Chapter 6 [05.15.2019]

1.2K 99 13
                                    

"Hay, home sweet home!"

Inilapag ko lang lahat ng aking gamit sa dining table at umupo na ako sa sofa na kala mo nakahilata.

Sobrang pagod ako today. Nag-rounds, dalawang emergency operation, at ang CR incident with Edward. Not necessarily in order.

Naramdaman kong dumaiti sa aking binti ang mga alaga kong pusa habang nakatingin lang ang aking aso mula sa kanyang pagkakahiga.

"Mimi, Sasa, bawi ako sa inyo next time ha." Sabi ko sa aking mga alaga pero hindi ko pa rin napigilang i-cuddle sila. Konting lambing lang naman ang kailangan nila sakin.

Mabuti na lang at dumaan si Kuya Vincent kanina sa aking apartment. Nagpromise kasi ito na MWF, siya ang titingin kina Toto lalo na sa mga araw na late na ako umuuwi mula sa ospital.

Pagod man ang katawan ko, ang isip ko naman ay hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo. Isang tao lang naman ang nagpapagulo sa aking isipan. Si Edward.

_______________

*flashback*

Maymay, wait!"

Nagmamadali akong lumabas ng CR. Hindi na ko nakapagpaalam man lang kay Hannah.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang... sari-saring emosyon ang nararamdaman ko kaya gusto ko munang mapag-isa. Makapag-isip.

"Please, Dr. Entrata, stop!"

Naabutan ako ni Edward sa labas ng kwarto ni Hannah. Huminto ako hindi dahil gusto kong kausapin si Edward. Huminto ako dahil ayaw kong maging sentro ng atensyon lalo na't may mga dumadaang doktor, nurse at iba pang mga tao sa hallway ng ospital.

"What do you want, Mr. Barber?"

"I'm sorry... I'm sorry."

"What are you sorry, for?"

"I lost control. I... I..."

"... you regret it?"

"No! That was one of the best thing I did in my life so no, I don't regret it. But... But I lost control, Maymay! All I knew was I had to kiss you... It wasn't my right to do it. I knew that. But... I'm sorry.

Pinamulahan ako ng mukha. Naalala ko naman ang eksena sa CR. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari.

"I-it's okay. J-just... Just don't do it again without asking me."

Tango ang itinugon niya sakin. Ang kanyang mga mata, puno ng sorry. Biglang nag-iba ang kanyang expression at nagkunot-noo siya.

"Why didn't you come?"

"What?!"

"Not that..." Napakamot siya ng batok. Masyado nga yatang madumi ang utak ko kaya pinamulahan na naman ako ng mukha.

"You were supposed to meet me. I waited for you. At the coffee shop. I was there until 5 o'clock."

"Edward... Oh my God! I'm sorry! I forgot!"

Shit! Nakalimutan ko.

"You. Forgot." Sabi niya na parang echo. Walang expression ang kanyang mukha.

"Okay." Sabi niya ulit at walang sabi na tumalikod, babalik na siya sa kwarto ni Hannah.

"Wait!" Nagkabaligtad ang sitwasyon namin.

"It's fine. Don't worry about it."

"Are you sure? May emergency kasi kahapon, Edward. I'm sorry."

"Hannah's waiting, Maymay. I have to go."

"Edward..."

Biglang tumunog ang aking phone, emergency. Again. Nakatingin lang si Edward habang binabasa ko ang message.

"Edward, emergency yun. I-"

"As I said, it's fine. Go, Maymay."

Umalis na siya at pinuntahan na niya si Hannah. Hindi ko alam kung anong nangyari.
_______________

"Naku, Edward! Tigilan mo na ako! Ayaw na kitang isipin. Mahal na ang professional fee ko kapag siningil kita baka akala mo. Halos limang oras na kitang pinag-aaksayahan ng time!"

Samantala, somewhere out there... (char! sa hospital lang kung nasaan si Edward)

"Maybe, I was too hard on her. After all, she said she was sorry." Kung sa tutuusin, mas malala ang kasalanan ko kay Maymay.

"But I was too disappointed. Hay! Ganun din kaya ang pakiramdam ni Dennise every time na hindi ako nakakasipot sa mga date namin?"

"Pero Bro, tinamaan na yata talaga ako. Kanina pa ko di makausap ng maayos nila mama eh. Hindi ko naman masabi ang nangyari kanina. Baka ipa-ban ako nila papa sa hospital."

"Edward, you're an idiot!"

Nabigla ako at may sumagot sa aking monologue. "Fern?" Tanong ko sa aking kaibigan na nakapikit pa.

"Who else?! Kanina ko pa pinapakinggan yang drama mo. Kung malakas lang ako, nabatukan na kita."

"Fern! Thank God!... Welcome back, Bro."






The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon