2 weeks later...
Shane's POV
Shocks mamaya na ang the day, the day na hindi na single ang status ko. Akalain mo yun twenty-one years old pa lang pero married na. Pero simula nung nangyari yung sa condo niya halos every other day bumibisita siya sa akin dito sa bahay. Akalain niyo yun biglang bumait pero minsan may pag ka sungit pa rin siya. Naging close rin kami, grabe noh professor ko ka close ko.
*phone rings*
Sino kaya tong natawag di ba niya alam kung anong oras na. Kinuha ko na yung cellphone ko sa side table.
MAHKO♥ calling...
"Hello Shane, did I disturb your sleep?" Pagbungad niya sa akin. Kahit kailan di ka magiging istorbo sa akin mahko. Sabi ko sa isip-isip ko
"Ah hindi naman, bakit ka napatawag, anong oras na ah." Syempre medyo pa hard to get muna tayo.
"I can't sleep eh."
"So pag di makatulog sa akin ka tatawag?" Bakit di niya tawagan girlfriend niya?
"You're the one that I thought that I can call and of course I want to talk to you before our wedding. We should be used to each other already, since we will live under in one roof." Alam mo Bryce napakapafall mo. Sarap sabihin sakanya yan promise. Pero di ko magagawa kasi ang alam niya ang tingin ko sakanya ay friend slash prof ko.
"Mamaya magalit sa akin girlfriend mo at sugudin ako nun." Well di ako natatakot sa girlfriend niya pero kasi diba babae rin siya na katulad ko masakit na malaman na may ibang katawagan or whatever ang mahal mo.
Anong nangyari dito bakit biglang tumahimik.
"Bryce nandyan ka pa ba?"
"Yes I'm still here, may tinignan lang ako. Umm Shane I'm already sleepy. Let's sleep? You need to sleep or else may panda akong pakakasalan bukas dahil puyat ka." Mahinang pag tawa niya pero matamlay. Tignan mo yun di raw makatulog tas biglang inaantok, yung totoo.
"Kung maging panda man atleast maganda and kasalanan mo yun kasi tumawag ka. Sige na sige na goodnight."
"Okay thanks for your time. See you tomorrow, goodnight!" Sabi niya at binaba na ang tawag.
Makatulog na nga rin. Syempre kahit man maganda na ako ayaw ko naman na kitang kita eyebags ko mamaya.
~~~~~
Nandito na kami kung saan kami aayusan, kung saan ako susunduin ng bridal car. Maganda sana tong wedding na to kung mahal din ako ng mapapangasawa ko. Pero hindi eh. Hayaan na nga lang natin. Mag-enjoy dapat ako since aayusan ako and so on and so fort.
"Ang ganda mo naman hija. Napakaswerte naman ng mapapangasawa mo." Sabi ng mag-aayos sa akin. Sabi sainyo eh.
"Ay hindi naman po. Hindi naman po binebase ate sa ganda lang para maging maswerte ang asawa or partner mo sayo syempre po need din maganda ang kalooban mo." Syempre dapat maging pahumble rin tayo minsan noh. Pero totoo yung sinabi ko na dapat ang pinaka maganda sayo is yung ugali mo.
"Maganda rin naman siguro ugali mo iha eh. Hindi ka naman siguro papakasalan ng partner in life mo kung napaka pangit ng ugali mo." Hayyyss ate kung alam mo lang na arrange marriage lang to.
Hindi na lang ako nagsalita at pumikit na lang muna ako habang inaayos niya yung buhok ko.
YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomanceA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...