CHAPTER 1 [03.15.2019]

1.9K 104 9
                                    

"Mamang driver, pwedeng pakibilisan po?"

"Ineng, nakita mo namang di umuusad yung mga sasakyan sa harapan ko. Pano ko pa bibilisan?"

"Sorry po, Manong. Late na kase ako."

"Matatagalan pa tayo, Ineng. Mukhang merong banggaang nangyari dun eh."

"Sige ho, Manong. Dito na lang po pala ako. Heto pong bayad ko. Keep the change."

Lumabas na ng taxi si Maymay. Lalakarin na lamang nya ang restaurant kung saan makikipagtagpo ito sa kanyang 'blind date.'

"Hay nako, kasi naman si Pat di ako tinigilan hangga't di ako pumayag na makipag-date. Ano ba naman kung NBSB ako?! Hello, 2018 na! Girl power. Hindi na isyu yung single ka. Hindi na rin isyu kung walang kang 'boyfriend.' Ang importante happy ka."

Pero 'happy' ka nga ba, Maymay? Hindi ka naiinggit dun sa mga couples na nakikita mo? Eh, yung merong gifts na nagbibigay kapag may okasyon? Yung merong nagtetext kung kumain ka na ba? Nagsasabi ng 'I love you' bago matulog?

"Ano ba 'tong kunsensya ko, pati ba naman ikaw? Wala ba talaga akong kakampi? Saka di pa naman ako old maid. Hello! Dalawang pusa pa lang kaya ang na-rescue ko. Saka isang aso. Isang turtle..."

See, old maid. Bente-otso ka na. Never been kissed ka pa rin! Saka yang V mo baka kailangan ng i-treasure hunt kase nakalimutan nang i-treasure. Hahahaha!

"Walanjo, Pat pati ba naman ikaw mala-kunsensya ko pa rin? Umamin ka, kinukulam mo ko."

Sa kakausap sa kanyang sarili, hindi nya namalayang nasa restaurant na pala siya. Binuksan nya ang pinto at kinausap ang hostess.

"Reservation for MayMay and Edward Barber, please."

"Yes, your table is ready. Please follow me."

Umupo na si Maymay sa kanilang table ngunit wala pa rin si Edward. Kinuha nito ang cellphone at kinausap si Pat.

"Pat, anuna? Sigurado ka bang may date ako? Late na ko pero mas late pa yang blind date mo sakin eh."

"Ha?! Hindi nale-late yun. Ever. Wait lang, tawagan ko para sigurado. Balikan kita. Bye."

Hindi naman mapakali si Maymay. Bukod tangi siya na nag-iisa sa table sa restaurant.

Valentine's Day ba ngayon at di ako na-inform? Bakit puro couples nandito? Nakakahiya naman ako lang mag-isa.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Maymay. Si Pat ang tumatawag.

"Naku, Dale. Di ko makontak si Edward. Lahat na tinanong ko bakit wala pa dyan, di nila alam. Pero umalis raw sa bahay nakaporma na."

"Sige, hintayin ko lang ng ilang minuto pa. Pero Pat, aalis na ko pag di pa sya dumating in fifteen minutes."

"Sige. Sorry, Bes. Mukhang di kaya ng powers ko hanapan ka ng jowa."

"Buang! Ikaw lang naman may gusto nito. Sige na, bye."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Pat, may dumating naman na text na kailangan nyang pumunta sa hospital. Emergency case.

"Well, saved by the bell or text. Aalis na ko at bahala na si Edward."

Pagdating sa hospital, dumiretso na si Maymay sa operating room.

Isang magaling na surgeon si Maymay. Bunga ito ng pagtityaga nya at pagsusumikap sa kanyang pag-aaral. Kaya siguro hindi na rin siya nagkaroon ng boyfriend dahil wala siyang maibibigay na oras para dito.

Inabot din ng apat na oras ang operasyon. Stable na ang taong na-aksidente.

Edward Barber. Huh?! Siya pala ang ka-date ko. Kaya pala siya hindi nakarating sa restaurant. Sadyang hindi talaga ako papalarin na magka-boyfriend. Di ko alam kung malas ako o malas siya. Hay!

Kakalabas pa lamang ni Maymay sa Operating room ay may sumalubong na sa kanyang lalaki.

"Doc, is my friend okay? How is he?"

"And you are? I'm sorry but I can only divulge information to the patient's family or his contact person in case of emergency."

"Ah, where are my manners? I'm Edward Barber, I'm a friend and business partner of..."

"I'm sorry, what?!"

"Edward Barber."

"But the patient's name is Edward Barber."

"Oh. Sorry, Doctor. Long story. But we switched places because I had a family emergency. You see, I was supposed to be on a date. So, I asked my friend to go instead and explain my situation to my date."

"Oh, I see. So, if you are Edward Barber, who is my patient?"

"His name is Fern Santillan. He has no family except...well...me."

"Ok, Mr. Barber. Mr. Santillan sustained leg and head injuries due to the collision. He needed a few stitches in the head. We are still monitoring the swelling but overall, your friend just needs time to recuperate. Mr. Barber, if you don't have any questions, I'll go now."

"Thank you, Doctor. Wait! I didn't get your name."

"It's Dr. Marydale Entrata. But you can call me Maymay. Small world, huh?"

The Date [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon