Chapter 10 [06.09.2019]

1.3K 95 11
                                    

"So-" Sabay pa kaming nagsalita.

"Jinx!" Sabay na naman!

"Ladies first," ani ni Edward

"No, you go first," giit ko.

"Ah... Is that normal with Vincent?"

"Yep. He's protective of me."

"You know... I'm a little rusty. I haven't dated for a while." Sa pagkakataong ito, hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Don't worry. So far, you're doing good."

"You have to eat." Iminuwestra ni Edward ang aking dinner na kalalapag lang sa mesa namin.

"Okay." Saka pa lang niya binitawan ang aking kamay at dinampot ang steak knife at tinidor.

Namayani ulit ang katahimikan habang kumakain kami. Masyadong masarap ang pagkakaluto sa steak kaya inuna ko itong pagtuunan ng pansin. Pagkatapos ng mga mahigit bente minuto, di na ako nakatiis na hindi magsalita.

"So-" Nagkasabay ulit kami ng pagkakasabi.

"Jinx!"

"Hahaha. This is becoming ridiculous." Di ko maiwasan ang matawa. Para kasi kaming kambal na pareho ng iniisip.

"I know. Maybe we should just talk like we are best of friends. Para hindi awkward."

Na-friendzoned ba ako?!

"But not as friends only. I am still very much interested to date you," bawi niya agad sa kanyang sinabi.

Bakit ba nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya?!

"If you were my friend, my questions would be more personal," biro ko sa kanya na agad niyang sineryoso.

"It's okay as long as you give me a direct answer when I ask you a very personal one."

Muntik na akong mabulunan. Mukhang napasubo ako, metaphorically. Ganunpaman, sinimulan ko nang magtanong. Andiyan na, eh.

"Okay, how many past girlfriends did you have?"

"I think two. One in high school and one three years ago. Those two were my only serious relationships. What about you?"

Shit! Mali ako ng tanong. It backfired.

"NBSB," nahihiya kong sabi. Sa edad kong dalawampu't walo, napag-iwanan na ko sa larangan ng pakikipag-relasyon.

"As in zero?" gulat niyang tanong. Hndi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Guilty." Nag-iinit na naman ang aking mga pisngi kaya ipinatong ko ang aking mga palad sa magkabilang bahagi ng aking mukha.

"Why?! Were the boys in your past schools blind?"

"I had no time," matipid kong sagot.

Wala talaga akong time sa boys noong nag-aaral pa lang ako. Kung alam ko lang na mas magiging busy ako kapag naging doktor na ako, sana kumire na ako noon.

Pero, hindi ko pa rin alam kung paano makitungo sa opposite sex. Kapag sinasabihan nga ako ni Pat na si ganito at si ganyan ay interesado sa akin, hindi ko siya pinapaniwalaan. Pano ba naman kasi, di ko nakikita sa sarili ko na nakakaakit ako ng boys.

Simple lang ako mag damit dati. Palaging nakapusod ang aking buhok dahil ayaw kong may mangyaring aksidente sa akin sa loob ng laboratory. Minsan na kasing nasunog ang buhok ng aming kaklase sa bunsen burner. Kung paano yun nangyari, isa pa rin itong palaisipan sakin hanggang ngayon. Nakasuot din ako ng makapal na salamin kaya nang makaipon ako ng pambayad sa eye laser treatment, hindi na ako nag-atubili pa. Go agad.

"Hmmm..." Tahimik lang siya at nag-iisip.

Dapat ko bang sabihin kay Edward na isa akong nerd dati? Na meron akong awkward phase?

"Your turn to ask a question." Gusto ko ng maiba ang topic. Habang tumatagal kasi ang kanyang pananahimik, nagsisimula na akong ma-stress.

"I am your first kiss."

"That... is not a question."

"But I still need a confirmation. I want to know. So... Am I?"

"Yes?" lang ang aking nasagot sa kanyang tanong.

"Dammit. You know, you should have let the police arrests me for what I did. I... I'm so sorry, Maymay."

"Eh, okay na. Kalimutan mo na yun."

Not this again! Na-a-agitate ako kapag naaalala ko ang nangyari. Ayokong isipin at maalala ang pakiramdam na mawalan ng self-control. My body took over that time. My sound reasoning and professionalism flew out the window. Of all places para humarot, sa C.R. pa ng hospital. Laking pasasalamat ko talaga at narinig ko ang sigaw ni Hannah.

"That I cannot do."

Nag-blush na naman ako sa sinabi niya kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. Mabuti na lang at table napkin sa restaurant ang hawak ko at hindi tissue. Kanina ko pa kasi kinukusot ito sa aking lap dahil sa topic namin na ayaw ko na sanang pag-usapan pa. Kung nagkataon, siguradong mahihirapan ang maglilinis ng aming table dahil punit-punit na ito.

"Maymay, look at me. Please..."

Tumingin ako sa kanya kahit na mahirap. Feeling ko kasi mababasa niya ang iniisip ko sa oras na magtitigan kami.

Jusko! Di ako nakapagshield sa mga titig niya. Nakakatunaw.

"Again, I'd like to apologize for what I did. I shouldn't have taken the choice from you. But, I want you to know that I don't regret it. Kahit ipakulong mo pa ako."

Sa puso ko, gusto mo? Ay, corny! Wag na lang. Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik sa makire kong pag-iisip.

"What's so funny?"

"Wala. May naiisip lang ako." Napigilan ko ang mahinang tawa pero nakangiti pa rin ako.

"You know, I would pay just to know what you're thinking right now."

"Bakit naman?"

"You're blushing but at the same time, there's this sparkle in your eyes that is not present a while ago."

It's for me to know and for you NOT to find out. Buti na lang hindi siya mind reader.

"How is Hannah?" pag-iiba ko ng topic.

"She's excited to return to my parents' house. And she's ready for her school next week."

"I'm glad to hear that."

"Thank you."

"For what?"

"For every thing that you have done for Hannah."

"Wala yun. Ginawa ko lang ang dapat."

"You always go the extra mile. I know because Hannah couldn't stop talking about you. Si Fern din, actually."

"Thank you. I like Hannah. She's so cute and smart. Does she have a sibling?"

"Wala. My sister died before it could happen."

"I'm sorry, Edward." Hinawakan ko ang kamay niya this time. I knew what it felt like to lose someone.

"Thank you. So... what are your plans for tomorrow?" Tanong niya sakin out of the blue. Saglit akong natigilan at nag-isip.

"Chores. Laundry...and more chores."

Iniisip ko pa lang ang sangkaterbang labahin ko at ang apartment kong nanggigitata sa dumi, napapagod na ako.

"Hmmm...and by night time, you'll be too tired to go out...But if I bring you dinner at your house and the latest Avengers movie, pwede ba?"

"Sure, why not?"

"Ok, then. It's a date," nakangiti niyang sabi.

Napasubo na naman yata ako. Sana nga lang at hindi ko siya makatulugan bukas dahil sa pagod.

Hindi pa man tapos ang aming date, nagpapareserve na agad siya para bukas. Parang libro lang na may reservation list sa library.

Iba ka, Edward at ang haba-haba ng hair mo, Maymay!

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon