065

25 1 0
                                    

N A R R A T I O N

*thud*

Isang malakas na kalampag ang narinig sa isang abandonadong building sa likod ng skwelahan. Galit na galit ang taong kakapasok lamang dito at handang pumatay ng kahit na sino.

"Well, di ko napaghandaan na ang unexpected visitor ko." Sabi ng isang tinig na babae na may mapanuyang ngiti sa labi

Hindi nagsalita ang kakapasok lamang na lalaki at umupo sa upuan na malapit sa isang round table at inidukdok ang ulo sa mesa habang nakayukom ang mga kamao. Agad namang lumapit ang babae at kumandong sa lalaki at hinawakan ang balikat nito.

"May problema ba?" Bulong nito sa lalaki na may malanding tinig

Iwinakli siya ng lalaki at napaupo sa sahig. Agad na tumayo ang babae at nagpagpag at tumawa.

"Mainit ulo natin ngayon ha." Sabi nito at umalis papuntang kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang beer in cans at inihagis sa kasama ang isang can.

Agad na binuksan ito ng lalaki at isahang tinungga. Habang ang babae naman ay nakatingin sa bintana habang nagsisindi ng sigarilyo. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanila hanggang sa basagin ito ng babae matapos maibuga ang usong ng yosi.

"Di ka pa ba napapagod?" May hinanakit na tanong ng babae sa lalaki.

Nakatutok lang ang atensyon ng lalaki sa alak at napantig ang tenga niya nang marinig ang tanong ng kasama. Bigla siyang tumayo at inihagis ang can sa dingding. Napangisi lamang ang babae sa inasal ng kasama niya.

"Ngayon pa ba tayo mapapagod? Ngayon pa na malapit na nating maabot ang inaasam natin?" Singhal ng lalaki sa kanya pero di parin mawala ang ngisi sa labi niya pero pagod na pagod na ang mata niya.

"Malapit na nga ba? O mas lumalayo na tayo? Alam mo naman diba na may kumakalaban sa atin?" Lumingon siya sa kinatatayuan ng lalaki at dahan dahang lumapit dito. Nang makalapit siya sa lalaki ay agad niyang tinapik ang balikat nito.

"Wag ka masiyadong magpabulag sa sitwasyon ngayon, di porket pabor sa atin eh magwawagi talaga tayo. Tandaan mo sa una palang di na pwede pero tayo itong pilit ng pilit. Wag kang magsettle sa panandaliang kasiyahan. Tandaan mo simula't sapul ikaw parin ang ugat ng lahat ng ito. Habang may oras pa, may oras pa nga ba? Simulan mo nang ayusin ang lahat. Wag mong hayaang mabulag ka ng nararamdaman mo. Wag kang sakim Mark." Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa kwartong iyon na tumutulo ang luha.

"Tama lang itong gagawin ko. Kung di niya kayang ayusin ito ako ang aayos masaktan man ako. Basta maging masaya kalang ChenChen."

🔹🔹🔹🔹

Baby Demon 🎧 [NCT CHENLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon