"SIGURADO kaba d'yan sa gagawin mo? Aba at bakit kailangang sa bahay ka pa talaga n'ya titira?" Lukot ang mukha ni Clarise nang sabihin ko rito ang napagkasunduan namin ni Fabian. This will be the set up. Sa bahay n'ya ako titira at ako parin ang uuwian n'ya. Ginusto ko ito. Walang dapat sisihin kundi ako."Just trust me. Dito ako masaya."
"Masaya? Masaya kang ganyan Guia? Asan na ang Guia na palaban?" Nagbago ang tono nang pananalita ni Clarise. Truth hurts ika nga nila. Pero anong magagawa ko? Kasalanan ko naman talaga kung bakit nawala si Fabian sa 'kin.
Ilang linggo ang lumipas. Nasa bahay nga ako ni Fabian. This house is big compared to back then. May sarili na s'yang bahay ngayon na nakatayo sa EastWood. Hindi na rin ako mahihirapan pa dahil mas malapit ito kumpara sa Bulacan.
Sa paglipat ko dito'y inihatid lamang n'ya ako at hindi na muli pang bumalik. Hanggang kailan naman kaya ako muling mag hihintay na uwian n'ya ako?
Unang-una sa rules n'ya ay wag akong makialam sa buhay n'ya at 'yon ang ginagawa ko ngayon. Kahit gustuhin ko man na tawagan s'ya para itanong kung kumain na ba s'ya? Kahit gustuhin kong kamustahin man lang sana ito ay hindi p'wede.
Dahil sa sobrang pagka-inip ko ay tinawagan ko na lang si Clarise kahit na alam kong may konting tampo ito. Tutol kasi ito sa ideyang pagtira ko sa bahay ni Fabian. Alam n'ya ang mga dinanas ko at ang bigat ng damdamin ko. Alam n'ya ang lahat lahat maging ang pagpapahirap sa 'kin ni Fabian.
Sa totoo lang ay malaki ang galit n'ya kay Fabian. Gusto n'ya itong komprontahin para kausapin ngunit pinipigilan ko. Ayokong magalit si Fabian dahil lang kay Clarise. Oo, tanga na nga kung tanga. Tao lang naman ako at marunong sumugal sa agos ng buhay.
Mabuti at napakiusapan ko si Clarise na makipagkita sa 'kin. Wala namang pasok ngayon at saktong-sakto ang pag a-unwind naming dalawa dahil kakahiwalay palang nila ng kanyang nobyo na ilang araw na ang nakakalipas.
Hindi ako gumamit ng sasakyan dahil nasa Eastwood na ako. Sa halip ay tumawag na lamang ako ng grab para sana ibaba ako sa Eastwood mall kung saan ako makikipag-kita kay Clarise.
Simple lang ang ayos ko. Hindi naman kasi ako sanay na mag ayos ng sobra lalo na kung walang okasyon. Simpleng red dress na hanggang tuhod ang haba. Nakalugay din ang wavy kong itim na buhok. Suot ko na rin ang sling bag ko na may tatak na Gucci. Iniregalo pa sa 'kin ito ng papa noon nang ako'y mag debut.
Pagkarating ko ng mall ay dumiretso ako sa isang restaweran kung saan ako makikipagkita kay Clarise. Tinignan ko ang orasan at saktong-sakto lang ang dating nito.
Kumaway ako para mapansin n'ya. Kaagad naman itong lumapit nang makita ako.
"Kumain na muna tayo?" Alok ko rito. Hindi pa kasi ako kumakain. Sa totoo lang, sa labis kong paghihintay kay Fabian na umuwi ay nakakaligtaan ko ang kumain. Hindi naman s'ya nag kulang. Tulad noon ay pinupuno parin n'ya ng mga groceries ang ref. Doon pa lang ay mabuhayan ako ng loob at natuto muling umasa.
Umasa na baka sakaling maayos pa ang lahat ng mayron kami. Matapos naming kumain ng kaibigan kong si Clarise ay nag desisyon kaming dalawa na mag shopping.
"Wala na kasi akong maayos na maisusuot. Samahan mo na muna ako." Alok sa 'kin nito at agad kong pina-unlakan.
Nasa isang botique kami nang manlaki ang mga mata ko. I saw her. Ang mismong fiancee ni Fabian. I saw Ashanti. Nakatayo s'ya mismo sa salamin at naghahanap ng mga magagandang damit.
"Guia nakikita mo ba ang nakikita ko?" Sabi ni Clarise. She knows her as well. Ipinakita ko na ang mga larawan nito kay Clarise sa isang social site.
BINABASA MO ANG
Love to Sin: Fabian Devonscott ✔
Ficção GeralTo be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot? Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya ni...