Chapter 18 [10.09.2019]

1.1K 79 15
                                    

The Past

"Mama, ano po yung sex?"

"Naku bata ka, saan mo ba narinig yan?"

"Dun po sa kapit bahay natin. Sabi pa nga po ni Elena dun sa mamang nagdedeliver ng sulat, Sex lang? Mano ba namang i-date mo naman ako," seryosong pahayag ni Maymay sa inang nagtitirintas ng kanyang buhok.
Napasapo sa ulo ang ina nito.

"Naku, Maymay. Hindi maganda yang nakikinig ka sa usapan ng iba. Wag kang tsismosa ha. Saka hindi mo pa dapat malaman yun. Wala ka pang asawa."

"Mama, pwede na po ba ako mag-asawa?"

"Aysus. Ikaw talagang bata ka! Ano ba yang pinagtatanong mo?! Hindi ka pa pwedeng mag-asawa. Wag muna ngayon, grade one ka pa nga lang, eh."

Nag-isip ulit ng sasabihin ang ina ni Maymay bago ito nagpatuloy, "Pero i-promise mo kay Mama ha. Kasal muna bago sex. Promise?"

Naguguluhan man si Maymay, dahil hindi sinagot ng kanyang ina ang tanong, tumango na lang ito.

"Promise po, Mama," seryosong pahayag ni Maymay sa kanyang ina.

"Oh, siya. Promise mo rin hindi na pag-usapan ito. Pag malaki ka na lang."

"Katulad ni Elena?"

"Oo."

Napaisip si Maymay. Dalaga na si Elena. May trabaho na rin. Matagal-tagal pa nga bago niya malalaman ang tungkol dun kaya gaya ng pangako niya sa ina, hindi na siya nagtanong ulit.

Hanggang sa yumao na ang kanyang ina, hindi rin niya kinalimutan ang pangako niya dito.

______________

"Nay, sorry po. Muntik ko ng ma-break yung promise ko sa'yo."

Nasa kwarto na ako pero malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko pa naranasan ang ganito sa buong buhay ko. May mga panahon pa nga na tinanong ko sa aking sarili kung asexual ba ako.

Pero, hindi. Oblivious lang daw ako sabi ni Pat. Ang sakin naman, busy nga kasi ako sa pag - aaral ko. Dati, mas excited pa akong madiscover kung anong bacteria ang nasa slide kesa sa kung sino ang heartthrob ng kolehiyo namin. Sabi nga ni Pat, di ako marunong lumandi.

Dati kasi, nung resident doctor pa lang ako, kahit may maghubad sa harapan ko para sa medical check-up, walang epekto sa akin. Kahit nakikita ko ang ibang nurses na nagba-blush minsan sa nakita nila, hindi ako apektado.

Pero kanina, parang kinukuryente ang aking buong katawan habang nakatitig ako sa katawan ni Edward. Hindi sinasadyang napako ang paningin ko sa kanyang *tut tut* na tanging twalya lang ang hadlang sa malikot kong imahinasyon. Sinundan ko lang naman kasi ng tingin pababa ang mga balahibo sa abs niyang may six-pack.

Pen*s, Maymay. Pen*s. That's what you call it in medical school.

"Buset ka, bakit ka ba nangingialam sa tawag ko dun?" kontra ko sa aking isip. "Sa palagay ko mas dapat na tawag ko dun...dragon. Yun! Kaya pala ganun na lang ang aking pakiramdam habang magkatabi kami sa kama. Hindi yun panaginip lang..."

Ay, bushak ka, Maymay!

"Sorry, Ma, ang hot kasi eh...Juskolord! Eto na naman ako. Nag-iinit na naman ang pisngi ko."

"'Heart?"

"Ay, butiki!" Muntik na akong nahulog sa pagkakaupo ko sa kama. Sa sobrang pag-iisip ko, di ko namalayang nasa harapan ko si Edward.

"Yes,'heart?" sabi ko sa kanyang dragon, este, sa kanya. Nakatayo kasi siya sa harapan ko. Nasa direct line ko ang kanyang *tut tut* dahil nakaupo ako.

"I'm starving. Let's go eat breakfast."

"Ah... Um," napatikhim ako. Wait, bakit parang...

"Stop doing that, Maymay."

"Wha— Ano? Wala akong ginagawa," protesta ko. Patuloy na nabubuhay ang dragon habang nakatitig ako dito.

"Never mind. Here, take my hand. Let's go to the dining room. Ako ang magluluto."

"P-pero..."

"I know how to cook breakfast. Besides, I need to get busy or I am going to eat you for breakfast."

"What?!"

"Wala akong sinabi. 'Lika na, like I said, I'm starving!"

Kalma ka lang, Maymay. Kahit na-excite ka ng slight sa sinabi ni Edward, may pangako ka sa Mama mo.

"Shut up," bawal ko sa aking sarili.

"What did you say?" tanong ni Edward. Narinig niya pala ako.

"Wala. Wala. Halika na at pakainin mo na ko ng luto mo."

Bigla siyang napahinto sa paghila sakin. Natatawa siya na naiiling na tumingin sa akin, hinapit niya ako sa bewang at nag-kiss sa noo bago nagpatuloy na lumakad.

"Bakit, ano ba'ng nasabi ko?" bulong ko sa aking isip.

Think, Maymay, think. It'll come to you sooner or later.

"Oh, sh*t."

Dahil ang kasagutan sa tanong ko, it came sooner that I expected.

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon