Kabanata 11.

43.1K 1.1K 114
                                    

GUIA:

ILANG ARAW ANG LUMIPAS, kasalukuyan akong nasa hacienda nang biglaan naman ang pagbalik ng Papa kasama ang kirida niya. Para sa'kin ay kirida o kabit si Sandra. Hindi ko siya matatanggap kailan man. Hinding hindi. Malaki ang pagkakangiti ni Sandra. Sinalubong sila ng mga kasambahay para kunin ang mga bagahe pati na rin ang mga bagong pinamili na galing ibang bansa.

"Hija." Niyakap ako ng papa. Hindi ko ito sinagot ni hindi ako nag responde sa mga yakap niya. Naroon naman si Fabian na kabababa pa lamang. Marahil ay nahalata ito ng papa at kaagad siyang bumitaw at pumunta sa gawi ni Fabian.

"Kamusta ang anak ko? Hindi ba siya nagpasaway sa'yo?" Tila gumuhit bigla ang kaba sa puso ko. Fuck! Gusto kong mag mura. Bakit ako naaapektuhan? Tumaas na lamang ang balahibo ko dahil naroon ang takot na baka mabuking kami.

"She's fine." Tanging sagot ni Fabian. Hindi ko alam kung bakit ako pinang hihinaan ng katawan at kay lamig ng mga palad. Napakagat labi ako sa tensiyon. Kahit ma wala namang ibig sabihin ang papa ay talagang malaking impact sa'kin 'yon.

"Oh Guia bakit ka namumutla? May sakit ka ba?" I hate Sandra! Nakikipag laro ito sa'kin na may pagtatanong sa kanyang mga mata. Kaagad ko tong sinamaan ng tingin.

"Oo may sakit ako. Dumating ka kasi." Nagbago ang ekpresyon nito. Naglaho ang ngisi sa mga labi at napalitan ng pagsimangot.

"Guia stop!" I rolled my eyes. Of course, nandito nga pala ang papa. Sino ba ang kakampihan? E malamang si Sandra nanaman."

"Okay I'll stop. Pero pagsabihan niyo ang babae niyo." Padabog akong umakyat ng hagdan. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag ng papa sa pangalan ko. Masiyadong maliit ang mundo para sa'min ng babaeng 'yon. Paano pa kaya ngayon na sa iisang bubong kami nakatira? I can't take this!

Bakit ba kasi kailangan pa nilang bumalik dito? Mas okay kung nasa America na lang sila tutal doon din naman ang bagsak non. After the wedding ay sa doon na sila titira. Kung may wedding nga na magaganap. Napangisi na lang ako, talagang nilalabas ni Sandra ang masamang ugali ko.

Maya maya lang ay kumatok na ang isa sa mga katulong. Kakain na raw kasi ng hapunan. Inayos ko ang sarili at binuksan ang pinto. Hindi ako pwedeng mag mukmok na lamang dito habang ang babaeng 'yon ay nagpapaka saya sa buhay reyna dito sa hacienda.

Bumaba na ako na may pekeng ngiti sa mga labi. Nakita ko sila na nasa hapagkainan na. Si Sandra nama'y nakatitig sa'kin tinaasan ko na lang ng kilay ito at naupo sa tapat nila. Masaya naman ang papa dahil bumaba ako. Katabi ko si Fabian sa kanan ko na tahimik na kumakain.

Nagsimula na rin akong kumain. Hindi ko gusto ang pagiging tahimik ni Fabian. Oo, alam kong dapat lang na umiwas muna kami dahil baka makahalata ang papa ngunit hindi 'yong ganito. Nararamdaman ko kasi ang pag iwas niya kahit sa maliit na bagay lang.

Naiinis ako. Gusto kong mapansin ako ni Fabian at hindi ako masaya sa hindi niya pagpansin sa'kin. Dahil sa inis ko na sinabayan pa ni Sandra ay nakaisip ako ng paraan.

"Papa aalis ako. Kasama ko 'yong mga katropa ko." Tropa? At kailan pa ako nakisali sa tropa e wala nga ako non. Iwas ako sa mga kaibigan ko dahil ayaw ng papa. Ayaw din nitong sumasama ako kay Tracey, isa sa mga kaibigan ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ni Fabian sa pagkain. Palihim akong napangiti.

"Tropa?"

"I mean mga kaibigan ko."

"Guia hindi kita pinagbabawalan. Pero kailangan kong malaman kung sinong mga kaibigan?" Ani ng papa. Saglit akong natahimik. Shit! Sino bang maaaya kong umalis ng ganitong oras at 'di man lang napagpaplanuhan.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon