Chapter 23 [12.30.2019]

1.2K 76 14
                                    

Feeling ko naman, walang nakakita sa ginawa namin ni Edward. Nagbehave na kami pagkatapos.

Dahil trip ni Edward na ma-'surprise' raw ako, which is weird dahil alam ko naman na nasa Singapore kami, binalik niya ang blindfold ko at iginiya niya ako mula sa private plane papuntang sasakyan na maghahatid sa amin sa hotel.

After less than an hour, ramdam ko na nasa elevator kami at sa mataas na floor ang aming destination.

"Ready for your surprise?" bulong niya sa tenga ko.

"Yes."

"Okay... 1... 2... 3!" Sa hudyat ng ikatlo, tinanggal ni Edward ang blindfold.

"Oh... Wow!"

"You like?"

"Love it!"

Nasa isang restaurant kami overlooking the Bay. Like a true gentleman, pinaupo muna ako ni Edward bago siya umupo sa kabilang side ng table.

According to the waiter, nasa Club 55 kami. Hinayaan ko na magorder si Edward para sa aming dalawa.

This is something I don't do on an ordinary day. Masyadong classy ang lugar. Nahihiya akong magkamali. Nagsalita lang ako pagkaalis ng waiter.

"Edward, this is too much."

"'Heart, for you, nothing is too much. Besides, I know a guy who knows the chef," sinabayan ng kindat ni Edward ang paliwanag niya.

"Fern. Remind me to thank him pagbalik natin."

"Hahaha. It's okay. This is actually his gift for us."

"Gift?"

"For our..."

Nanlaki ang mata ko nang biglang lumuhod si Edward sa harapan ko at inilabas ang isang singsing.

"Heart, get up," pabulong kong sabi habang nilinga ko ang paligid. Pinagtitinginan nila kami.

Napalunok ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sigurado ako, Pulang-pula na rin ang mga pisngi ko.

Ito na ba? Ready na ba ako?

"Maymay... 'Heart... I love you. I want to spend my life with you... Um... Would you make me the happiest and the luckiest man alive and marry me?"

Para akong nahipnotismo sa tingin ni Edward. Biglang naglaho ang ingay sa paligid. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang.

I saw my future in his eyes. That moment I knew that I'm ready. To be with him. To be the future Mrs. Barber.

"Oh, Edward! Yes. I love you, too. Yes!"

"She said,' Yes'!" tuwang-tuwang sigaw ni Edward bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"Sshhh..."

Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng palakpakan mula sa paligid. If I didn't know any better, kamag-anak ni Fern ang lahat nasa loob ng restaurant.

Habang nagpapalakpakan ang mga tao, hinawakan ni Edward ang magkabilang pisngi ko at ginawa ran niya ako ng halik. Like sealing our promises to each other with a kiss. Saglit lang pero ramdam ko ang sinseridad niya. His love.

"Happy?"

"Yes..." Pero bigla kong naisip si Kuya. Mas masaya siguro kung nandito siya. Pati ang mga parents ni Edward.

"Heart, don't worry, I have a plan."

"Plan?"

"For our engagement party. Alam ko na gusto mo na nandito rin ang kuya mo ngayon para mag-celebrate."

"Thank you. For this. Alam na alam mo ang gusto ko eventhough we've known each other for a short time."

"You're my soul mate, 'heart," paliwanag niya, "Let's eat, I know gutom ka na."

Kilala niya talaga niya ako. Either that or telepathic siya. But I know what he meant.

The long wait is over. I have found my 'the one' at hindi ko pinagsisisihan ang paghihintay ng matagal.

Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwa, tinext ko si Pat nang makaupo ulit kami sa aming table. May mga guests kasi na nag congratulate pa sa amin. By that time, ready na ang aming food.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon