Kabanata 27.

33.9K 795 69
                                    


GUIA:

NAGHANDA ako ng simpleng dinner para samin ni Fabian. Alam kong magagalit lang s'ya kapag nagluto ako ng para sakanya dahil hindi naman ito nagtatagal sa sariling bahay n'ya.

Ipinusod ko na ang aking buhok at isinuot ang apron. Kaagad na akong nag tungo sa kusina. Tamang-tama at nakapag grocery na ako at nakabili na ng paborito n'ya. Abala na ako sa pagluluto nang may tumawag naman sa kabilang linya ko.

Iniwan ko na muna saglit ang aking ginagawa at nag tungo sa mesa kung nasan nakalapag ito.

Nakita ko agad ang pangalan ng Papa. Bakit naman kaya s'ya tatawag sa ngayon? Kinuha ko na ang phone para sagutin ang tawag n'ya.

"Hello Papa?"

"Hija how are you?" Bungad nito sa 'kin.

"I'm okay Pa nothing special."

"Busy ka ba ngayon?"

"Yes Pa busy ako sa teaching ko kaya kinakailangan ko agad bumalik dito sa Maynila."

"Magpapasama kasi si Sandra sa 'yo." Nangunot noo ako. Ano nanaman ito?

"Why?" Nag-iba na ang timpla ng boses ko ngunit pinilit kong kumalma.

"Magpapasama s'yang maghanap ng magiging wedding coordinator ng kasal namin." I rolled my eyes. Ramdam naman siguro n'yang iwas ako sa usapang pagpapakasal nila ni Sandra.

"Please Papa sa iba na lang abala ako ngayon."

Narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya.

"Gano'n ba anak." Tila nagmamakaawa pa ang boses nito ngunit tinibayan kong huwag magpadala sa 'king emosyon.

"I'm sorry." Diretso kong sinabi. Wala naman s'yang nagawa at naintindihan n'yang marami pa akong inaasikaso. Matapos ang tawag na 'yon ay napahilot ako sa 'king sentido. Ayokong iwasan ang ama ko ngunit hindi ko talaga makakayang pakisamahan ang magiging asawa n'ya.

Bumalik nako sa kanina kong ginagawa. Pagkatapos kong magluto'y tinignan ko ang orasan mag ga-gabi na pala kaya't naisipan kong mag linis na muna ng katawan. Naligo akong si Fabian ang nasa isip. Paano ko kaya sisimulan ang lahat? Buo ang desisyon kong mabawi s'yang muli lalo na't alam kong hindi n'ya talaga totoong fiancee si Ashanti.

After I took a bath, I wisely chose the dress to wear. Nakita ko ang isang simpleng kulay pulang dress at iyon na ang pinili ko. Naupo rin ako sa tapat ng salamin para mag-ayos ng buhok. I didn't put any make up. Hindi rin kasi ako naglalagay ng kolorete kapag nasa bahay lang ako. Mas pinipili ko kasing ipahinga ang balat ko kapag wala naman akong pupuntahan.

Nag-apply lang ako ng lip balm dahil sa namamalat kong mga labi marahil dahil na rin sa pabago-bago ng panahon. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga sasabihin kay Fabian habang sinusuklay ang buhok ko. Pinili ko rin ang pabangong ga-gamitin. Pinili ko ang pinaka mabango na hindi masakit sa ilong. Inilugay ko nalang din ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.

Kasalukuyan akong naghihintay kay Fabian sa sofa. Nanood ako ng TV para mawala ang pagka-boring ko habang wala pa ito. Lumipas ang minuto at mga oras, nasa ganoong posisyon pa rin ako habang papalit-palit ng estasiyon.

Nakaramdam ako ng antok pero sinikap kong hindi matulog. Tumayo ako para silipin ito sa bintana at bigo pa rin dahil walang Fabian ang dumating. Sinikap kong mag hintay pa rin. Naisip kong baka busy nga talaga s'ya sa Devonscott Corp. kaya't hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Tinignan ko ang orasan at naupo muli sa sofa. Alas-diyes pa lang naman at hindi pa masiyadong late kaya't nanood na lang ulit ako. Maya-maya pa ay nagsawa na ako sa pinapanood kaya't nagdesisyon akong patayin na ang TV at muling tumingin sa orasan. Pasado alas-onse na at wala pa rin ito. Umunat ako dahil sa pananakit ng likuran at nag tungo na lang sa kusina. Napagpasyahan kong initin ang mga pagkain na lumamig na para sa pagdating nito'y mainit ang kanyang maka-kain.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon