CHAPTER 16

178 5 0
                                    

CHAPTER 16

*His Heart*

CZYRINE's Point of View

Umiiyak akong lumapit kay Tita Heart na kasalukuyang nakaupo sa isang upuan. Tahimik itong umiiyak.

"T-tita..a-ano po ang..nangyari..k-kay.. Russel?" Pahikbi-hikbi kong tanong. Naramdaman kong hinahagod ni Jazon ang likod ko para icomfort ako.

"May...may..sakit sa...puso si..Russel. Sabi ng doctor...kanina ay...kailangan daw niya ng...heart donor" Pagpupunas ni Tita Heart ng luha niya. Napaluhod nalang ako habang dumadaloy ang mga luha ko.

Ayokong mawala siya! Mahal ko siya! Hindi pwede, hindi ko matanggap.

"Ang sabi ng..doctor...sa bawat araw na lumilipas ay...mas lalong lalala ang sakit niya" Aniya at biglang humagulgol si Tita.

Napatigil ako, so may chance na mamatay siya? Ayokong tanggapin. Parang gusto kong isipin na isa itong bangungot at gigising naman ako, pero hindi. Totoong totoo. Walang bahid na kasinungalingan.

Pumasok kami sa room ni Russel. Wala itong malay na nakahiga sa hospital bed. Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko matanggap na may sakit siya. Agad akong lumapit sa'kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Russel, gumising ka'na please? Sabi mo, hindi mo ako iiwan diba? Magigising ka diba? Gusto ko paggising mo, magaling kana. Wala ka ng sakit. Russel, pinapatawad na kita. Alam ko namang hindi mo 'yun intensyon gawin sa'kin.

"Maiwan ko muna kayo" Saad ni Tita Heart. Tumango nalang ako bilang sagot.

Naiwan kami ni Jazon at Russel sa loob ng room. 'Yun nga lang, ay wala paring malay si Russel ngayon.

"Ako nalang ang mag dodonate ng heart kay Russel"

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi madali ang magdonate ng heart. Kapalit no'n ang buhay ni Jazon. Ayokong ibuwis niya ang buhay niya para lang tumulong.

"Pero kapalit no'n ang buhay mo Jazon! Makokonsensya lang ako kung magkataon!" Pigil ko. Lumapit naman siya sa'kin at ngumiti. Isang totoong ngiti. Walang bahid na galit at lungkot sa ngiti na iyon.

"Diba sabi ko sa'yo, kung saan sasaya Ang puso mo, susuportahan kita. Kahit pa kapalit no'n ang buhay ko. Hayaan mo na ako Czy, gugustuhin ko 'rin ito. Gusto kong magkatuluyan kayo, wala akong karapatan para hadlangin ang dalawang taong nagmamahalan"

Napayuko nalang ako at muling napaiyak. Hindi sapat ang salitang salamat para kay Jazon. Nagpapasalamat ako dahil may ganito kabait pang tao.

"Salamat..J-Jazon ha? Hindi.. H-hindi ko akalain na..ibubuwis mo ang buhay mo..m-maging masaya lang kami" Sabi ko. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon, alam ko ang nararamdaman pag hindi nasuklian ang pagmamahal mo sa isang tao.

Kumalas siya sa pagkayap ko, walang bahid na takot ang kanyang mga mata. Ang tanging makikita mo lang dito ay saya at kuntento.

Biglang dumating ang doctor, kasama nito si Tita Heart na umiiyak pa'rin. Malungkot ang awra ng doctor,

"Ang pasyente---"

"Idodonate ko Ang puso ko sa'kanya" Seryosong tugon ni Jazon. Napayuko ako, hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot. Masaya ako dahil mabubuhay si Russel. Nalulungkot naman ako dahil batid kong buhay ni Jazon ang kapalit no'n.

"Hijo, seryoso--" Hindi na muli natuloy ng doctor ang kanyang sasabihin ng bigla ulit magsalita si Jazon.

"Seryoso po ako doc, gusto kong idonate Ang puso ko. Hindi ko ito pagsisisisihan, ngunit mas magiging masaya ako. Gusto kong makatulong"

"Sige, kailan ba?"

"Mamaya doc. Hayaan niyo lang po muna akong magpaalam sa mga taong mahalaga sa'kin"

***

Almost completed!

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon