Dedicated to: advinculaken
Shane's POV
After 2 weeks
August 15 na today, it's my first day of classes na sa Spring Field University. Ofcourse nagising ako ng maaga, excited baka kasi may chance na kaklase ko yung nakita kong lalaking nagpatibok ng puso ko. Naligo na ako kaya ito ako ngayon nagbloblower ng buhok. Nag pambahay muna ako kasi kakain pa ako ng almusal.
"Anak kakain na bumaba ka na ah." Sabi niya sa akin at sinarado niya na ang pintuan sa kwarto ko.
"Opo mommy, baba na po ako." Sigaw ko at tumayo na sa upuan at bumaba na.
"Mommy ang dami mo naman pong hinandang pagkain." Sabi ko kay mommy at umupo na.
"Syempre first day ng baby ko, kaya dapat kumain ka ng madami. Juice, Milk or Milo anak?" Tanong sa akin ni mommy.
"Maka baby sa akin si mommy, dalaga na ang anak mo mommy. Milk na lang po." Sabi ko at sumandok na ng sinangag at kumuha na ng ulam. Grabe si mommy daming hinanda.
"Sus kahit dalaga ka na anak baby pa rin kita kahit si Ralph parehas ko kayong baby kahit tumanda na kayo." Sabi ni mommy.
"Oo na po mommy. Si Ralph po pala nasaan?" Tanong ko kay mommy.
"Late na gising kaya ayun naliligo pa." Sabi ni mommy at binigay na sa akin ang milk ko.
Suuus baka may ka chat kaya late nakatulog hahahha.... Maasar nga yun mamaya.
"Woaaah may fiesta mommy? Bakit andaming pagkain." Tanong ni Ralph kay mommy.
"Parang di mo pa ako kabisado anak pag first day ninyo ganyan talaga." Sabi ni mommy kay Ralph.
Habang kumakain naisip ko nanaman yung lalaking nakita ko nung enrollment, sana naman maging kaklase ko siya.
"Uyy ate nakatualala ka diyan, ayiiiee may iniiisip." Pang aasar sa akin ng kapatid ko.
"Edi wow Ralph. Ikaw nga late nagising eh paano may ka chat, kaya late na nakatulog." Pang-aasar ko sakanya.
"Hala shh ka lang ate marinig ka diyan ni mommy." bulong sa akin ng kapatid ko.
"Ano ang maririnig ko?" Pagsulpot ni mommy.
"Wala po-" Pinutol ko na mga sinasabi niya.
"Paano mommy kaya late nagising may--" pagtakip ng bunganga sa akin ni Ralph.
"Wala po mommy wala." Sabi niya kay mommy at pinakawalan ang bibig ko at tinignan ako na wag mo sabihin look.
Puro kwentuhan pa kami nila mommy at kapatid ko, si Daddy natutulog pa raw mamaya pa kasi pasok nun 8 at malapit lang naman work niya. Ininom ko na yung gatas ko at nagpaalam na na magbibihis na.
Umakyat na ako at tumingin sa cellphone ko. Nag message si Kelly
Kelly: Sabay tayo pasok, kita na lang tayo sa sakayan sa SM
Shane: Sige, anong oras ba tayo magkikita?
Pagtapos ko mag reply, nag make-up muna ako syempre light lang yung pang daily make-up. After ko mag make-up nagbihis na ako ng uniform and nagtali na rin ng buhok half pig tail and naka braid ang hairstyle ko ngayon tas tinali ko yung parehas para iisa na lang.( A/N:Sana nagets ninyo heheheh)
Pagtingin ko ng cellphone ko nag message ulit si Kelly.
Kelly: Since 7:30 pasok natin kita tayo before mag 6, alam mo naman mahaba na pila doon pagdating ng 6. Mas better na early tayo than late.
Shane: Sige Kelly, see you later :)
~~~~~
Nandito na ako kung saan kami magkikita ni Kelly. 5:40 na ang aga ko kaya nilabas ko muna cellphone ko at kinuha na rin ang earphones. Tinext ko muna si Kelly na nandito na ako. Papunta na ako sa pila ng biglang---
"Hala sorry po. Okay ka lang po ba?" Sabi ko sa lalaking nakabangga ko. Yan Shane tingin pa more sa cellphone. Di ko siya masyado makita yung damit na suot niya lang ang nakikita ko cause madilim pa and di ko pa suot ang contact lens ko. Ang galing niya pumorma kahit naka semi-formal attire siya.
"I'm okay, di mo na kailangan mag sorry. Sorry but I need to go." Sabi niya at umalis na.
Ang bango pa niya ah. Well loyal lang ako sa nakita ko nung enrollment. Pumunta na ako sa pila at tinago na ang cellphone ko. Maya maya dumating na rin si Kelly.
"Sorry kung medyo natagalan ang traffic kasi eh." Sabi ni Kelly sa akin.
"Okay lang, wala pa naman six eh. Tara sakay na tayo, may ikwekwento ako sayo." Sabi ko sakanya at sumakay na kami sa fx. Kumuha muna kami ng pambayad at binayad muna yun kay kuya driver.
"Ano ba ang kwekwento mo, bakit parang kilig na kilig ka?" Tanong sa akin ni Kelly.
"Nung enrollment kasi may nakita akong gwapo. Na love at first sight ata ako Kelly. Sana nga classmate natin siya so that I can know him more." Kwento ko kay Kelly.
"Kaya naman pala. Nakita mo lang nung enrollment magiging kaklase na natin kaagad malay mo lower year yun o kaya ibang course nun." Sagot ni Kelly sa akin.
"Malay mo nga lang diba bawal na ba mangarap nowadays?" Sabi ko kay Kelly at tumawa.
"Oo na po Shane. Basta huwag ka lang umasa masyado para di gaanong kasakit. Eh paano kung hindi natin siya classmate?" Tanong ni Kelly.
"Edi I'll find him sa school, hays bahala na. Basta sana talaga kaklase natin siya." Sabi ko at tumahimik na.
~~~~~
Nandito na kami sa school and nandito na rin kami sa room kung saan kami designated. Ofcourse kasama ko pa rin si Kelly kasi parehas kami ng pinili na schedule kahit di kami sabay nag enroll.
7:30 na at dumating na yung prof namin siguro ito yung class adviser namin. Nag roroll call na siya. Wala talaga yung nakita ko nung enrollment waaahhh hindi ko siya classmate? O baka naman late lang aiiishhh.
"Reiley Shane Perez?"
"Present po!" Sabi ko sa prof.
Nawawalan na ako ng pag-asa ah. Hangga't sa tinawag na yung last person sa class list namin. Hala lahat may tinawag so di ko talaga siya magiging classmate huhuhu. After ng isang oras dinismiss na kami ng prof namin, early dismissal dahil 1st day pa lang naman. Pinlace lang kami sa seating arrangement namin para di na mag roroll call sa next class namin kaya dapat dun lang ikaw sa inassign na pwesto sayo kung lumipat ka at absent yung nalipatan mo ikaw ang magiging absent. So back na tayo sa topic ko kanina huhuhuhu di ko siya classmate what to do. Nawala ako sa pagkakausap sa sarili ko ng kinalabit ako ni Kelly.
"Ano kaklase ba natin yung crush mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi nga Kelly eh hayyysss." Sabi ko sakanya.
"So ano ng gagawin mo now, ngayon ko lang nakita yang worried face mo. Dati naman may nagiging crush ka pero di naman ganyan." Sabi niya, well may point siya.
"Eh di ba nga sabi ko sayo gusto ko na siya." Sabi ko kay Kelly dumito lang muna kami para ready na sa next class. Dibale I'll find you dito sa campus dear crush. Kung di kita classmate I'm sure nandito ka lang sa campus.
~~~~~
A/N: Sino kaya yung nakabangga ni Shane? Abangan ninyo po sa next na chapter.Thank you for reading my first proper story yung mga dati kasi kyeme lang di ko na natuoy pero ito talaga itutuloy ko.
YOU ARE READING
Arrange Marriage with My Professor
RomansA college student who felt the love at first sight the moment when he saw the guy. It'll be her friend, classmate, boyfriend, or lastly professor? What will be her journey while being with this guy? Let's Find out in Arrange Marriage with my Profe...