Shane's POV
Hala yari ako nito 3:10 na di pa ako nakaka-alis ng classroom. Kasi naman nag pa extend yung prof namin kasi may di pa kami tapos na kaklase sa seatwork namin.
"Okay class, pass your papers na." Sabi ni miss Aguilar. Hala 3:14 na yari talaga ako nito. Pinasa na namin yung papers namin at dinismiss na kami. Nag-paalam na ako kay Kelly sinabi ko na lang na pinapauwi na ako kaagad ni daddy kasi may pupuntahan kami.
Takbo, lakad ang ginagawa ko kasi sa looban pa ako ng campus eh. Kinakabahan din ako at the same time. Ano ba naman yan wala pa akong masakyan na jeep dahil puno palagi. Patay talaga pako nito. Maya-maya may nakita akong tricycle sa direksyon ko pinara ko na lang yung tricycle at sumakay na ako.
~~~~~
Sana di siya magalit kasi 3:51 na ako nakarating dito sa mcdo. Pag pasok ko, hinanap ko kaagad siya. Ayun ganun pa rin naman suot niya pero naka shades nga lang at nandun siya medyo sa tago na lugar. Pinuntahan ko na siya. Umupo na ako sa harapan niya.
"I told you, don't be late right? I hate it pag pinag aantay ako." Ayan nanaman pag kasungit niya.
"Sir I'm really really sorry, late po kasi kami dinismiss ng last prof namin eh." Makapangsungit tong si sir kala mo naman 1hr o kalahating oras ko siya pinaghintay, eh 21 minutes lang naman.
"Whatever, here wear this para comfortable ang suot mo when we get there at para di ka pag kamalang student pa lang nung wedding organizer." Inabot niya sa akin yung paper bag ng forever 21.
"Sige po sir, Thank you!" Sabi ko sakanya at pumunta na ng comfort room para magpalit.
Mabait din naman pala kahit papano, caring siya. Sino di mafofall sa ganyang lalaki. Yes, masungit siya pero may pag ka care pa rin kahit papano. Tapos na ako magbihis, ang mahal nito ah kasi denim eh.
(A/N: Yung outfit na binili ni Bryce nasa taas po.)
Lumabas na ako at pumunta na ulit sakanya.
"Tara na po sir." Sabi ko sakanya.
"Diba sabi ko sayo, don't call me sir and don't use opo pag nasa labas tayo ng school? Mamaya masanay ka niyan sa harap nila dad." Sabi niya habang naglalakad kami. Nung nakarating na kami ng sasakyan niya sumakay na kami.
"Here, eat it. Alam ko na gutom ka na." Inabot niya yung paper bag ng mcdo. Grabe ang caring niya talaga.
"Thank you ulit." Sabi ko pero wala siyang response. Mood swings talaga nito eh noh.
Pagbukas ko ng paper bag naamoy ko na kaagad yung burger and fries. Kinuha ko muna yung burger then binuksan ko tapos nilagyan ko ng fries yung ibabaw ng mismong burger.
"Ummm... Bryce yung sa damit pala bayaran ko na lang. Nakakahiya naman kasi ang mahal mahal nung denim jacket pati yung pants." Sinabi ko at kumagat sa burger na hawak ko.
"No need, treat ko na yan sayo." Sabi niya habang nagmamaneho, without looking at me.
"Pero kasi naka-"
"Fine bayaran mo tsk." Ayan nanaman siya sa pagiging masungit niya.
~~~~~
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Ayaw ko rin naman mag start ng conversation kahit man gusto ko na kausap siya ang awkward lang, kasi syempre di naman ako yung gusto niyang maging asawa diba at may girlfriend siya. Pero he bought my clothes and my snack a while ago so... for me, I'll just consider this as a date. A date na ako lang ang nakakaalam.
"Hey Shane, wake up. We're here already." Nakatulog pala ako. Hala baka naghilik ako o kaya baka tumulo yung laway ko habang tulog.
"Nasaan ba tayo?" Tanong ko at bumaba na ng sasakyan.
"Nasa Makati tayo, tara na at ng matapos na kaagad toh." Nagmamadali lang? May lakad, may lakad? Nakakasakit yung sinabi niya ah, wala talaga siyang pakielam sa wedding namin. Well sino ba naman ako sa buhay niya. Spell wala, S-H-A-N-E.
"Diba ito ang pinaka mahal na wedding planner, bakit ito ang pinili mo Bryce?" Sabi ko kay Bryce habang namamangha sa mga naka display na wedding gown. Ang ganda nila.
"Well as you can see, my father choose this hindi ako. Kung ako lang masusunod di dapat ganito since it is just an arrange marriage" Meron bang dalaw tong si Bryce, grabe mood swings eh parang kanina ang caring tas ngayon ewan ko na.
Di na lang ako nagsalita at umupo na kami habang tinignan ko na lang ang iba pang naka display na wedding gown. Masaya sana toh kung mahal niya rin ako kaso hindi eh.
"Goodafternoon po ma'am and sir, here is our samples po and yung mga kasama po sa package." Sabi samin nung babae and binigay samin yung clearbook. So yun tinignan ko yung laman ng packages, ang gaganda.
"Shane, ikaw na lang muna pumili then show it to me." Simple lang naman yung gusto ko but at the same maganda, di man toh dream wedding kasi nga ako lang yung nagmamahal sakanya but I will do it as best na since isang beses lang naman mangyayari toh samin. Parang sa mga mall minsan one time offer lang.
"Bryce, ito oh. Simple lang pero maganda." Sabi ko sakanya at binigay yung clearbook.
"Sige, miss we will choose this package, how about the catering, kailan kami mag fufood tasting?" Wow payag agad, di man lang tinignan yung pinili ko na package. Wala talaga siyang pakielam hayyyss..
"Well sir, we will schedule it na lang po kung kailan. We will just text you then reply na lang kayo if approve sainyo ng fiancee mo po ang date na ibibigay namin for food tasting. By the way, ano po magiging motif ng kasal po ninyo?" Tanong sa amin. Magkano kaya aabutin nito.
"Peach miss." Sagot ko na lang.
"Okay ma'am so pili na lang po kayo ng wedding gown design and tuxedo for your wedding po."
"I won't buy tuxedo, I have lot of tuxedo at the house naman." Ayaw niya ng bago?
Nagtitingin nanaman ako ng design sa clearbook, ang daming magaganda. Pwede bang lahat na lang? Habang natingin ako sa clearbook nag ring ang phone ni Bryce.
"Wait for me there, malelate lang ako ng slight because nasa Makati ako." Sino naman kaya yun?
"Take care babe, I love you!" Last na sabi niya sa katawagan niya. So girlfriend niya, kaya pala siya nakangiti eh.
"Shane, I need to go. Umuwi ka na muna ng mag-isa, mag book na lang ako ng taxi for you then I will just text you the plate number." Tumango na lang ako, pero deep inside nalulungkot ako. So ako lang pala ang uuwi mag-isa, swerte ng girlfriend niya, isang tawag lang pupuntahan niya na kaagad.
"Here is the check miss, for the downpayment. Sundin niyo na lang yung sinasabi ng fiancee ko. I have an important appointment." Sabi niya at inabot sa nag aasikaso ng wedding plan yung check and nag paalam na lang din sa akin.
Hayy nako... Sinabi ko na lang kay ate yung gusto kong wedding gown at nag paalam na rin ako. Nag text na kasi si Bryce saken na parating na yung binook niyang taxi para sa akin at tinext din niya ang plate number nito. Lumakad na ako plabas at nakita ko na yung taxi na may plate number na tinext ni Bryce at pagsakay ko sa taxi di ko na napigilan mapaiyak ng tahimik.
~~~~~
(A/N: Yung wedding gown is secret muna hehehe, sa kasal nila tiyaka ko na lang ilagay. Thank you for supporting my story. Please vote and share my stor tysm!)

YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomansaA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...