HUMUPA ang ulan at kasabay no'n ang pag alis namin ni Fabian sa Villa ni Mr. De Alegre. Kasama namin ang mga empleyado sa loob ng isang malaking van. Hindi na kami nag imikan ni Fabian hanggang sa makarating ng kompanya."Good bye sir." Isa isa namang nagpaalam dito ang mga empleyado. Nakasunod lamang ako sa kanya patungo ng parking lot kung saan ay madalang ang mga tao dahil ang iba ay nagsipag uwian na.
Walang nag bago. Wala pa rin itong imik kahit na nasa harapan na kami mismo ng sasakyan n'ya. Pinindot lamang nito ang susi at umilaw ang kotse.
"Get in." Sabi nito at pumasok na sa loob. Kaagad naman akong sumunod. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko s'yang nakasalong baba at malalim ang iniisip. Ang isang kamay naman nito'y nakahawak na sa manibela at seryoso lang ang tingin sa daan.
Kinuha ko na ang seat belt at ikinabit sa sarili ko. Hinawi ko na rin ang buhok ko na nasa balikat at inayos ang maliit na bag sa hita ko. Binuksan n'ya ang makina ng sasakyan. Hindi kami nag usap kahit pa nakalagpas na ito ng parking lot.
"Is there's something wrong?" Hindi ko na mapigilang hindi mag salita. Kanina pa kami nasa gitna ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ngunit nanatili lang itong nakasimangot at seryoso ang tingin sa daan. Kung hindi pa nga bumusina ang nasa likod namin ay hindi ito aandar.
Sobrang init ng ulo ni Fabian. Nakailang busina ang sasakyan sa likuran at nag mura na ng malutong. Hinagpas naman nito ang manibela at padabog na lumabas ng kotse.
"Fabian what are you doing!" Pinilit ko s'yang pigilan ngunit hindi ito nagpapigil. Sumabog s'ya sa galit at kaagad hinarap ang nasa likuran namin. Sumilip ako sa likuran nang makitang hinagpas ni Fabian ang salamin ng sasakyan.
He kept on banging on the trunk of the car. Dinig ko ang malutong n'yang pagmumura. Lumabas na rin ang tao mismo sa kotse na pinag hahampas ni Fabian. Nanlaki ang mata ko nang makitang may dala itong baril.
"Shit!" Kaagad akong napamura at lumabas.
"Anong problema mo ha!" Ani ng lalaki na may hawak ng baril.
"Fabian let's go. Don't make a scene!" Pinilit ko itong hilain ngunit nanatili ang sama ng kanyang tingin sa lalaki.
"Sir sorry wag n'yo na s'yang pansinin. Aalis na kami."
"Walang aalis. Ang tapang nitong kasama mo e!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Fabian. Sumalpok iyon sa pisngi ng lalaki na may hawak na baril.
"Fabian no!" Mas lalo lang kaming mapapasama sa gulo dahil sa init ng ulo n'ya.
"You can't intimidate me with your gun!" Sabi ni Fabian at sumuntok muli. Bumaba pa ang isa sa kasamahan ng lalaki at mabilis itong tumakbo kay Fabian. Isang malakas na suntok ang ginawa nito at dumapo sa pisngi ni Fabian.
"Gago ka! Ang tapang mo!" Sabi ng lalaki.
"Please stop!" May narinig kaming pumito at alam kong pulis iyon.
"Fabian let's go!" Ngunit masama pa rin ang titig nito at mukhang papatay ng tao. Sinuntok n'ya ang kasamahang lalaki at sinikmurahan ito.
"Tumigil kayo! Nakakaabala kayo sa mga sasakyan!" Nagsidatingan na nga ang mga pulis at nahuli kami.
"Look at what you've done!" Inis na pabulong na sabi ko. Nasa prisinto kami habang iniinterview ang mga nakaaway ni Fabian.
"Tsk." Inis at mababakas sa mukha nito. Ano bang problema n'ya at napakainit ng ulo?
"Mr. Devonscott makakaalis na po kayo. Pasensya na po hindi agad namin kayo nakilala." Sabi ng isang pulis at ibinigay na kay Fabian ang lisensya nito. Nasa labas naman ang sasakyan na na-tow kanina dahil nasa gitna kami ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Love to Sin: Fabian Devonscott ✔
General FictionTo be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot? Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya ni...