Kabanata 18.

36.3K 916 71
                                    

GUIA:

HINDI ako nagtagumpay na umalis sa kanyang puder lalo na nang tumawag muli ang Papa. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng malaman ko ang katotohanan. Kasalukuyan kong tinatapos ang mga paperworks ko. Muling tinignan ang oras at napag alamang alas nuwebe na pala ng gabi. Hinilot ko ang aking batok, overtime na pala ako sa trabaho. Matapos kong ilipit ang mga papeles ay lumabas na ako ng opisina ni Fabian. Wala ito, hindi siya pumasok simula kahapon. Sinimulan ko siyang iwasan para makalimutan ng tuluyan.

Hindi ako maagang umuuwi sa condo nito. Hangga't sa maaari ay ayoko. Ganoon din siya, ilang gabi na akong late umuwi at minsan nang naabutan ang Tita Carol na mahimbing na natutulog sa sofa. Nakabukas ang TV at may nakahanda pang wine na hindi naman nabuksan. Nakatulugan na ata niya ang pag aantay kay Fabian.

Nag tungo muna ako sa isang malapit na convenient store. Bumili ako ng mainit na kape at saka naupo sa bakanteng upuan sa gilid. Kaharap ko ang malaking bintana at tanaw nito ang kalakihan ng Devonscott Corp. Malalim lang ang iniisip ko hanggang sa mapadpad ang paningin sa 69th Floor ng building. Bumukas kasi ang ilaw sa mismong opisina ni Fabian. Naalala kong sinara ko 'yon kaya't tumayo ako para bumalik.

Itinapon ko na ang kape sa basurahan at saka nagmadaling bumalik.

"Mam Guia may nakalimutan po ba kayo?" Nakasalubong ko pa ang gwardiya.

"Ah kuya sandali lang ako. Naiwan ko po kasi atang bukas ang ilaw sa opisina."

"Wag kayo mag alala mam may mga janitor po sa itaas sila na rin ang nag che-check ng mga bukas na ilaw."

"Sandali lang ako kuya naiwan ko kasi 'yung mga indorsement letter."

"Sige po mam mauuna na po akong umuwi."

Kaagad kong pinindot ang elevator's button. Pumasok ako sa loob at pinindot ang 69th floor. Imposibleng bumukas ng kusa ang mga ilaw dahil ako lang ang natira kanina at nagpatay. Maliban na lamang kung may mga janitor pa na naiwan.

Tahimik naman hanggang sa makalabas ako. Dinig ko pa ang takong ko habang nag lalakad sa malamig na tiles papunta sa opisina.

Pipihitin ko na sana ang pinto nang bigla akong makarinig ng nagsisigawan.

"Anong gusto mo Carol? Matagal na tayong wala. Bakit mo pinipilit yang sarili mo!" Boses iyon ni Fabian. Kaagad akong nag tago sa kahoy na pintuan kung saan ay hindi nila ako mapapansin.

"Bumalik ako para sa'yo Fabian. Bakit mo ako pinagtutulakan? May iba ka na ba? Tell me!" Sigaw ng tita Carol. Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?

Bakas sa boses ni Fabian na nakainom ito. Nadidinig ko ang pagbabasag mismo sa loob at pagmumura niya ng malutong. Nagsimulang umiyak si tita Carol dahil sa pag sigaw nito.

"Get out Carol. Ayokong makita ang pagmumukha mo pag uwi ko." Madiin na pagkakasabi ni Fabian.

"Alam mong wala akong uuwian dito. Bakit ka nagkakaganyan? May iba na ba?" Nanginginig ang boses nito.

"Putang ina!" Isang malutong na mura muli ang isinigaw ni Fabian dito.

"Anong pinag sasabi mo? Wala na tayo matagal na panahon na! Don't you dare to ruin my life! Maayos kitang pinakisamahan, pinatuloy kita sa pamamahay ko but damn! Hindi ko sinabing magiging okay tayo!"

"Kaya ba hindi ka umuuwi ng condo mo dahil hanggang ngayon ay apektado ka pa rin ng panloloko ko sa'yo?" Biglang nanahimik ang buong paligid nang bitawan ni tita ang mga katagang iyon. Napahawak naman ako sa'king bibig, anong ibig niyang sabihin?

"Pinag sisisihan ko ang lahat Fabian." Umiiyak na sabi nito.

"At pinagsisisihan kong nakilala kita." Pag didiin naman na sagot ni Fabian. Mas lalong humagulgol si tita Carol. Ramdam ko ang sakit na dulot ng mapagparusang pananalita ni Fabian.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon