Guia:
"Papa aalis ako." Suot ko ang maiksing bestida na kulay pula. Hapit sa katawan ko kung saan kapansin pansin ang hubog.
"Sinong nag sabi na pupunta ka sa party ng lalaking yan?" Napairap ako. Alam ko ng hindi ito papayag. Pero wala siyang magagawa. Gagawin ko kung ano ang gusto ko dahil hindi rin naman siya nakikinig sa'kin.
"Papa you know him naman. He's a good man."
"Sino? 'yung anak ng Mayor? Alam mong ayokong dumidikit ka sa mga Buentura na yan." Hindi maganda ang namagitan saking ama at sa Mayor ng bayan namin. Kaya ganoon na lang ang galit niya maging kay Leandrei ang anak ng Mayor.
Napasimangot ako. Kung si Sandra nga napapayagan niya magpunta sa kahit na saan bakit ako hindi? Ano bang pinakain ng babaeng 'yon sa papa at baliw na baliw ito?
"Payagan mo na ang anak mo Fernan." Dumating ang magaling na babae. Kakauwi lang dala dala pa ang mga muchacha na may buhat buhat na mga kahon.
"Sandra." Tumayo ang papa tsaka ito hinagkan. Napairap ulit ako dahil ayokong makita sila sa ganoon.
Nakakadiri.
"Pakilagay na ang lahat ng yan sa kwarto." Utos ni Sandra sa mga muchacha niya.
"Mukhang nasayahan ka sa pamimili." Nakangiti kong sabi. Ambisyosa, pera lang naman namin ang ginagasta pambili ng mga luho niya.
"Oo nag enjoy nga ako eh." Sarkastikong sagot nito. Ang kapal talaga ng mukha.
"Well, hindi naman na bago sa isang gold digger na tulad mo." Diretsahan na sabi ko at wala ng preno ang tabas ng dila.
"Guia!" Napangisi ako, ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang kakampihan siya ng papa. Ang babaeng magaling magpaikot.
"You're grounded again. Now get back to your room." Sinamaan ko sila ng tingin. May nakakabwiset naman na ngisi ang sumilay sa mga labi ni Sandra.
"I hate you!" Sigaw ko sa papa tsaka padabog na umakyat ng hagdan. Hindi naman nakialam ang mga nadadaanan ko na mga katulong at nakayuko ang mga ito habang nag lilinis.
Pabalang kong isinara ang pinto. Peste na Sandra na yan. Ang sarap niyang balatan ng buhay!
Palakad lakad ako sa loob habang nag iisip ng plano. Plano kung papaano ako makakaganti sa walang hiyang babaeng 'yon.
Napadako ang paningin ko sa gunting na nakalapag sa drawer. Tila sumibol ang kademonyohan ng utak ko at napangisi sa naisip na ideya.
Kinuha ko ang gunting at nag balak na pasukin ang Master's bedroom, ang kwarto nila ng papa.
Naglakad na ako palabas ng may makasalubong na katulong.
"Asan ang mga pinabili ni Sandra?" Gusto kong makasigurado. Siya lang naman ang inutusan ni Sandra na iakyat ang lahat ng mga damit na pinamili nito.
"Nasa kwarto po nila ng papa niyo Senyorita." Kaagad na tanong nito. Tumaas muli ang sulok ng aking mga labi. Bakas sa mukha ng isang mucha cha na ito ang pagtataka.
"Hoy wag mong balaking mag sumbong kundi alam mo na ang kalalagyan mo sa'kin." At itinaas ang gunting para ipakita dito. Napalunok ito at namutla dahil alam niyang makakalbo siya sa'kin ng wala sa oras kapag nagsalita siya.
Tumango tango ito.
"Samahan mo ako mag bantay ka sa labas." Utos ko.
"S-Senyorita." Halata ang pag aalinlangan nito.
Pinang dilatan ko naman siya ng mata. Aba'y tatablahin pa ata ako ng isang to.
"Subukan mo lang humanda ka sa'kin." Nauna na akong maglakad papunta sa Master's bedroom. Nakasunod naman ito sa'kin at palinga linga sa daan. Tinitignan kung meron bang makakakita samin.
BINABASA MO ANG
Love to Sin: Fabian Devonscott ✔
Ficção GeralTo be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot? Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya ni...