Chapter 8 [05.25.2019]

1.1K 89 6
                                    

"I forgot to thank you for the flowers." I press send.

Nagreply agad si Edward,

"I hope you liked them."

Nagreply ako,

"Yes. Thank you. And sa jacket."

Kakauwi ko lang mula sa hospital. Naisipan ko lang itext si Edward nang maalala kong hindi ko pa pala siya napasalamatan kanina sa bulaklak.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya dali-dali kong binasa ang text. Hindi galing kay Edward. Si Pat pala.

"Hoy bakla! Meron akong ipapa-date sa'yo. Pogi at mayaman."

"Here we go again. Naku, Pat. Kelan mo kaya ako tatantanan sa mga blind dates na yan? Mukha ba akong desperate?"

"Meow!"

"Tama ka diyan, Mimi. Ang mga katulad natin, hinahabol ng boys. Di ba? Pero sabihan mo yang boyfriend mo sa kabilang pinto, di pa ako ready maging grandma. Okay?"

"Meow."

"Kilala na kita Mimi, pag nakatalikod ako, kirengkeng ka. Bakit di mo gayahin si Sasa? Isang dalagang Pilipina."

"Meeeooow!"

"Di bale, papa-gwardiyahan ko kayo kay Toto. Para walang aaligid-aligid sa inyong mga boys."

"Maymay!"

"Ay, butiki. Ano ba Kuya Vincent! Bakit ka nagmumukmok diyan sa dilim?"

"Siraulo! Kung di ba naman- nakatulog ako sa puyat. Dalawang gabi na kong wala halos tulog sa binabasa kong case files."

"Ganun ba? Naku, bakit ka pa dumaan dito? Sana nagpahinga ka na lang sa condo mo. Dito ka nga mahiga sa sofa at oorder ako ng takeout. Ano bang gusto mo? Chinese, Japanese o pizza?"

"Wala akong gana. Kailangan ko lang matulog."

"Oh, sige. Dun ka na sa kabilang kwarto. Mga isang oras din yung delivery eh. Gigisingin na lang kita."

"Hindi nga ako nagugutom."

"Wag makulit, Kuya. Sino ba ang doctor satin? Di ba, ako?"

"Siya. Gisingin mo na lang ako. Salamat, bunso."

Agad kong tinawagan ang paborito naming pizza delivery. Mas madali si kuyang makakakain, mas mabilis siyang makakabalik sa tulog.

"Kawawa naman." Naisip ko tuloy, pareho kami ni Kuya na busy sa career. Wala kaming social life.

"Halika, Mimi, samahan mo ko sa kusina at igagawa ko ng fruit drink si Kuya. Mukha ng patay eh. Di pa yata kumakain ng maayos. Ay teka, shower na muna pala ako."

Kakatapos ko lang maligo at gawan ng inumin si Kuya, dumating na rin ang pizza kaya ginising ko na siya.

"Inumin mo ito Kuya at kumain ka para makapagpahinga ka na ulit. Kung wala kang time magluto bukas, dumiretso ka na dito at off ko. Makakapagluto ako para sa ating dalawa."

"Sige, salamat bunso. Ano na nga ba ang bago sa'yo? Yang bulaklak, kanino galing?"

"Kuya, di na ko high school. Bakit ba tinatanong mo?"

"Masama ba?"

"Eh, sa uncle ng pasyente ko. Ka-blind date ko one time, si Pat ang salarin."

"Naku si Pat? Sigurado ako palpak na naman yang date mo."

Pinamulahan ako ng mukha. Kung iisipin mo ang buong scenario, palpak nga. May naospital pa.

"Naku Maymay, tigil-tigilan mo na nga ang pagkunsinti sa bestfriend mo. Mamaya mapahamak ka lang."

Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko. Nasamid ako. Kabaligtaran kasi ang nangyari.

"Salamat dito bunso ha. Una na ko. Hohummm! Sige, good night." Ginulo-gulo pa ni Kuya ang buhok ko bago ako iniwan.

Ubos na agad?! Hinigop nya ba yung pizza ng hindi ako nakatingin?

Inabot ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. Bigla kasi akong inantok. Napangiti ako sa aking nakita.

Edward: Basta ikaw. I'm going to collect your IOU. Please have dinner with me tomorrow night.

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon