Chapter 1- The Love at First Sight

1.1K 39 5
                                    

Shane's POV

Nandito ako ngayon sa Spring Field University pag mamay-ari ng kaibigan ng dad ko na si tito Alfred. Pumunta na ako sa Admission Building para makapag enroll na. Transferee pala ako dito pero sabi naman nila di ako magiging ireg dahil same lang ng subjects ko dati, sa dati kong school at dito sa school ko ngayon. If you don't mind, ang program ko is BS Medical Technologist and I'm already a third year college student.

"Good afternoon po Miss, mag-eenroll po ako." sabi ko.

"Sige pa fill-upan na lang tong form then balik ka ulit sa akin." Sabi ni  miss at binigay na sa akin yung form.

Umupo muna ako sa tabi at kumuha ng patungan at ballpen sa bag ko. Habang finifill-upan ko ang form, someone caught my attention. May lalaking pumunta doon sa may admission, shocks ang gwapo niya tapos matangkad pa, isa sa mga type ko sa lalaki ang matangkad. Pero bakit ganun ang lakas ng tibok ng puso ko sakanya, inlove na ba ako? Love at first sight na ba ito? Ano kayang ginagawa niya dito, mag-eenroll din kaya siya? Sana oo, at kung oo man sana maging mag kaklase kami.

Nung natapos na ako mag fill up ng form na binigay sa akin, nakita ko na wala na siya. Sayang naman. Lumapit na ulit ako doon kay Ms. at pinasa na ang form. May mga tinype pa siya bago niya ulit ako kausapin.

"Miss diretso na lang po kayo sa cashier para magbayad, Thank you." Sabi niya at may binigay sa akin na papel.

"Sige po Miss, thank you din po." Sabi ko sakanya at pumunta na sa may cashier. Kinuha ko na rin yung cheke para mabigay na rin.

"Good afternoon po Miss!" Sinabi ko at binigay sakanya yung checke at papel. Tinggap naman niya at may mga tinype lang tas pinrint na resibo siguro. Then she gave me the receipt and the registration form.

"You're already enrolled and the first day of classes is on August 15." Sabi sa akin ni Miss cashier.

"Sige po Miss thank you po." Sabi ko sakanya.

Nung nakalayo layo na ako naisip ko nanaman yung lalaking nakita ko kanina. Kailan ko ulit siya makikita? Hmmmmm....

I decided na pumunta sa pizza parlor then doon na mag early dinner since 1 hr plus ang byahe ko, depende pa yun kung traffic or hindi.

~~~~~

Nakauwi na ako sa bahay namin.

"I'm ho-" Napatigil ako mg pagsasalita nung narinig ko si daddy at mommy ay may pinag-uusapan.

"Sa tingin mo ba papayag yung anak natin sa kasunduan na yan?" Sabi ni mommy.

Wuuuuutttt, anong kasunduan yun?!

"Kahit man pumayag siya o hindi, nung maliliit pa sila napagkasundo na namin sila ni kumapare Alfred na ipakasal." Sagot naman ni daddy kay mommy.

Naguhuluhan na ako ah. Ano ba talaga yun. Kung ako man ang ipagkakasundo nila, paano na yung nakita kong pogi kanina huhuhu. Pero sana hindi ako yung ipakasundo sana babae ang anak na ipagkasundo para si Ralph ang magpapakasal at hindi ako.

"Bahala ka diyan, pag nag rebelde talaga ang anak natin at lumayas ikaw ang mananagot diyan." Sagot naman ni mommy.

Dahil sa mainit na dito sa labas napagpasyahan ko ng pumasok ng bahay.

"I'm home!" Pumasok na ako at nagbless kay daddy at nagkiss naman kay mommy.

"Oh anak nakapag-enroll ka na ba?" Tanong sa akin ni daddy.

"Opo daddy, sa August 15 na po ang first day of classes po namin."Sagot ko naman.

"Oh anak, kumain ka na ba? Ipaghahain muna kita ng hapunan." Aya sa akin ni mommy.

"No need na po mommy, kumain na po ako sa labas eh. Salamat po mommy, akyat na po ako sa kwarto ko." Sabi ko at umakyat na.

Pumunta muna ako sa kwarto ng kapatid ko.

"Ralph." Sabay katok sa kwarto niya.

"Pasok ka ate." Sigaw niya.

Pumasok na ako sa loob at pinuntahan siya. Aba ngiti ngiti ang loko.

"Oh bakit ngiting ngiti ka diyan." Tas kinuha ang cellphone niya.

Naks kaya pala ngiting ngiti toh. May nilalanding babae.

"Ano ba ate! Akin na nga yan." Sabi niya at inagaw ang cellphone niya sa akin.

"Sus nakita ko naman na. Sino naman yang nilalandi mo." Tanong ko sakanya.

"Doon ka na nga ate." Pagtataboy niya sa akin.

"Ah sige tinataboy mo ako ah. Wala ka ng pasalubong sa akin, kila mommy at daddy na lang tong dala ko." Sabi ko at nagkunwaring aalis na.

"Joke lang naman, maganda kong ate. Nasaan na yung pasalubong mo sa akin?" Tignan mo toh nakarinig lang ng pasalubong binola pa ako hahahaha....

"Sus nambobola ka nanaman, oh ito pizza, bigyan mo sila mommy at daddy ah, wag kang matakaw isang box yan." Sabi ko at binigay na sakanya.

"Sige ate, salamat." Nakangiting sabi niya at umalis na ako sa kwarro niya.

Pumunta na ako sa room ko at kumuha ng pantulog sa damitan. Pumunta na rin ako ng banyo para makapag half bath.

Buhos dito, sabon dun at pagtapos ko mag half bath, nag toothbrush na ako. Nagsuot na ako ng robe at bumalik na sa room ko.

Hmmm.... Iniisip ko pa rin kung ano ba ang pag usapan nila mommy kanina. Ipagkakasundo daw? What does it mean? Arrange marriage ba yun? Baliw ka Shane di na uso yun. Hayyss sana naman di maging totoo yung naiisip ko. Magbeauty rest na nga may lakad pa kami ng squad ko bukas. As usual sa bahay nanaman kami ni Bella tatambay buong maghapon.

~~~~~

A/N: First time kong magseseryoso ng isang story huhuhu... Sana matapos ko nga. Pls fav it and follow me thank you guys. I will appreciate it so much.

Arrange Marriage with My ProfessorWhere stories live. Discover now