1:

Pakilala muna ako. Itago mo nalang po ako sa pangalang Claire, I am 38 yo at may tatlong anak.

Galing ako sa mahirap na pamilya sa isang probinsya sa Pinas. Hirap kami sa buhay kasi kabit lang si Inay, tatlo kaming magkakapatid at panganay ako.

Sana wag i judge ang nanay ko dahil hiwalay na si daddy sa kanyang asawa nung ligawan nya si Inay subalit nang isilang ako bumalik si daddy sa real family nya. Pero si inay dahil na inlav kay dad nagpatuloy ang affair nila.

At first di ko alam na 2nd family lang kami akala ko si dad ay nag ta trabaho sa malayo kaya minsan 2 times a month lang namin sya makita.

Mabait naman si dad kapag kasama kami, malambing sya kay inay. Hanggang isinilang ang bunso namin at dumalang na lang ang pagdalaw ni Dad sa amin. At elementary na ako nang malaman ko na 2nd family lang pala kami.

In early 80s kapag kabit ka lang hindi ka tanggap ng mga tao, para kaming may sakit pati sa school na a outcast kaming magkakapatid kasi kapag may school gathering wala si dad kaya alam ng lahat na 2nd family lang kami.

I was bullied at school tawag sa akin ng iba "bastarda" naiiyak ako kda uuwi sa bahay. Ang lungkot na makita ko ibang kaklasi ko na buo ang family.

Nagpapadala naman si Dad ng financial support kahit paano minsan maswerte na kami na makita sya once a month minsan naman 4 times a year. Malayo kasi lugar nila.

Nag tayo ng maliit na tindahan si Inay sa harapan namin kasi malapit kami sa school. Doon ako natuto gumawa ng mga pastilyas para ibenta din sa mga kaklase ko para may pambayad projects at makasama sa school trip. Nakakaraos naman kahit paano. But when I was in 3rd year high school nabalitaan namin na namatay si Dad. Heart attack!

Mom was so devastated and heartbroken but the hardest part? Hindi kami allowed pumunta sa lamay.

Ako naka punta pero hindi kami makalapit sa ataol ni itay kasi andun ang first wife at 5 kids nila. Mestisa at mestiso sila. At mas matanda sila sa akin.

Nasa may labas lang kami ng kapatid ko na sumunod sa akin. Umiiyak kami magkapatid habang akbay akbay ko sya. Ansakit te gusto ko mayakap man lang si Itay subalit hindi pwede. Kilala kasi kami ng first wife ni dad. Nakita ata mga pictures namin. Si inay di talaga pumunta dahil ayaw nya ng eskandalo. Mataray kasi si first wife at kilala sila sa lugar nila.

Nung libing na. Nag punta kami pero nasa malayo kami. Para kaming naka disguised sa mga suot naming shades para di kami mamukhaan. Iyak ng iyak si Inay at bilang panganay I was trying to comfort my siblings and my mom.

Natapos ang libing -life goes on. Pero this time mas hirap kami kasi wala na si dad. Wala ng magpapa aral sa amin. Nakatapos ako ng high school I was 16. Kaso ate Ces di na afford ni Inay na pa aralin ako ng college. Kaya nahinto ako.

Namasukan ako sa isang Factory gumagawa kaming mga damit damit. Mura lang sahod pero nakaka tulong naman kahit paano. I worked here for 2 years.

Until one day nakita ko ang kaibigan ko nung elementary. We parted ways kasi sa ibang school sya nag aral. Ang ganda nya blonde ang buhok. Ask ko kung san sya nag aaral. Sabi nya 2nd yr HS daw huminto na sa pag aaral dahil poor din kasi ang kaibigan kong to. Kaya naging BFF kami dahil single mom din nanay nya. Iniwan sila ng tatay nya bata pa lang sila magkapatid.

San ka nag wo work? Tanong ko , baka pwede moko ipasok. Baba kasi sahod sa factory at gusto ko maka ipon sana para mag aral ukit. At ang ganda ganda ng kutis nya. Nainggit ako. Sabi nya GRO daw sya. Di ko alam ano yun GRO pero malakas naman daw kita . Uupo lang tas kikita kana by commission sa drinks. Sabi ko sige ipasok mo ako.

Sige sama kita sa sabado. Sabi nya. Punta ka sa bahay ko ayusan kita. Di pwede yang manang style mo na damit. Binigay nya address nya sa akin. "Lumipat na kayo?" Tanong ko. Siya lang daw nag re rent ng 1 bedroom apartment malapit sa work nya pero nanay at kapatid nya nasa probinsya parin.

"Soul mate " (Completed) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon