CHAPTER 6

267 7 0
                                    

CHAPTER 6

*Mall*

CZYRINE's Point of View

Saturday ngayon, napagisipan namin ni Jaycee at Kryshia na mag mall na muna. Pumayag nalang din ako dahil medyo matagal na simula ng magkasama kami.

Pinaalam ko 'rin kay mama na kasalukuyang nagluluto ng umagahan namin. Sinabi niya na kumain muna ako, pero tumanggi ako. Masyado pa kasi akong busog.

Si papa ay nagtatrabaho muna. May pasok kasi siya ng Saturday. Si Kuya Karl naman ay walang tigil sa pagheheadphones. Minsan nga ay sumisigaw na si mama ngunut hindi pa'rin niya naririnig. Pfft!

Si Ate Shim naman ay nagaaral. Meron daw kasi silang test sa Monday. Kaya ayun, kulong sa kwarto. Kasama ang mga libro niya.

Naabutan ko sina Jaycee at Kryshia na nagaantay sa tapat ng bahay namin. Si Jaycee ay naka Black Crop-Top T-shirt. Ang pangibaba naman ay black leggings.

Si Kryshia ay naka White Elegant Peplum Top. Pinartner niya ito ng pantalon.

Ang suot ko ay Black T-shirt at naka black pantalon. Idagdag mo pa ang sumbrerong suot ko.Simple lang.

Bumyahe na kami sa Mall. Mabuti nalang ay hindi masyadong traffic.

Napagdesisyonan namin na mamili muna ng mga damit. Habang namimili kami ay nagkwekwentuhan kami. Ang sabi ni Kryshia ay going strong daw sila ni Nate. Kadalasan daw ay hinahatid siya sa bahay nila pagkatapos ng school. Si Jaycee at Lorenz naman...

Ayun, LQ ang dalawa. Tsk!

Sabi kasi ni Jaycee ay nakita niyang may kasamang babae si Lorenz. Nagtatawanan daw habang kumakain sa isang Cafe. Ang sabi ko naman sa'kanya ay baka namisunderstood lang niya. Baka may importanteng gagawin.

Umuusok na ang ilong ni Jaycee dahil sa galit, "Wow! So ang importanteng gagawin pala nila ay DATE?" Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil naiistress na'rin ako dito kay Jaycee. Napangisi nalang si Kryshia.

Napapadyak sa inis si Jaycee at kitang-kita mo sa mukha niya ang galit. Jusko po! Grabe papa magselos ang isang 'to! Baka mamaya nilibing na kami ni Kryshia dito.

Patuloy lang kami sa paghahanap ng damit ng may namukhaan akong isang pamilyar na mukha. Kasama ito ang isang babae, nagtatawanan sila.

Lumapit ako ng mas maigi para tignan kung sino 'yun, laking gulat ko ng makita si Russel na kasama ang isang babae. Maganda ito, Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Napanganga nalang ako sa nakita ko.

Sinigurado kong nakatago ako, mabuti nalang at rinig ko ang mga boses nila, "Honey kailan ka lang bumalik dito?" Tanong ni Russel. May girlfriend siya? Ang sabi niya wala!

Ngumiti nalang 'yung babae sa'kanya, "Hmm, Kahapon lang. Pero Russel, hindi 'rin ako magtatagal dito. May importante 'rin kasi akong aasikasuhin sa Canada. I just came by here just to visit you guys"

Bago pa ako tuluyang sumabog ay umalis na ako at bumalik kung nasaan sina Jaycee at Kryshia. Grr! Gusto ko ng papel!

"Hay nako! Nakakainis na Lorenz. Hindi 'man lang nagexplain"

"Paano mageexplain, eh tulad nga ng sabi mo ay nilayasan mo agad" Natatawang sagot sa'kanya ni Krysh. Inirapan namn siya ni Jaycee bilang sagot na mas lalong ikinatawa ni Krysh. Nang mapansin nilang andito ako ay ako naman ang tinanong nila.

"Huy! Czy, napansin ko lang masyado kayong magkasama ni Russel. Ayiee!"Tukso ni Krysh. Nang marinig ko ang pangalan ng isang asungot ay mas lalong uminit ang dugo ko.

Hinarap ko siya, "Wala akong pakialam sa Russel na 'yan!" Masungit na sagot ko. Nagulat silang dalawa sa sinabi ko pero ngumisi 'rin.

"Sige, kunwari naniniwala kami" Nakangising saad ni Jaycee.
.
.
.

Andito kami sa isang restaurant. Nagugutom na 'rin kasi si Jaycee kaya napagdesisyonan naming kumain na muna dito.

Habang nagoorder kami ay nakita ko ang isang babae na sinisigawan Ang isa pang babae. Umiiyak ito at paulit-ulit na sinasambit ang salitang 'sorry'.

Lumapit ako sa'kanila. Kawawa naman kasi 'yung babae, pinagsasabunutan na siya nung mukhang haliparot na babae. Ang kapal ba naman ng makeup!

"Hoy! Tama na. Maawa ka naman sa babae oh!" Pigil ko sa'kanila.

Napangisi naman 'yung babae, "Maawa? My Gosh! She spilled her drinks on my dress! Do you know how much this costs? Its 50,00!"

Pumagitna ako sa'kanilang dalawa. Gusto ata ng laban ng babaeng 'to, Aba! H'wag ako. Magiging demonyo talaga ako pagbadtrip ako!

"Edi dapat ikaw na ang nagadjust. H'wag namang tanga miss. Kita mo namang may hawak siyang inumin diba? Edi dapat ikaw na ang tumabi, eh kung tumabi ka sana, hindi ka magmamaktol na parang namatayan jan!" Pangbabara ko.

"Isa pa. Kung ayaw mong madumihan 'yang mamahalin mong damit, edi h'wag mong suotin. Kaya nga nagdadamit tayo diba? Eh kung ayaw mong madumihan 'yang damit mo, anong gagawin mo jan? Imomodel? Hah! Magsalamin ka please para makita mo kung pwede ka bang maging model. Mukha palang hindi na eh" Pang-aasar ko.

Nagulat siya sa sinabi ko, akmang sasampalin niya ako pero mabilis ko iyon sinangga,

"Tandaan mo, kahit gaano pa kaganda ang mukha ng isang tao. Kahit nagmakeup ka pa ng napakamarami, hindi pa'rin maitatago ang baho ng ugali nito. Mark my words," Nakangising saad ko. Ginamit ko ang kamay niya para itulak siya ng malakas. Wala eh! Ginalit niya ako. Tss, nagsorry na nga 'yung babaeng nabangga niya eh.

Maya-maya ay may lumapit sa'kanyang babae at tinulungan itong tumayo, "Bechessa, are you okay?" Nag-aalalang suhestyon nito.

Napairap nalang 'yung Bechessa, "Yeah. C'mon Ayienna"

Bago pa siya umalis ay may sinabi ako,

"Bechessa hmm? Nice name. Bagay sayo. Kasi BITCHessa ka"

H'wag mong kakalabanin ako pagbadtrip ako! Kundi baka nasuntok ko na yang mukha mo!

***

Hiii! Eto na po yung next ud! Sana mahaba na to para sainyo! I lab yow!😘😘

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon