075

31 0 0
                                    

E T H A N' S

Isang buwan na ang nakalipas simula ng insedenteng iyon. Maayos na ang lahat. Nakalabas na rin si Jisung sa hospital at nagkabati na kami. Sa mga magulang ko rin ipinaliwanag na rin nila kung bakit nagawa nila iyon. Tsaka di ko pala talaga kapatid si Chanyeol hyung. Siya ang personal doctor ko at naging hyung ko siya dahil iyon ang akala ko noong nagkamalay ako.

Mas naliwanagan narin ako sa mga nangyari sa nakaraan at bumalik na rin ang alaala ko.

Si Mark naman siniguro kong mabubulok sa kulungan. Akala niya ha. Katatapos lang ng last hearing at hinatulan na siya ng pagkakabilanggo.

Ako parin ang namamahala sa school at naging issue talaga ang nangyari sa amin ni Katy. And speaking of Katy di na niya talaga ako kinibo, matapos ang pangyayarinlast month din.

Flashback:

Sabay namin nalaman ni Katy ang nangyari sa nakaraan at di naman lubusang ma absorb lahat. Galit na galit ako pero mas nangibabaw ang pagunawa ko kasi di rin biro ang sakripisyong ginawa nila para sa amin.

Pumunta kami ni Katy sa may garden at nakatutok lang sa kawalan.

Binasag ko ang katahimikan at tinawag siya.

"Katy."

Di siya lumingon at tila inaalisa parin kung ano talaga ang nangyari.

"Katy." Pagtawag ko ulit. Lumingon naman siya sa akin.

Bigla akong napatingin sa labi niya and damn its inviting.

Bigla ko siyang kinabig at hinalikan siya sa labi.

"Liligawan kita."

Nakanganga siya matapos marinig iyon at bigla nalang siyang tumakbo palayo.

Napakamot ako sa ulo ko sa inasal niya. What was that?

End of flashback

Busy siya sa pagoorganize ng files ng bigla akong tumayo sa upuan ko at inilagay ang isang paper bag sa table niya. Tinaasan niya ako ng kilay sa ginawa ko at natawa nalang ako.

"Mamaya mo na tapusin iyan. I'm taking you out on a date. And I wont accept No as an answer."

Bigla siyang tumayo at ikinawit ang braso niya sa braso ko. "Lets go." Natameme ako sa reaksyon niya at na frozen ako sa kinatatayuan ko.

Napansin niyang di ako nagalaw sa kinatatayuan ko. "Ayaw mo? Oh sige fine. Basted ka na." Sabi niya at inirapan ako at lumabas na ng office.

Putakte! Yes! Hahahhaha. Busted ka diyan! Hinabol ko siya at kinuha ang kamay niya at inintertwine sa kamay ko. Holding hands while walking. Nakangiti kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"You go first."

Wala nang mas isasaya ako. Having this girl with me is beyong happiness.

🔹🔹🔹🔹

Baby Demon 🎧 [NCT CHENLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon