Kabanata 29.

39.3K 970 63
                                    

GUIA:

"MISS BISHOP bakit biglaan naman yata ang pagre-resign mo?" Kinausap ako ng Dean patungkol sa balak kong pag-resign sa Unibersidad. Gumawa na lamang ako ng maidadahilan para hindi na humaba pa ang usapan.

"Nagkasakit po kasi ang ama ko. Kailangan po n'ya nang makakatulong dahil ako na lang ang pamilya n'ya." Napaisip ng sandali ang aming Dean.

"Sayang naman isa ka pa naman sa mga outstanding teachers dito. Pero kung iyon na talaga ang desisyon mo ay wala na kaming magagawa."

Sa huli ay pinirmahan na n'ya ang resignation ko. Sinamahan pa ako ni Clarise hanggang sa labas ng Unibersidad.

"Ano na ang balak mo ngayon Guia?" Tanong nito.

"Gusto kong bumisita muna sa Foundation at makapag-abot ng donasyon kay Ms. Corpel." Sagot ko.

"Sa-samahan na kita mamaya. Isa lang naman ang klase ko ngayon hintayin mo na nalang ako sa parking." Pumayag naman ako sa suhesyon ni Clarise.

Ilang oras lang akong naghintay nang dumating ito dala-dala ang lesson plan niya.

"Let's go Guia." At pumasok na kami sa loob ng kotse. Ilang sandali lang naman ang inilaan namin sa biyahe ni Clarise. Nakausap ko agad si Ms. Corpel at nag-abot ng halaga para sa donasyon ko. Pinapalabas kong magbabakasyon lamang ako kahit na ang totoo'y balak ko talagang lisanin ang syudad at pumunta sa lugar kung saan matatahimik ang diwa ko.

Hindi rin kami nagtagal at kaagad ding umalis para bumili ng mga gamit ko sa pag-alis. Balak ko kasing pumunta ng Zulu sa bayan ng Talipaw at doon magsimula ng buhay. Maliit na bayan lamang iyon at kakaunti ang mga tao. Saglit lamang kaming namili sa Gateway mall at nagpasiya ring umuwi.

Nagpaalam na ako kay Clarise nang maihatid ko s'ya sa cubao. Hindi na rin ako umuwi pa sa Bulacan dahil naka check-in ako sa isang 'di kilalang hotel. Mabuti at nakabili na ako ng plane ticket nong nakaraang araw at ang a-asikasuhin na lang ay ang pag iimpake sa maleta.

KINABUKASAN, Sabado ng umaga at si Clarise na mismo ang nag hatid sa 'kin sa Airport. Mag i-isang linggo na rin halos ang nakalipas nang mawalan na kami ng komunikasyon ni Fabian. Nagpalit na rin ako kaagad ng sim card na si Clarise lang ang pinagsabihan ko. Hindi ko rin muna kakausapin sa ngayon ang Papa. Tsaka na, kapag naghilom na ako.

"Mag-iingat ka do'n ha." Malungkot na paalala ni Clarise.

"Oo naman. Basta i-text mo lang ako kapag nagkaproblema ka." Sagot ko.

Naluluha ang kanyang mga mata.

"Guia naman e. Wala na tuloy akong ka-chika-han sa lunch break." Biro nito.

"Ano ka ba pwede mo naman akong tawagan." Akala mo talaga mag-iibang bansa ako sa reaksyon ni Clarise.

Niyakap n'ya ako at kinuha ko na ang maleta pati narin ang passport ko.

"Tawag ka pagkarating mo." Senyas n'ya sa 'kin. Tumango-tango naman ako at nagmamadali nang maglakad papalayo.

TATLONG BUWAN ang nakalipas.

"Good morning Teacher Guia, good morning classmates." Kasalukuyan akong nagtuturo ng mga Igorot na kung saan ay malapit sa Tausug ang kanilang tinitirhan. Kung mapapaisip kayo kung bakit Tausug ang pangalan ng kanilang tahanan ay dahil ito sa bahay na kawayan na lumulutang mismo sa ilog.

Araw-araw kong nilalakad mula sa bayan hanggang dito para lamang mabigyan sila ng libreng edukasyon. Ang mga Igorot dito'y tinuturuan ko kung paano mag basa, sumulat at mag bilang. Bata o matanda ay sama-samang nag-aaral.

Masagana rin ang pala-isdaan dito na s'yang ginagawang hanap-buhay ng mga kalalakihan. Ibinebenta nila ang mga sariwang huli sa palengke.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtuturo nang may masilayan akong isang malaking truck. Saglit kaming napatigil at tinignan ang paparating na sasakyan.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon