Shane's POV
Nanonood ako ngayon ng movie sa TV dito sa sala at hinihintay si Bryce. Alas dose na ng madaling araw wala pa rin siya, saan naman kaya pumunta yun? Sinasabi ng puso ko na itext na siya pero yung utak ko ayaw naman. Aishhh ayaw magkasundo eh. Kukunin ko na dapat yung cellphone ko ng may mag doorbell. Lumabas na ako ng pintuan at pagkabukas ko ng gate may nakita akong isang lalaki na kasama ni Bryce.
"Ikaw ba si Shane?" Tanong sa akin ng lalaki. Wow ah kilala niya ako.
"Oo, anong nangyari kay Bryce?" Hindi ba obvious Shane? Mukhang lasing nga oh edi uminom. Nababaliw na ata ako kinakausap ako ng utak ko eh.
"Tinawagan niya lang ako para samahan siyang uminom, tapos lagi niyang binabanggit pangalan mo sa akin. Hindi na nga ako nakainom kakabantay diyan sa asawa mo at hinatid ko na siya kasi panigurado hindi makakauwi ng buhay ito pag hinayaan ko siya mag drive. Oh siya una na ako, kukunin ko pa yung sasakyan ko." Pagkasabi niya nun sa akin binigay niya na sa akin si Bryce. Ang bigat mo po ano Bryce.
"Pakitulungan mo naman ako, hindi ko to kayang buhatin pataas." Pakiusap ko sakanya.
Inakyat na namin parehas si Bryce sa kwarto namin at pinahiga siya ng maayos sa kama.
"Sino ka nga pala? Bakit mo alam na mag asawa kami?" Kanina pa kami nag-uusap at pinauloy ko sa bahay ng hindi siya nakikilala. HIndi ko rin naman siya nakita sa kasal namin eh.
"I'm Bryce's bestfriend, Charlie. So Shane, mauuna na ako sobrang late na. See you, send my regards kay bro." Sabi niya sa akin at hinatid na siya palabas ng bahay
Kumuha ako ng tubig at inakyat muna sa taas. Lumabas ulit ako ng kwarto para kumuha ng planggana ng maliit ng may tubig. Bumalik ulit ako sa kwaro at nilapag muna yung planggana para maghanap ng bimpo. Alam ko na nag-away kami pero bakit kailangan magpakalasing? Hindi ko talaga magets gets kung bakit ganun ang ginagawa, nung mga teenager pa ako nung nagbabasa pa ako ng wattpad ganun din yung mga lalaking nasa story pag nag-aaway sila ng mga partners nila hayyy nako.
Paglabas ko ng walk-in closet nakita ko na siya na nakaupo. Pinuntahan ko na siya at nilagay ko na yung bimpo sa may plangana na may tubig. Parehas lang kaming tahimik, pupunasan ko na siya ng iniwas niya ang ulo niya sa akin.
"You don't need to do that, I can handle myself." Sabi niya at humiga na patalikod sa akin. What? Siya pa ang galit, eh siya naman ang may kasalanan.
Bahala nga siya. Bumalik na ako sa kwarto ko at natulog na lang, maaga pa ako bukas.
~~~~~
Maaga akong nagising kasi ayaw kong malate. Nakapagbihis at nakapag-ayos na rin ng sarili. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko rin siya na pababa na. Ang aga niya nagising ah. Pero bahala siya di ko pa rin siya papansinin, paano ba naman siya na nga yung inaalagaan kagabi tapos ganun sasabihin niya sa akin?
Tahimik lang kaming kumakain, tanging mga kubyertos lang ang naririnig sa paligid.
"Shane, you said that we shouldn't be seen at school right? And we might be seen in a car so from now on you will have your driver and he will just send you to school and will pick you up from your school." After niyang sabihin yun umalis na siya, hindi man lang niya hinintay yung sagot ko. Hays, di ba niya nakikita pagkakamali niya?
Nawalan na ako gumana kumain kaya kinuha ko na lang yung gamit ko at sumakay na lang ng kotse. Balik nanaman ba kami sa dati? Yung tipong wala lang ako sakanya hays. Bahala nga muna siya sa buhay niya. Pero bakit ganito kahit gusto ko mag matigas sakanya parang hindi ko kinakaya na ganito ako sakanya. Kabago bago naming kasal plus the fact na he wants us to work pero bakit ganito ang nangyayari.
~~~~~
Nasa school na ako ngayon at syempre sinalubong ako ni Kelly.
"Oh anong nangyari sayo Shane, bakit parang ang tamlay mo eh hindi ka naman ganyan." Tanong na pag-aalala sa akin ni Kelly. Umupo muna kami at siya naman umupo sa harapan ko.
"Si Bryce kasi Kelly, diba nakwento ko sayo yung nangyari kahapon. Ayun kagabi umuwi siya ng lasing tapos aasikasuhin ko dapat siya pero biglang bumangon at sinabi sa akin na di ko raw kailangan nang gawin yun. Tapos ayun kanina hindi na kami sabay pumasok, may sariling driver na ako, sa madaling salita Kelly napakacold niya sa akin." Malungkot na pagkwekwento ko kay Kelly. Ambigat bigat ng nararamdaman ko ngayon haysss.
"Ang haba ng kwento mo ghorl, kasing haba ng EDSA." Sabi niya sabay tawa.
"Anlungkot ko na nga rito tapos ganyan ka pa Kelly." Sabi ko sakanya at nag heads down.
"Pinapatawa lang kita eh, di ka naman kasi ganyan eh. Lagi kang happy go lucky kahit anong pinagdadaanan mo. Pero Shane yung away niyo kasi talaga kahapon is ikaw talaga ang may kasalanan. Sana nilagay mo sarili mo sa sitwasyon niya Shane. Nagseselos si sir kaya niya nasabihan si Calvin ng mga ganun at syempre gusto ka rin lang protektahan ni sir panigurado kasi bagong kakilala pa lang natin sakanya eh." Pagpapayo na sinabi sa akin ni Kelly. Bumangon na ako ngayon sa pagkakaheads down.
"Baka nga ako talaga may kasalanan Kelly, hayyss pero paano ko siya kakausapin kung siya ayaw na ulit niya akong kausapin?" Ina-admit ko na oo may pagkakamali rin naman ako kahapon pero tama si Kelly ako talaga ang may mali, ang close minded ko sa part na yun.
"Ikaw ang nakakakilala sakanya Shane, ikaw lang makakasagot niyang tanong mo. Oh siya lipat na ako sa upuan ko Kelly nandyan na si doc. Ayusin mo muna sarili mo diyan Shane mamaya mo na isipin problema mo focus ka muna kay doc sa pakikinig." Aba words of wisdom by Kelly. Nasa klase na rin siguro yun ngayon sayang hindi ko siya makikita wala kasi siyang klase sa amin ngayong araw eh. Pero siguro nga maya ko na lang isipin kung paano ako hihingi ng tawad at anong gagawin ko para maibalik yung dati.
~~~~~
(A/N: Guys sobrang sorry kung ngayon lang ang update. Feel free to write your comments guys I would be really happy reading your comments. Thank you for supporting my story lovelots. Pls Vote, stay safe always guys.)
![](https://img.wattpad.com/cover/189378896-288-k30275.jpg)
YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomanceA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...