Shane's POV
Hala bakit siya nandito? So siya yung bisita ng parents ko? Nandito rin si tito Alfred, don't tell me anak niya si sir Bryce?
"Oh pare yan na ba si Shane?" Pagtanong ni tito Alfred kay daddy.
"Hello po tito!" Pagbati ko at nagmano ako sakanya.
"Oo pare, dalagang dalaga na noh? Di mo ba siya nakikita sa school mo?" Sabi naman ni Daddy. Umupo na ako sa gitna nila mommy at tinignan ko si sir Bryce. Nakapoker face lang siya. Bakit naman naka poker face siya?
"Alam mo naman pare na minsan na lang ako pumupunta dun. Pero alam ko naman na dun nag-aaral si Shane, dahil sinabi mo naman sa akin. Ano ang program mo hija?" Tanong naman ni tito Alfred sa akin.
"Medtech po tito." Sagot ko naman kay tito.
"Parehas pala kayo ng program na kinuha ng anak ko kaso nga lang grumaduate na siya 2 years ago. Pero isa siya sa mga prof sa medtech department. Prof mo ba siya hija?" Tanong ulit sa akin ni tito.
"Umm opo tito." Sagot ko. Bakit antahimik niya?
"Tara na kumain na muna tayo." Sabi ni mommy.
Nagdasal na kami at habang kumakain nag-uusap sila, tumutingin tingin ako sakanya walang reaksyon pa rin, bakit kaya? Nag-uusap lang si mommy, daddy at si tito Alfred. Nasaan pala si Ralph?
"Mommy si Ralph po?" Bulong ko kay mommy.
"Napagod anak kaya ayun hanggang ngayon tulog pa rin." Pabulong din na sabi sa akin ni mommy.
~~~~~
Nung natapos na kami kumain at magkwentuhan sila daddy. Tatayo na sana ako kaso
"Hija, Shane napagdesisyunan namin ng daddy mo na ipagkasundo kayo ng anak ko na ipakasal, diba pare?" Sabi sa akin ni Tito.
What?! Tama ba yung pagkarinig ko? Ikakasal kami ni sir Bryce? Tinignan ko muli siya ayun no reaction pa rin pero nakikinig naman siya.
"Oo pare, kaya sana anak di sumama ang loob mo sa amin dahil pinipilit namin kayo magpakasal ni Bryce, nakakasigurado rin ako na di ka sasaktan ni Bryce kasi isa siyang mabait at mapagkalinga na tao. Kaya gusto sana namin ni pare na di kayo mapunta sa ibang tao na sasaktan din naman kayo." Sabi sa akin ni daddy.
"Sana rin pumayag kayo sa napagkasunduan namin Shane at Bryce" Sabi naman ni tito Alfred.
Dream come true ba toh? Kaso bakit ganun parang wala talaga siyang reaksyon.
"Sige pa, tito pumapayag po ako." Sabi ni sir Bryce.
Hala pumayag siya. Maiiyak na ako nito, chos oa ko masyado.
"Ikaw ba anak?" Tanong sa akin ni Daddy.
"Okay lang din naman po daddy." Medyo matamlay kong pagkasabi, para hindi naman halata na iniibig ko talaga siya.
"Ayun! Salamat mga anak dahil pumayag kayo sa aming kasunduan ni Pare. Sige na magbonding muna kayo para makilala niyo pa ang isa't isa." Sabi ni tito Alfred at tumayo na ako para pumunta sa garden sa may likod ng bahay.
Nandito na ako sa garden at nakita ko naman na sumunod sa akin si sir Bryce. Naupo na ako sa bench and umupo rin naman siya.
"I want to talk to you straight, may girlfriend ako and please do not try to report it kay dad. So I want you to know that this wedding is just for papers, no feelings at all. Second, sa school di mo dapat ako kausapin kung hindi naman related sa course ko sainyo. Lastly, walang makakaalam ng iba ng arrangement na to except our family, okay?" Napalunok ako sa sinabi niya, may girlfriend siya? Ang sungit niya rin ah.
"Then bakit ka pumayag sa arrangement ng parents po natin sir?" Nakakalungkot kong sabi, so ako lang din pala ang maluwag ang loob makipag pakasal sakanya kasi nga diba siya yung parang na love at first sight ako, di pa naman love pero gusto ko na kaagad siya eh.
"Because I do not want to disappoint my dad, siya na lang kasi ang natitira sa family ko. My mom already passed away a year ago. And please stop calling me sir, especially when we are in front of them. Just call me sir when we are at the school." Mahinahon na pagkasabi niya.
"So, kung nasa iisang bahay tayo di rin tayo mag-uusap?" Malungkot na pagkakatanong ko sa kanya. Hayyyss akala ko naman kasi masaya na kasi magiging asawa ko na nga siya pero hindi pa rin naman pala.
"Well, you can talk to me naman, but may I remind you may girlfriend ako so kung ano man ang pagsasama natin hanggang dun lang, na you are my soon to be wife just in papers." Aray ha kailangan talaga paulit-ulit. Unli lang?
"Paano yung girlfriend mo? Umm.. ipapapaalam mo ba sakanya?" Anshakit talaga. Sarap sabihin na hiwalayan mo na lang eh but wala, I do not have the rights na sabihin sakanya yun simce mahal niya yun, eh ako magiging asawa lang sa papel dahil sa pagkakasundo sa amin ng magulang namin.
"Of course not, eh di, nasaktan yun if she will know that her dream man will be married to another lady na pinagkasundo pa ng magulang." Ah so secret lang talaga tong married life namin.
"Ah sige, pasok na ako sa loob." Sabi ko sakanya at tumayo na, feeling ko kasi kung mag stay pa ako masasaktan lang ako lalo sa mga sinasabi niya eh. Tagos puso alam niyo yun?
"Wait, Shane." Sabi niya at tumigil naman ako at humarap sakanya.
"One last, again please do not tell my dad na may girlfriend ako. Yun lang thank you." Tumayo na rin siya at naglakad papunta sa loob.
Pumasok na rin ako sa loob at sinundan siya at pinilit ko na ngumiti pa rin so that makita ng parents namin na maganda kinalabasan ng getting to know each other kuno namin. Nag paalam na rin sila at nag paalam na rin kay tito Alfred.
"Mommy, daddy akyat na po ako ah mag shashower pa po kasi ako tas may gagawin din po eh. Goodnight and sweet dreams po." Pagkasabi ko nun umakyat na ako di ko na kasi kaya baka maluha ako sa harap nila. Nung pagkapasok ko sa kwarto ko doon na lumabas luha ko. Ipapakasal nga pero hanggang papel lang naman, paano ko kaya toh ihahandle?
~~~~~
A/N: Grabe si Bryce noh please vote and comment po. Thanks din sa support.

YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomanceA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...