CHAPTER 1

836 18 1
                                    

CHAPTER 1

*The beginning of the story*

Czyrine's Point of View

Maaga akong nagising dahil papasok na ako ng school. Bumangon na ako at ginawa ang ritual ko araw-araw.

Ako si Czyrine Trixie Lopez 4th year highschool na ako. Hindi kami gaano kayaman, hindi 'rin naman gaano kahirap. Kung baga, katamtaman lang. May kaya, for short.

Nagpaalam na ako at bumyahe na sa school. Pagkarating ko ay naaninag ko si Nate na nakatayo sa entrance. Lumingon siya sa'kin at kumaway.

Tumakbo ako papalapit sa'kanya at niyakap. Si Nate o Alexander Nate Scott ay ang kababata ko. Siya ang nagiisang lalaking bestfriend ko. Mahal ko siya, pero hindi jo alam kung paano ko sasabihin. Lalo na't may napupusuan na siyang iba, si Kryshia.

Si Kryshia Jane Cruz ay bestfriend ko 'rin. Alam ko 'rin na may nararamdaman siya kay Nate, kaya mas pinili kong itago 'tong nararamdaman ko.

Ayoko naman masaktan ang bestfriend ko. Mas pipiliin kong masaktan nalang kesa siya pa.

Ginulo ni Nate ang buhok ko, "Oh! Mukhang maganda ang gising ng bestfriend ko ah?" Bungad niya. Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niyang 'bestfriend' pero pinilit ko nalang ngumiti.

"Syempre, palagi naman eh"

Natawa siya dahil do'n, "Halika na nga, Trixie. Pumasok na tayo, bakamalate pa tayo eh" Aniya at hinawakan ang kamay ko. Siya lang din ang nagiisang taong tinatawag akong Trixie.

Namula ako dahil sa ginawa niya. Kinilig ako na may halong nasaktan. Kinikilig ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. Pero nasasaktan ako dahil alam kong 'bestfriend' lang ang turin niya sa'kin.

Nakita ko si Kryshia, Jaycee at Lorenz na kumakaway sa'min. Sila ang mga bestfriends ko.

Si Jaycee at Lorenz ay magon. Matagal na sila, sigurp mga 2 years na. Parehas silang gailing sa mayamang pamilya.

Ganu'n naman si Kryshia at Nate. Nakakatawa nga lang dahil ako lang ang naiiba. Pero kahit gano'n ay hindi iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin.

"Yo! Yo! Yo! Morning" Pacool na bungad sa'min ni Lorenz. Natawa kami dahil sa inasal niya. Kung titignan ay parang feel na feel niya ang pagiging cool.

"Hi Nate!" Bati ni Kryshia kay Nate. Ngumiti naman si Nate sa'kanya. Ramdam ko ang pagaalala sa tingin ni Jaycee. Siya lang kasi Ang tanging nakakaalam sa totoong nararamdaman ko kay Nate.

"Hello, kamusta ka?" Pagsisimula ni Nate. Hindi ko na sila pinakinggan, baka maluha pa ako ng wala sa oras.

"Huy! Tara na, baka malate pa tayo sa first class natin" Pag-iiba ni Jaycee ng usapan. Tumango nalang kami at sumunod.

Kailangan kong tiisin 'to. Ayokong masira ang friendship namin ni Kryshia dahil lang sa pesteng love na 'to.
.
.
.

(TIMESKIP: UWIAN)

A/N: Sensya na, tamad otor nyo eh.

Tapos na ang school namin. Magaabang nalang ako ng masakyan para makauwi na ako. Sina Jaycee at Lorenz ay sabay nang umuwi. Siguro magdadate pa 'yung dalawang 'yun. Hays, nakakabitter.

Hindi ko alam kung saan nagtungo si Nate at Kryshia. Sanay na 'rin naman ako.

Kasalukuyan akong nasa cr. Lalabas na sana ako ng may narinig akong kaluskos. Nanatili na lamang akong nasa loob ng cr, nasa tapat ng pinto.

"Nate, pwede ba tayonf mag-usap?" Aniya ng nasa labas.

"Sige, ano ba ang sasabihin mo, Kryshia?" Tanong ng isang boses lalaki. Teka! Si Nate at Krysh

"May icoconfess sana ako sayo" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Nate, I like you--no Inlove ako sayo. Hindi ako nahulog sayo ng dahil sa itsura mo, kundi sa totoong ikaw. Mahal kita Nate, Noon pa" Dagdag ni Kryshia.

Nasapul ako sa sinabi niya. Wala na, tapos na. Huli na ang lahat.

Naluha ako bigla, kahit pa ayokong pakinggan ang usapan nila ay nakinig pa'rin ako, "I like you too, Kryshia. Now I have the courage to say this, Can I court you?"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit! Ang sakit sakit!

"Yes! Yes Nate. Pwede mo na akong ligawan" Natutuwang wika ni Kryshia.

Mabuti pa siya, masaya. Samantalang ako, umiiyak. Dahil lang sa isang lalaki.

Pinunasan ko ang luha ko ngunit hindi pa'rin ito maawat sa pagtulo. Nasasaktan ako, pero kailangan ko 'tong gawin para sa ikasasaya nilang dalawa. Isa pa, ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Kryshia, dahil lang sa nararamdaman ko. Sapat na sa'kin ang makita silang masaya, kapiling ang isa't-isa.

Pinunasan ko ang luha ko, tumigil na'rin ito sa pagtulo. Ipinamalas ko ang isang malungkot na ngiti.

Wala na akong magagawa, mahal ko siya at bestfriend ko naman siya. Ang tanging gagawin ko nalang ay maging masaya at magmove-on.

Kahit masakit, kakayanin ko. Para sa ikasasaya niyo.

***

Hello Kyuties! Ito na po ang chapter 1. Sana magustuhan niyo.

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon