Chaper 13 [07.17.2019]

1.2K 91 29
                                    

"Anong itatanong mo sakin?"

"Aaaaahhhhh!"

"Meeowww!"

"Arf! Arf! Arf!"

"Hey, are you okay?" 

Nahulog ako sa kinauupuan ko. Sinipat ko agad kung secure pa ang pagkakatali ng aking bathrobe at kung merong accidental flashing. Thank you, Lord! at wala.

"Here take my hand," sabi ulit ni Edward. Inabot ko ang aking kamay at hinila niya ako patayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig.

"Thank you. Kanina pa ba kayo dumating ni Toto?"

"No, we just got here. I brought lunch. Nasa coffee table. Wait, I'll get 'em and put 'em on the dining table."

"Tulungan na kita."

"No need. I can manage. Um...Maymay?"

"Yes?"

"You better get dressed."

Sh*t. "Sorry, nakalimutan ko. Are you sure kaya mo na?"

"Go."

Nagmamadali akong pumunta sa kwarto at ni-lock ang pinto. Saka ko pa lang tinanggal ang bathrobe at nagbihis.

_______________

D*mn it. Maybe this is not a good idea.

"Arf! Arf!"

Hindi ko mapigilang ilabas ang aking frustration. Dahil dalawa lang kaming nasa kusina ni Toto, siya tuloy ang napagbalingan ko.

"See, Toto, I am not a saint. I can only take so much. No, scratch that! I can only take this much." Iminuwestra ko pa sa aking mga daliri na ilang pulgada na lang ang natitira sa aking kontrol.

"Arf."

"You agree?"

"Arf!"

"Tell me, what should I do?"

Tiningnan lang ako ni Toto. Hindi siya kumahol this time. Ikiniling lang niya ang kanyang ulo. Hindi ko alam kung ito ba ay gesture ng naaawa o nag-iisip. 

When did I start talking to dogs? Maybe I am losing my mind.

"Gusto mo na bang kumain?" Nakabalik na si Maymay. 

Did she hear what I just said? I really hope not.

Nakita kong nakadamit na siya ngayon nang nilingon ko siya pero parang wala pa ring pinagbago. Para lang siyang naka- T-shirt. Kitang-kita ang kanyang mahahabang legs sa suot niya.

The good news is, nakasuot siya ng shorts sa ilalim ng oversized shirt.

Bad news? I have an overactive imagination and it is running riot this time. I can't help but think, are you on the menu, too? 

Kung gaano kabilis pumasok ang ideyang iyon sa aking isip, ganun ko rin kabilis tinuldukan.

 Damn it, Edward. Control yourself. 

"Sure. It's already quarter to twelve. I'll help you set the table."

"Yung plates nasa cabinet, yung utensils nasa top drawer."

"On it."

Mabilis naming naubos ang pagkain. Oras na para sa dessert at movie marathon so we decided to eat in the living room.

"Do you want to watch it from the beginning?"

"Dun lang sa kinidnap na si Tony Stark. San ba ang huli mong napanood?"

"I think we fell asleep last night at the same time. That was the last scene I remembered watching."

Habang nanonood kami, di ko maiwasang mapatingin sa legs ni Maymay.

Magkatabi kasi kami sa 3-seater sofa. Ang aking kaliwang bahagi ay nakadikit sa kanang gilid niya. Ang aking kaliwang braso ay nakapatong sa likod ng sofa at bahagya siyang nakahilig sa aking balikat.

Kanina pa ako distracted sa kanyang legs na nakapatong sa coffee table lalo na kapag kukuha ako ng cake. Di ko mapigilan ang mapatingin dahil na rin ang platong pinaglagyan ng cake ay nakapatong sa tig-isang naming hita.

Pinindot ko ang pause button ng remote control.

"Edward?! Bathroom break?" Naguguluhan tanong ni Maymay.

Hindi ko siya sinagot pero tumayo ako sa sofa dala ang pinagkainan namin papunta sa kusina.

Pagbalik ko, kinuha ang blanket na ginamit ko kagabi. Nakapatong ito sa isang single seater na upuan. Kinuha ko rin ang throw pillow bago ako umupo.

"Here." Labis ang pagtataka ni Maymay habang inaabot ko sa kanya ang blanket. Medyo maalinsangan kasi ang panahon.

"Cover yourself."

"I will not. Edward... mainit!"

"Please?"

"Why?!"

"Basta."

"Edward, mainit nga. Ayaw!"

"For my sanity. Please, Maymay?"

Matagal nakatingin sakin si Maymay. Dahil transparent siya, halos lahat ng emosyon ay nakita ko sa expression ng kanyang mukha — confusion, shocked and finally, comprehension.

Tumingin siya sa aking kandungan na kanina ko pa tinakpan ng throw pillow.

"Oh." Yeah... Oh.

Habang tinatakpan niya ang dapat matakpan ng kumot, kitang-kita ko ang pamumula niya ng mukha na pilit niyang tinatago sa kanyang buhok kaya pinindot ko ulit ang button sa remote control para maipagpatuloy na namin ang pinapanood at dito na mabaling ang kanyang atensiyon.

Makalipas ang isang oras, naramdaman kong bumagsak ang kamay ni Maymay sa ibabaw ng throw pillow. Bigla akong napatingin sa kanya. Nakatulog na naman pala siya, naisip ko tuloy na isa pala siyang 'masa.'

Masandal tulog.

Napansin ko rin na nakatingin si Toto sakin mula sa kanyang dog bed. Nasa gilid lang ito dahil sina Mimi at Sasa ang natutulog dito.

"So... what I'm gonna do now, Toto?"

Ikiniling lang niya ang kanyang ulo.

"Yeah, I know. Thanks a lot, buddy."

"Arf."



The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon