"EXCUSE me sir pero hindi ako bayaring babae." Kaagad kong kinuha ang maliit na bag at nag dali daling pumaroon sa pinto nang magsalita pa siya.
"Name your price." Naringgi ang aking tainga.
"Hindi mo ako kilala. If you don't want my idea then stop. Let's stop about the project sir." Pinihit ko ang doorknob at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag ngunit naroon ang takot at pangangamba. What's with him?
Ngunit akala ko ay tapos na nang hilahin nito ang braso ko.
"What are you thinking Ms. Bishop? Be with me tonight. Let's have dinner." Para akong binuhusan ng isang bloke ng yelo.
"S-Sir?" Bumaluktot ang dila ko.
"Don't be stupid." Masungit na pagkakasabi nito.
"Don't touch her." Biglang dumating si Fabian na madilim na ang mukha. Kaagad namang bumitaw si Mr. De Alegre at nagsukatan ng tingin ang dalawa.
"Forget about the project. Let's go." Hinila na ako ni Fabian.
"I'll give you time to think Ms. Bishop. Don't waste your effort." Nakapamulsa ito at humakbang na palayo. Natigilan naman si Fabian at mas dumilim pa ang awra.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?" Tanong ko habang tahimik itong umiinom ng kape. Nasa isang restawran kami ngayon. Hindi siya nag abalang galawin ang pagkain na mukhang lumalamig na.
"May dapat ka bang sabihin sa'kin?" Tumayo ang balahibo ko sa batok at lumakas ang kabog ng puso ko.
Ibinaba nito ang hawak sa isang tasa na may lamang kape at seryosong tumingin sa'kin.
Inaantay lamang ang pagbukas ng aking mga labi.
Umiling ako at saka nag iwas ng tingin. Naramdaman ko ang paghawak nito sa'king kamay kaya napalingon ako sa gawi niya. Nanatiling tahimik si Fabian habang seryoso ang tingin sa'kin.
Hindi ako mapalagay hanggang sa makauwi kaming dalawa. Wala itong imik na umupo sa sofa at isinandal ang ulo habang hinihilot ang kanyang sentido. Dumiretso ako sa banyo at nag basa ng mukha. Tinignan ko ang sarili sa malaking salamin nang maalala ko ang calling card na ibinigay sa'kin ni Mr. De Alegre. Kinuha ko ang itim na papel na 'yon sa'king bulsa at napaupo naman sa inidoro.
Lumabas ako ng banyo at nakita ko agad si Fabian na nakasandal sa pader na katapat ng pinto.
Kaagad niyang hinila ang kamay ko nang makita ang papel at nag tiim bagang ito. Nag kuyom ang kanyang kamay dahilan para malukot ang papel.
"Fabian." Hinawakan ko ang kanyang braso ngunit umiwas ito.
"You're not telling me the truth." Malamig ang tono ng kanyang boses.
"Fabian." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Tumaas ang kamay nito para pahintuin ako sa pagsasalita.
"Saan ka pupunta?" Hindi ito umimik at nagtuloy tuloy sa labas. Napaupo na lamang ako at nag simulang bumuhos ang mga luha. Napatingin ako sa kapirasong papel na lukot at kinuha ito.
"I'm sorry Fabian but this is the only way. I want to help you out." Pinunasan ko ang aking mga luha.
Pasado alas nwebe ng gabi nang dumating ang itim na sasakyan sa tapat ng convenient store. Nanatili akong nakatayo nang magbaba ito ng bintana.
"Get in." Si Mr. De Alegre ang nasa likod nito at may personal driver pa.
Hindi naman ako nag dalawang isip at pumasok na sa loob. Malinaw sa usapan, kakain lamang kami sa labas. Nang dumating sa isang sikat na five star hotel ay dumiretso kami sa isang VIP venue. Naroon ang ilang mga sikat na tao ngunit para lamang silang ordinaryo dahil sa pribadong lugar ito.
BINABASA MO ANG
Love to Sin: Fabian Devonscott ✔
General FictionTo be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot? Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya ni...