LUMUHOD si Fabian at pinunasan ng sariling panyo ang puting gown ni Ashanti. Dinampot ko naman ng walang pag-aanlinlangan ang basag na kopang nagkalat sa sahig."Guia, leave it there." Pilit akong tinatayo ng papa.
"No papa it's okay." Sabi ko. Lumapit na rin ang isang katulong na may dalang tray na walang laman. Tinulungan n'ya akong isa-isahin ang mga bubog.
Hindi ko maiwasan, hindi ko kayang pigilan ang pag tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin ni Fabian na abalang-abala sa paglilinis ng gown ng fiancee n'ya.
Kitang-kita ko kung paano ito naging maginoo kay Ashanti. Sinasamba, ginagalang n'ya ito at ang isipin ang mga salitang 'yon ang s'yang pumupunit ng aking puso. After all s'ya pa rin pala ang hahanap-hanapin ko.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang bagay na tumusok sa 'king daliri.
"Senyorita nagdudugo po ang kamay n'yo." Nagpa-panic na sabi ng katulong.
"Hija you're bleeding." Ang papa ko naman ay aalalayan na sana ako. Please don't pa, I want to know if he still care about me. Fabian please give me a sign.
"No pa kaya ko na ang sarili ko maliit na sugat lang ito." Nakita ko ang pag lipat ng tingin sa 'kin ni Fabian at sa kamay kong nagdurugo.
Nagulat ako nang tanggalin ni Fabian ang necktie n'ya. Kinuha ang alak na hawak ng fiancee n'ya at ibinuhos sa 'king sugat at saka ito tinaliian ng hawak n'yang neck tie.
"Malalim ang sugat." Sabi nito habang abala sa pag pigil ng dugong patuloy na lumalabas sa 'king kamay. Hindi ko naman 'yon ininda. Abala rin akong titigan s'ya ng malapitan. He changed. Malaking malaki ang pinagbago nito.
Bigla namang tinawag ng host ang ama ko at ang babaeng kinaiinisan ko. Si Sandra.
"Go pa I can handle my self. It's your night." Nakangiting sabi ko. Mabuti na lang at hinila na ito ni Sandra kaya umalis na sila.
Hinarap ko si Fabian. Kasalukuyan akong nakaupo habang nakaluhod naman ito at hinihigpitan ang tela sa sugat ko.
"K-Kaya ko na ang sarili ko. Salamat." Natigilan naman s'ya at tumayo.
"Gamutin mo na agad bago lumala." Walang emosyon ang kanyang boses. Nanatili ang mga mata nito sa ibang bagay at hindi ako nakuhang tignan sa 'king mga mata.
Kaagad s'yang hinila ni Ashanti at tumingin sa 'kin.
"Guia, mauupo na kami sa table number. Be safe." At hinila na nang tuluyan si Fabian. Nagpatangay naman ito at ang makita silang masaya habang lumalayo sa 'kin ang s'yang pumapatay ng puso ko.
Kasalanan mo 'to Guia. Asang-asa ka sa lalaking sinayang mo. Nasabi ko sa 'king sarili.
"Senyorita tara na po at lilinisin ko na ang sugat n'yo." Kanina pa pala ang katulong sa gilid ko at nag hihintay. Hindi ko agad 'yon namalayan dahil may sarili akong mundo at si Fabian 'yon.
"Ako na ang bahala sa sarili ko. Sige na bumalik kana sa trabaho." At tumayo na ako. Pumasok ako sa banyo sa likuran ng hacienda. May first aid kit doon na ginamit ko pang linis ng sugat.
Matapos kong tanggalin ang necktie ni Fabian na may bahid pa ng aking dugo, ay nagsimula na akong linisin ang malaking hiwa sa daliri ko. Malayo nanaman ang isip ko. Ano kayang ginagawa ngayon ni Ashanti at Fabian? Masaya na ba talaga si Fabian sa piling ng iba? Gusto kong mag wala at umiyak pero alam kong hindi pwede. Ang tanga tanga ko naman kasi. Bakit ko s'ya hinayaang mawala? Bakit ako nakipag hiwalay sa taong mahal ko?
Sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal. Sinubukan ko namang buksan ang puso ko para sa iba. Sinubukan ko pero hindi talaga kaya.
BINABASA MO ANG
Love to Sin: Fabian Devonscott ✔
Ficção GeralTo be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot? Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya ni...