Chapter 9 [05.31.2019]

1.2K 108 16
                                    

Sabi nga nila, "insanity is doing the same (mistake) twice."

Baliw na nga yata ako.

Sabi rin nila, "once burned twice shy."

I am also thinking of backing out of this date. Maaga pa naman, eight o'clock pa ang usapan namin na magkita sa parehong restaurant kung saan dapat kami nag-first date.

"Arf."

"Toto, I gave my word."

"Arf!"

"Sinabi mo pa. Naku! Naku! Pag na-indian na naman ako, lagot talaga sakin yang si Edward!"

"Arf! Arf!"

"Cool ka lang, Toto. Di tayo savage. Di mo pwedeng lapain si Edward. Ikukulong ka nila."

"Hoy, Maymay! Kinakausap mo na naman yang mga alaga mo."

"Oh my God! Pat, naman. Di ka ba marunong kumatok? Teka, pano ka nakapasok dito?"

"Si Kuya Vincent mo nandiyan, di mo yata na-inform na may date ka."

"Hala! Nakalimutan ko. Hala! Lagot ako nito kay Kuya."

"Alam ko na, bakit di mo isama si Kuya Vincent sa date mo. Chaperone."

"No. No. No!"

"Good idea, Pat. Bunso, treat mo ha."

Shit. Shit. Shit. I'm deadt.

_______________

Nagulat si Edward nang makita niyang may kasama ako. Nauna kasi siya sa restaurant this time at naghihintay na siya sa table nang dumating kami.

"Hi, Edward. This is my Kuya Vincent. Kuya, this is Edward."

"Hello, Vincent. Nice to meet you." Tumayo si Edward at inabot ang kamay kay Kuya Vincent.

"Likewise." Nagshake hands silang dalawa.

Pinaupo muna ako ni Edward bago siya bumalik sa kanyang upuan. Nasa harap niya ako nakapwesto at si Kuya Vincent naman ay nasa tabi ko sa kanan.

Nagtatanong ang kanyang mga mata pero hindi niya ako tinanong kung bakit ako may kasama. Pilit kong ipinaparating sa pamamagitan ng aking mga mata rin na ipapaliwanag ko ang lahat sa kanya mamaya. Naintindihan siguro niya dahil nakita kong tumango siya.

"Ehrm." Si Kuya. Gutom na kaya siya? Ilang minuto na rin kasi kaming tahimik sa table. Nagtitinginan lang kaming tatlo.

"Are you ready to order, Sir, Ma'am." May lumapit na waiter samin.

Thank you, Lord!

"Steak, medium rare. At red wine. Thank you." Nauna pa si Kuya mag-order. Hindi talaga siya dapat sinasama sa malalaking handaan.

At least nagpasalamat siya. Hayst.

"Go on, Maymay." Nagsalita si Edward at iminuwestra ang kanyang kamay sakin.

"Same order but make it well done, okay? No sidings." Sabi ko sa waiter na tumango lang sakin.

"I'll have steak, too, medium well and a side of mashed potato. And red wine."

"Sir, how about dessert?"

"Maymay?"

"Ummm... Creme brulee?"

"Vincent?"

"Hmmm... Slice of triple chocolate cake."

"I'll have creme brulee, too."

"Okay, Sir. I'll be right back with your orders."

Nagpasalamat kaming lahat bago umalis ang aming server. Namayani na naman ang katahimikan.

Susme! Ganito pala yung feeling na may bantay sa date. Bakit ba nangyayari ito sakin? Malas yata talaga ako!

Bigla na lang naming narinig ang paggalaw ng upuan. Tumayo si Kuya.

"Excuse me." Sabi niya pa bago lumakad palayo sa aming table at kinausap ang isang server na nakatayo sa isang sulok. Nakita kong may itinuro ito at naglakad papunta roon si Kuya. Ah, magsi-C.R. pala.

"Maymay..."

"Edward, I'm sorry! It's my fault. Nakalimutan ko eh. I invited my Kuya to dinner. I promised to cook for him. I'm sorry."

"No, it's okay. I think—"

Sus, di pa siya sigurado!

"You know how to cook?"

"Yup. Pero basic lang. Simple dishes like sinigang, adobo, ginisa."

"Hmmm..."

Nagulat kami ni Edward nang marinig ulit namin na gumalaw ang upuan. Nakabalik na pala si Kuya ng di man lang namin napansin.

"So, Edward, what is your intention with my sister?"

OMG. Kill. Me. Now.

"Kuya..."

"No, it's okay, Maymay. Your Kuya is just concerned. Naalala ko tuloy si Hannah." Ipinatong ni Edward ang kamay niya sakin at pinisil ng bahagya, pagkatapos, lumingon siya kay Kuya.

"To answer your question, I am interested in dating your sister. We are of age to be allowed to date, no? But yeah, I want that. And... we'll see."

"Sino si Hannah, Maymay?" Bumulong si Kuya sakin pero narinig pala ni Edward kaya siya ang sumagot sa tanong.

"Hannah is my niece. Actually, she's a patient of your sister."

"Kelan ka pa naging pediatrician, Maymay? Wait, maliit pa ang ang pamangkin mo, right?"

"Yes, she's five."

"Long story, Kuya. Ikukwento ko na lang sa'yo sa bahay."

"So, I'm an open book, Vincent. Ask me all you want to know." Kasunod ng pahayag na iyon ang pagsandal ni Edward sa upuan at nagcrossed arms pa ito.

"Do you have a job?"

"I have a construction business."

"Good, good. Are you married? No? Okay." Umiling lang si Edward sa tanong.

"Kuya!" What's with the twenty questions?! This time, pinalo ko na si Kuya sa braso niya.

Napansin kong natatawa si Edward sa inaasal ni Kuya pero mas okay na yun kesa mainsulto siya. Nakakahiya kung dito sa loob ng restaurant magsapakan ang dalawa.

"It's okay, Maymay." Pinisil ulit ni Edward ang kamay ko.

Nagpatuloy ang question and answer portion sa pagitan ng aking Kuya at ni Edward.

"Any thoughts on monogamy?"

"I prefer it, actually."

"Good answer. So, you passed my test. Initial test. I'm just waiting for my order then I'll leave you two alone."

Thank, God! Nakatinginan kami ni Edward at sabay na napangiti.

"Her curfew is at midnight."

"Kuya!"

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon