CHAPTER 10

228 7 0
                                    

CHAPTER 10

*Getting Ready*

CZYRINE's Point of View

Ang halik niya ay parang alak, sa bawat galaw nito ay nilalasing ako. Tila ba'y nakalimutan kong galit pa pala ako sa'kanya.

Humiwalay siya at ipinagdikit ang mga noo namin. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa'kin, "Mahal na mahal kita, Rene. Noon pa, sorry kung ganu'n ang asal ko sayo kanina. Iniisip ko lang kasi na baka pagsungitan kita ay mawawala na 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Iniisip ko kasi na baka mahal mo pa 'rin si Nate"

Parang biglang humupa ang tampo at lungkot na naramdaman ko.

Napapikit ako at dinaramdam ang pasensya niya, "Rene, I love you. Mahal na mahal kita. H'wag kang magalala, mararanasan mo na kung paano mahalin" Malambing niyang sagot. Maya-maya ay ramdam ko ang labi niya sa noo ko.

Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa'kin, "Mahal na mahal din kita, Russel"

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit, "Rene, pwede 'ba kitang ligawan?" Natawa lang ako at tumango. Bigla niya nalang akong niyakap ng napakahigpit.

Kumalas siya sa pagkayakap ko. Hinawakan niya muli ang mukha ko at marahang pinaglapat ang mga labi namin.

"Kung dati ay minamahal lang kita ng patago. Ngunit ngayon, handa ko nang ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita Czyrine"
.
.
.

Nakuwi na ako sa bahay. Napagdesisyonan ko munang maligo dahil basang-basa ako sa ulan. Kakahatid lang din ni Russel sa'kin kanina.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pantulog. Medyo pambata nga lang 'yung design, Hahaha!

Nakahiga na ako pero hindi ako makatulog, sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

Sasagutin kita sa Graduation Day, Russel
.
.
.

Kakatapos lang ng klase namin.  Nagpapractice na'rin kami para sa Graduation. Nandito kami ni Krysh at Jaycee sa canteen.

"Ehem! Lumalovelife ka'na huh?" Tukso ni Jaycee. Kanina kasi, dumaan si Russel dito para 'daw Icheck ako kung hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Ayun, todo tukso naman 'tong mga bruha kong kaibagan. Haha!

"Tss"

Nagulat nalang ako ng bigla nila akong hinampas, "Asuss! Kunwari walang pakialam. Pero sa loob niyan, kinikilig na!" Tukso pa ni Krysh habang sinusundot ang tagiliran ko. Tsk!

Nang makuha na namin ang pagkain ay naghanap muna kami ng table.

Kamusta na kaya 'yun?
.
.
.

Uwian na namin ngayon. Nagaantay ako dito sa entrance ng school. Ang sabi kasi ni Russel ay may pupuntahan 'daw kami.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may yumakap mula sa likuran ko. Itinagilid ko ang ulo ko para makita kung sino 'yon.

Napangiti ako, ang taong mahal ko lang pala,

"Kamusta ka Rus?" Panimula ko. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya, dahilan para bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko.

"Okay lang naman. Namiss kita Rene" Paglalambing niya at isinubsob ang mukha niya sa balikat ko.

Natawa naman ako dahil do'n, "Tss! Alis nga dyan!" Pagtataboy ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na napanguso siya, "Uy! Hindi mo'ba ako namiss?"

"Tsk! Oo na! Miss na kita"

"Parang napipilitan ka lang!"

Umiling-iling nalang ako dahil sa tigas ng ulo niya. Hindi ko alam na isip bata pala 'to? Pfft!

Umalis ako sa pagkayakap niya at hinarap siya, "Oo! Miss kita. Namiss kita ng sobra!" Bawi ko sabay kiss sa pisngi niya. Nauna na akong maglakad dahil nahihiya ako sa ginawa ko.
.
.
.

Nasa isang restaurant kami. Gusto ko kasing sa fastfood nalang para mura. Pero itong si Russel gusto 'daw sa restaurant para makakain daw ako ng maayos. Ganda ng explanation diba?

Napagdesisyonan kong ako na ang umorder, habang si Russel naman ay ang hahanap ng upuan.

Nang makuha ko ang order ko ay luminga ako para hanapin si Russel. Nang nakita ko siya ay nakita ko ang osang babaeng nakangiti sa'kanya.

Puta?!? Anlandi men!

Kunot noo akong lumapit sa'kanila at malakas na nilapag ang tray. Dahilan para mapansin na'rin nila ako.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang babae, siya ang babae na pinahiya ko! Aba! Buhay pa pala 'to?

Bakas 'din ang gulat sa mukha nito. Pero sandaling napalitan ito ng isang ngising nakakaloko.

"Hmm, hindi ko alam na may boyfriend ka palang gwapo? Ang panget mo kasi eh"  Pangaasar niya.

B*tch!

Napangiti 'rin ako, animo'y hindi ako apektado sa sinabi niya, "Hindi ko alam na malandi ka pala? Isang malikot na higad" Pangaasar ko pabalik. Kita ko na naasar siya, base sa itsura ng mukha niya ngayon.

"Balak ko sanang angkinin 'tong boyfriend mo. Kaso nalaman kong pumapatol pala siya sa panget"

"Pumapatol siya sa maganda. Hindi sa isang malandi at b*tch na tulad mo" Nakangiti pa'ring saad ko. Ngayon ay halos umuusok na ang ilong niya sa galit.

Nakita kong nagtawanan ang mga tao sa paligid, "Grr! Hindi pa tayo tapos!" Napapahiya niyang sabi. Tumawa nalang ako.

"K!" Matipid na sagot ko at umupo na. Hinarap ko si Russel na ngayon ay nakangising tinitignan ako. Dahil do'n ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Selosa ka pala Rene. Napakaselosa mo" Nakangisi niyang sagot.

Alangan!

***

Hello! Nakapagud narin sa wakas!! Sana magustuhan niyo😍😍

-Em🌙🌙

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon