CHAPTER 12
*College Life*
CZYRINE's Point pf View
Isang buwan na ang nakalipas magmula ng magsimula ang college. Nasa same school pa'rin kami, 'yun nga lang hiwalay na kami. Ibang building nga lang, at tsaka iba-ibang course kasi Ang pinili namin.
Medicine Ang pinili namin ni Russel. Hindi ko naman ginawa 'yon para bantayan siya noh! Syempre, gusto ko 'rin ang medicine. Mula bata pa kasi ay namangha na ako sa mga doctors.
Aaminin kong mahirap pala ang college. Bukod do'n ay palagi kong namimiss sina Nate, Jaycee, Lorenz at Krysh.
Break time na. Halos gusto ko ng kainin ang buong canteen dahil sa gutom. Masyado akong napagod sa klase namin.
Bumili ako ng noodles at rice. Humanap ako ng table at nilapag ang orders ko. Ramdam ko na may tumapik sa balikat ko. Akala ko si Russel pero si Jazon pala. Classmate ko 'rin siya. Close ko 'rin siya, kaya lang hindi siya lumalapit sa'kin pag kasama ko si Russel. Seloso 'din eh.
"Gutom ah?" Panimula niya. Napatigil ako sa pagkain at nginitian siya, "Oo naman. Sinong hindi magugutom? Nakakapagod makinig eh"
Natawa naman siya at akmang magsasalita ulit ng may sumulpot na lalaki.
"What are you doing with my girl?" Seryosong tanong nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na 'yon. Nilingon ko kung saan nangaling ang boses na iyon. Nakita ko si Russel na sobrang talim ang tingin sa'min. Animo'y mapapatay kami nito.
Lumapit siya sa'kin at inakbayan. Matalim pa'rin ang tingin nito.
"Don't ever touch my girlfriend" Kalmado ngunit may diing utos nito. Napangisi naman si Jazon.
"Hindi ko siya hinawakan. Naguusap lang kami"
Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Russel, "Good. Now get out!" Pagtataboy nito kaya nagulat ako.
"Hi babe!" Bati niya at niyakap ako. Mabuti nalang at hindi ko pa sinusubo ang pagkain ko. Baka kasi nabilaukan na ako.
"Babe! Namiss kita" Paglalambing niya at pinaulanan ng halik ang mukha ko. Binatukan ko naman siya ng ikinagulat niya.
"Hoy! Ano ka, sinuswerte? Grabe ka ha! Halos buong mukha ko kinikiss mo!" Reklamo ko. Napanguso siya pero mabilis na ginawaran ng halik ang labi ko. Dahilan para tingnan ko siya ng masama.
Napangisi siya bigla, "Gusto mo naman!" Inirapan ko siya.
"Tss!"
Biglang dumating si Kryshia na dala ang pagkain nito. Umupo siya sa tabi ko at nagayos ng buhok. Mukhang stress na stress siya.
Pagkatapos niyang ayusin ang buhok niya ay humarap siya sa'kin, "Omygosh! Naiistress ako!" Sinenyasan ako ni Russel na aalis na muna siya. Nginitian ko siya at kumaway.
Nang makaalis si Russel ay tsaka ko hinarap ulit si krysh, "Oh? Aning problema mo at parang stress na stress ka?"
"Merob kasi akong kasama na pabida-bida. Para namang maganda!"
"Ano ba ang pangalan nu'n?"
"Bechessa Laurine Anrique"
***
Hii! Eto na yung next ud ko. Sorry sa late update😘😘
-Em🌙🌙
BINABASA MO ANG
Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)
RomansaPatago ko siyang minamahal, ibig sabihin patago 'rin akong nasasaktan --- Date Started: June 3, 2019 Date Finished: June 28, 2019