Chapter 22 [11.24.2019]

1.1K 100 21
                                    

"Excited ka ba, Heart?" tanong ni Edward.

"Should I?"

"Heart naman..."

"Kung sinabi mo ba kung saan tayo pupunta, eh di malalaman ko kung maeexcite ba ako o hindi. Is this really necessary?"

"Of course, heart. It's a surprise eh."

I don't know what happened. One minute uminom ako ng iced coffee sa sasakyan ni Edward, the next nasa private plane na kami.

Hindi ko alam ang aming destination. I wouldn't have a clue kasi naka-blindfold ako. If I didn't know any better, iisipin kong na-kidnap ako ng sarili kong boyfriend.

"Why do you have a plane?"

"It's not mine. May uncle si Fern na mayaman apparently and he suggested to use his uncle's plane."

"Akala ko ba wala ng family si Fern?"

"Akala ko rin. My friend was estranged from his very rich family. Siguro nagkaayos nang maaksidente si Fern. I don't know the details. Maraming secrets ang bestfriend ko na ngayon ko pa lang nalalaman."

"Hmmm... Pasalamat ka kay Fern dahil kung sa commercial tayo sumakay ng plane, baka hinuli ka na ng pulis dahil aakalain nilang kinidnap mo ako. Ano bang nilagay mo sa coffee ko?"

"Sleeping pills ni Mama. I'm sorry, heart."

"Don't do it next time, okay? Hindi mo alam kung meron akong tinitake na medication na pwedeng magkaroon ng adverse effect kapag sinabay sa sleeping pill."

"Shit. I'm sorry! Are you, okay? Kailangan ba nating bumalik? Oh my God! Marunong ba sila ng first aid? Pano kung may nangyari sa'yo?! Shit! Miss. Miss!"

Inalis na ni Edward ang aking blindfold. Kitang-kita ko ang kanyang anxiety.

"Heart... Heart! EDWARD, CALM DOWN!"

"Heart, di ko kayang mawala ka sa akin. Don't leave me okay? Miss!"

Sa ingay ni Edward, nilapitan na kami ng flight attendant. Nag-iisa lang ito plus ang dalawang pilot.

"Sir, are you okay?"

"Miss, okay kami. Don't worry, I'll handle him."

"Are you sure, Ma'am?"

"I'm a doctor. It's okay."

"Very well, Ma'am," alanganing umalis ang FA dahil nagpapanic na si Edward. Pero nang makita niya ang aking expression, umalis na rin siya.

"Heart, look at me."

Nasa panic mode pa rin siya. Isa lang ang naisip kong solusyon.

So, I kiss him.

Sa simula, para lang siyang robot na pinatay ang power switch pero after several seconds, he took over.

Mas masiil. Sobrang nakakalunod. Halos kapusin na kami ng hininga kaya sabay kaming huminto.

"Okay ka na ba, Heart?" tanong ko sa kanya na kanyang ikinatawa.

"Okay na okay. Pwedeng isa pa?"

"Aysus! Um..." Luminga muna ako at nang di ko makita ang flight attendant, tumango ako.

"Come here," sabi niya. Magkaharap kasi kami ng upuan.

Pinaupo niya ako across his lap. Inilagay niya ang kanyang braso sa aking likod, ang kamay sa aking baywang. Ipinatong ko naman ang aking mga kamay sa kanyang mga balikat.

"So..."

"So..."

Sabay kaming nagtawanan. Hindi pa man natatapos ang aking pagtawa, sumunggab na siya.

"Whoa—ouch!"

"I'm sorry, heart! Let me see."

"Is it bleeding?"

"No. Just a bit swollen. I know just the thing..."

"The thing?"

"I'll just kiss the boo-boo away," nakangiti niyang sabi.

"Loko. Be gentle kasi."

"Gentle coming right up."

Dahan-dahan niya ulit pinagapang ang kanyang mga kamay mula sa aking mukha papunta sa batok. Ang isa, hinapit ako papalapit sa kanya. Halos magkadikit na kami. Wala ng space sa pagitan.

And then, slowly, his lips descend on mine.

Banayad ang pagdampi ng kanyang mga labi. Nang-uudyok. I have no choice but to open my mouth.

And then, I can feel his tongue's invasion - coaching, dominating. Ramdam ko ang mala-kuryenteng sensasyon sa buo kong pagkatao.

So... ito pala ang French kiss!

Para kaming nagdudwelo gamit ang aming mga dila. Nang bigla na lang... Is he sucking my tongue! B-bakit?

"Unnngh..." Napamulat ako sa aking narinig. Di ako makapaniwala ng sa akin galing iyon.

Napapikit ulit ako nang binagtas na ng kanyang mga labi ang aking leeg. Napakapit ako sa kanyang ulo sabay ng malakas na ungol.

"Heart... you smell good!"

Randam ko ang kanyang ilong na animo'y tini-trace ang gilid ng aking leeg. Then, it's his tongue's turn.

"Oooohhh... God, Edward! What are you doing to me?"

Sa sinabi ko, biglang huminto si Edward kaya hinablot ko ang kanyang buhok, hinihikayat na ituloy pa niya ang kanyang ginagawa.

"Don't stop..."

Ramdam ko... I am losing my control. Lalo na ng mapagtanto ko na nakadantay ang kanyang kamay sa aking dibdib.

Goodbye, self-control!
Hello, momol!

"Attention! Please fasten your seat belts. We are about to land."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Si Edward naman, hininto ang kanyang ginagawa sabay sabing,

"Dammit!"

Naisip ko lang, Langya, bitin!

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon