Shane's POV
4am na nung nagising ako, nararamdaman ko na medyo namamaga ang mata ko. Grabe di man lang ako nakapag palit ng damit. Mabuti rin pala na di pa ako tinatawag ni mommy.
Pumunta na ako sa CR at naligo, nag tooth brush at ang iba pang morning routine ko. Bumalik na ako sa kwarto at nagbihis na ng white uniform. Nag light make-up na ako para di naman ganun kahalata na medyo nga namamaga ang mata ko.
Maya-maya kumatok na si mommy.
"Anak, tara na sa baba kakain na." Sabi niya at pupunta na rin ata sa kwarto ni Ralph.
Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na. Ang swerte ko talaga sa mommy ko kasi lagi siyang nagluluto ng almusal namin. Minsan lang di magluto si mommy, at yun ay kapag may sakit siya. Kaya someday pag nagkaroon ako ng sariling pamilya. I'll assure na, I will be great as my mommy.
Nung natapos na ako kumain nag paalam na ako sa parents ko at kay Ralph. Ewan ko ba medyo naeexcite akong pumasok na hindi. Excited siguro dahil makikita ko ulit siya kaya lang yun nga, I cannot speak to him kung hindi related sa subject niya ang pag-uusapan namin.
~~~~~
"Huuuy, mukha ka atang malungkot diyan." Di ko napansin na nasa harap ko na si Kelly.
"Eh kasi naman-" Oops oo nga pala bawal ko sabihin sa iba itong arrangement namin. Muntik na ako madulas.
"Kasi?" Tanong ni Kelly.
"Alam mo naman kung bakit ako nalulungkot diba." Pagpapalusot ko na lang. Sana di niya mahalata.
"Ah yun pa rin ba? Makaka-move on ka naman kaagad niyan Shane, lalo na kaagad-agad ka naman nagkacrush dun kay sir eh." Makakamove on pa ba ako eh magiging asawa ko na nga siya it means araw-araw ko na siya makikita. Bakit ba kasi may girlfriend siya, eh di sana kung wala baka may 50/50 na chance na madevelop siya sa akin.
Di pa ako nakakasagot kay Kelly ng pumasok na siya sa klase namin bumalik na si Kelly sa upuan niya. Sinet up na muna niya yung laptop and kinabit yung HDMI sa laptop niya.
"Miss who is beside of the switch of projector, can you turn on the projector please?" Nakatingin na sabi niya sa akin. Woaaah, buti pala dito ako naupo noh. I-non ko na yung switch nung projector.
"So class, is there any foreigner student here?" Tanong niya sa amin. Grabe wala man lang thank you. Walang sumagot sa klase namin.
"So it means pwede ako mag tagalog minsan. So class, I assume that you already have a background in our lesson because you already took phlebotomy course before. So please tell me what is erythrocyte?" Grabe ang galing din niya mag english. Magtataas na sana ako ng kamay ng may tinawag na siya. Ano ba naman yan mag papa-bida nga ako sakanya eh.
"Erythrocyte is the red blood cell in our blood, It also consist of a protein called hemoglobin, which contains red iron. That is why our blood is red in color." Recite ng aking kaklase.
"You're right miss Dela Cruz, So for today our lesson is all about erythrocyte." After niyang magsabi niyan ay nag discuss na siya ng lesson namin for the day. By the Way twice lang ang klase namin sakanya per week, so habang di pa kami kinakasal dalawang beses ko lang siya makikita. tsss...
~~~~~
"Class I will just upload your assignment in canvas later and it will be passed on our next meeting okay?" Natapos na siyang mag lesson at malapit na rin matapos ang time namin sakanya. Grabe nakatingin lang talaha ako sakanya buong lesson, pero at the same time syempre nakikinig ako, para naman sa quiz or exam mataas ako, dagdag points din yun saknya.
(A/N: Yung Canvas po is an online site na pwede mag pa quiz doon ang teacher, mag upload ng file or kaya mag aannounce ng gagawin or mga reminders.)
"Okay po sir." Sabay-sabay na sabi ng classmates ko syempre pati na rin ako.
"Okay class dismissed. Miss Perez stay." Buti na lang president ako dito sa class at di sila makakahalata kasi natural lang naman na kausapin ng professor yung mga president ng bawat class diba? Bakit kaya ako pinapastay nito?
Inaamin ko kinikilig ako, kasi naman kami lang dalawa ang nandito sa classroom. After lumabas ng mga kaklase ko at pati na rin si Kelly na sabi ko is hintayin na lang ako sa labas, lumapit na siya sa akin.
"My father told me na isama ka papunta dun sa wedding organizer natin. Tsk kahit ayaw ko I need to follow him." Aba grabe na siya ah. Kala ko naman tapos na yung mga masasakit na salita niya kagabi, may part two pa pala ngayon. Hayyss ano pa ba ineexpect ko araw-araw ng magiging ganito toh lalo na pag kinasal na kami.
"Edi kung ayaw mo po sir, edi huwag. Kaya ko naman po na pumunta dun mag-isa." Labag sa loob na sabi ko. Syempe pagkakataon ko na kasama siya.
"Aren't you listening? Sabi ko kahit man ayaw ko, kailangan kong sundin siya. Diba I already told you last night na siya na lang nag-iisa kong family so I must obey him at ayaw kong pasamain loob niya." Ang sungit talaga nito pero sa class namin di naman siya ganyan.
"Okay po sir, anong oras po ba tayo aalis?" Sagot ko sakanya. Buti naman makakasama ko siya.
"Anong oras ba tapos ng classes mo?"
"Mamaya pa pong three pm."
"Sige, I'll just pick up you later sa Mcdo sa na malapit dito sa school by 3:30 pm. Don't be late, ayaw kong pinaghihintay ako." After niyang sinabi yun kinuha niya na ang gamit niya at umalis. Kahit kailan talaga ang sungit. Hindi lang naman ako ang nag agree dito ah, pati rin naman siya umagree sa arrange marriage na toh.
Lumabas na lang ako na nakangiti at pumunta na kay Kelly.
"Oh anong sinabi sayo ni sir Bryce? Kilig na kilig ka naman noh." Pang-aasar niya sa akin.
"Syempre naman, ano- may pinagawa lang sa akin. Tara na kumain na tayo nagugutom na ako." After kong sabihin yun, naglakad na kami papuntang cafeteria habang nag-uusap. Buti naman di na nag usisa tong si Kelly, di ko na kasi alam ang isasagot ko sakanya eh.
~~~~~
(A/N: Nagustuhan niyo ba yung chapter na toh? Please share, vote and comment sa story ko. Thank you so much guys.)
YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomanceA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...