CHAPTER 9

220 8 0
                                    

CHAPTER 9

*A Kiss Under the Rain*

CZYRINE's Point of View

Mabilis lumipas Ang araw. Naghahanda na kami para sa upcoming graduation namin. Masaya ako na nalulungkot dahil mamimiss ko ang highschool days ko.

Tuesday ngayon, naglalakad kami ni Jaycee sa hallway. Wala kaming klase sa dalawa naming subjects dahil nagmemeeting ang mga teachers para sa graduation namin.

Hindi kami masyadong naguusap ni Russel dahil busy siya, ganu'n 'rin ako. Nitong nakaraang araw lang ay narealise ko na kung ano 'tong nararamdaman ko. Oo, gusto--sige mahal ko na 'siya'.

Mahal ko na si Russel Lim Vargas.

Ngayon, alam ko na kung bakit naiinis ako tuwing may babaeng aaligid sa'kanya. Kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na, at ang tanging plano ko ngayon ay sabihin sa'kanya ang totoong nararamdaman ko.

"Buti naman at nakamove on ka'na kay Nate. Kung dati, palagi kang nasasaktan tuwing magkasama sila ni Krysh, pero ngayon? Wow! Walang epekto!" Hiyaw ni Jaycee. Napangiti nalang ako at umiling-iling.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ni Jaycee ng makita ko si Russel na naglalakad sa hallway, bitbit nito ang ilang libro. Simula kasi ng itutor ko siya ay mas dumadalas ang pagaaral niya. Minsan 'rin ay bumibisita ako sa mansion nila dahil gusto ni Tita Heart na andun ako.

Lumapit ako sa'kanya, "Huy! Rus, kamusta ka?" Panimula ko. Ilang segundo niya akong tinignan at umiwas ng tingin.

Pilit kong nilalabanan ang lakas ng pintig ng puso ko ngayon. Hindi ko maiwasang matulala sa'kanya, napakagwapo talaga!

"Busy ako, Rene. Pwede mamaya nalang? Istorbo ka eh" Pigil inis nitong sagot. Nagulat ako sa inasta niya. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko! Peste ka Russel! H'wag mo naman akong saktan oh?

Umiwas ako ng tingin, "K" Matipid kong sagot at naglakad na papalayo. Ramdam ko ang pagsunod sa'kin ni Jaycee, ngunit hinayaan ko lang siya.

Bakit ganito ang pakikitungo niya? Ilang araw nga kaming hindi nagkita, tapos ganito ang bungad niya? Wow! Fantastic!
.
.
.

(TIMESKIP: UWIAN)

A/N Huhu Tamad otor e.

Walang gana akong lumabas ng school. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa'rin ako. Hayy! Pati ba naman ikaw Russel?

Nagulat ako ng may humablot sa braso ko, nilingon ko kung sino ito,

Si Russel lang pala...

Umiwas ako ng tingin dahil kapag nagtatama ang mata ko sa mata niya ay nagiging marupok ako. Hay nako!

"Rene, can we talk?"

Napairap naman ako, "Naguusap na tayo!" Mataray na sagot ko.

"Look, sorry na. Please! Please forgive me!" Pagsusumano niya. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya nagpatinag.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis, "Nakakainis ka! Katulad ka lang ni Nate, nagsisisi na ako!"

Tumulo na mg tuluyan ang luha ko. Bakit kapag nagmahal ako hindi magawang suklian? Ganu'n ba ako kahirap mahalin? Puta!

Gulat ang mukha niyang tumitig sa'kin, "Bakit? Bakit mo nasabing katulad ako ni Nate?" Tugon nito. Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay biglang bumuhos ang ulan. Kung kaya't hindi ko mapigilang lamigin.

Napahikbi ako, "K-kasi...h-hindi niyo magawang...s-suklian ang nararamdaman ko!" Pahikbi-hikbi kong sagot.

Pag magmahal ako, sobra. Sobra sobra! Kahit ibigay ko na ang lahat para lang maramdaman niyang mahal ko siya. Pero anong silbi ng pagmamahal ko kung hindi 'man lang 'din ito masusuklian?

Mabilis akong magtampo. Lalo na sa taong mahal ko. May limitasyon naman ako, pero ngayon Hindi ko na kinaya. Gusto ko ng ibuhos lahat!

"A-anong ibig mong sabihin?"

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang katagang matagal ng bumabagabag sa isip ko,

"Mahal kita Russel. Mahal na kita! Pero hindi mo magawang suklian 'yon!" Pahikbi-hikbi kong sagot.

Ngunit nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi na nakalapat na sa'kin.

(Born For You😍)

~Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me?

~Tell me what is this sweet sensation?
It's a miracle that's happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be -

~That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
~It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine
And til the day I die,
I bless the day that I was born for you
.
.
Sa pagkakataong 'yon ay unti-unti akong nalulunod sa halik niya. Ang tanging alam ko lang ay tinugon ko ang halik niya.

***
Featured Song:

"Born For You"


Yowww! Sorry sa late update! 😊 sorry din kung medyo cliche ang sweetscene. May pagkabitter lang kasi ang otor niyo. Idagdag nyo na rin na may sayad, dahil naisipan kong magsulat ng romance stories. Eto na yung next chapt. May song pa para intense, HAHAHA!😂😂

-Em🌙

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon