Kabanata 30.

42.4K 975 56
                                    


A/N: Bago kayo mag react sa mga mababasa niyo I just want to say na I hate drama. Sa isang relasyon hindi ako 'yong tipo na pinapatagal ang away. Well iba-iba lang naman tayo ng trip :)

THIRD PERSON'S POV:

"WHAT IS IT VERNON?" Mainit ang ulo ni Fabian nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang private investigator. Sa nakalipas na mga buwan ay ito na ang naging mga mata n'ya para malaman ang kalagayan ni Guia. Ibinalita naman nito sa kanya ang nasaksihan nang makitang may kasamang doctor ang dalaga.

Muling uminit ang ulo ni Fabian. Gano'n na lang ba talaga kadali para sa dalagang kalimutan s'ya?

"Get all the information you can about that Doctor." Matapos no'n ay ibinaba n'ya ang tawag at napahilot sa kanyang sentido. Mabilis n'yang kinuha ang coat at papalabas na sana ito nang may kumatok naman mula sa labas ng kanyang opisina.

"What?" Iritableng pagkakasabi ni Fabian sa kanya secretary.

"Sir you have a meeting to Mr. Chun-" hindi na nito natapos ang sasabihin nang magsalita si Fabian.

"Cancel it and book me a flight to Sulu." Kaagarang ani nito. Hindi naman na nakapagsalita ang kanyang secretary at sinunod na lang ang sinabi nito.

GUIA:

"Mr. Olivores, what brings you here?" Ano bang ginagawa ng lalaking 'to dito? Kay aga-aga ah.

"Good morning Ms. Guia." Malaki ang pagkakabungad ng ngiti n'ya sa 'kin. Napataas naman ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko.

"Actually malapit lang ang camp namin dito sa tinutuluyan mo. Mamayang tanghali na ang flight ng team going back to Manila. Pwede ba akong sumama sa 'yo ngayong araw?" Alam n'yang nagtuturo ako sa mga Igorot araw araw.

"At bakit?" Wala ako sa mood ngayon dahil masama ang pakiramdam ko dala siguro ng pagbubuntis.

Napakunot noo naman ito.

"Are you pregnant?" Kaagad na sabi n'ya. Napaawang ang mga labi ko. Sa liit ng katawan ko ay napansin pa n'yang buntis ako. Marahil sa kaunting umbok ng tiyan ko.

"Yes." Diretso ko.

"Oh I see. You looked pale." Hinawakan n'ya ang noo ko at kaagad ko namang inalis ito.

"I'm a doctor."

"Alam ko." Tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"I can help you. Kailan ang huling check up mo?" Kaagad akong napaisip. Noong nakaraan ko lang nalamang buntis ako at hindi pa nakakapag patingin.

"May appointment ako sa OB ko ngayon." Naisip kong hindi na muna magturo ngayong araw. Nabahala na rin kasi ako kung anong lagay ng magiging anak ko. Kaagad na tumatak sa isip ko si Fabian. Ano kayang magiging reaksyon n'ya kapag nalaman n'yang magkakaanak na kami?

"Congratulations Ms. Bishop. The baby is healthy. Ilang buwan na lamang at malalaman na natin ang gender niya." Masayang sabi sa 'kin ng OB.

"First child n'yo ng mister mo?" Sabay tingin nito sa kasama ko si Mr. Olivores."

"No. Sinamahan lang po n'ya ako. Hindi s'ya ang ama ng bata."

"Oh I'm sorry." Nakangiting sabi nito.

"It's okay. Wala naman 'yung tatay n'ya." Bulong ko sa sarili.

Matapos ang check up ay umalis na kami. Nagpaalam naman ako kay Mr. Olivores na mauuna na ngunit nagpumilit pa s'yang kumain sa labas.

"I'm sorry? I don't even know you. Bakit ako sasamang kumain sa 'yo sa labas?"

"Because you let me to go with you here. And by the way I'm Damiel Olivores." He said confidently.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon