CHAPTER 19
*The Doctor Couple*
<3 FEW YEARS LATER <3
CZYRINE's Point of View
"Dra. Lopez, pinapapunta po kayo ni Doc. Vargas sa office niya" Aniya ni AZ, ang nurse dito. Tumango nalang ako at sumensyas na pupunta na ako.
Tinapos ko lang ang mga sinusulat ko at dumeretso na sa office ni Russel. Kumatok ako at narinig ko na nag 'Pasok' siya, kaya pumasok na ako.
Naabutan kong nakasandal ito sa swivel chair niya. Gulo-gulo ang buhok nito at nakalapag sa table niya ang glasses nito. Medyo inaantok ang mukha niya. Siguro ay dahil marami siyang pasyenteng inaasikaso.
8 taon na ang relationship namin ni Russel. May mga babae pa'ring umaaligid sa'kanya pero walang nagtangkang kunin siya sa'kin. Aba! Baka gawin ko sa'kanila ang suntok na binigay ko kay Bechessa.
Speaking of Bechessa, ayun nasa US. Ang nakita ko ay ipapakasal siya sa isang kilalang businessman kaya siya nagpunta ro'n. Nag sorry na'rin siya sa ginawa niya kaya medyo ayos na kami.
May kanya-kanyang buhay na sina Jaycee, Lorenz, Nate at Krysh. Hindi na kami gaanong nagkikita dahil busy na kami sa trabaho namin.
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Mabilis niya akong hinalikan sa labi at ngumiti. Sa ginawa niyang 'yon ilay halos ikabaliw na ng sistema ko.
"Namiss kita Babe. I love you! Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko" Malambing niyang sabi at niyakap ako. Aaminin kong kinilig ako sa sinabi niya.
"I love you too, kamusta ka? Mukhang pagod ka ah?" Pangaasar ko. Sumimangot siya, dahilan para mapangiti ako.
"Oo babe eh. Madami kasing pasyente. Pero, date tayo mamaya ha?" Parang bata niyang tanong. Ang cutee moo Russel!
Kumalas ako sa pagkayakap niya at hinalikan ang pisngi niya, "Sige"
Napangisi siya bigla, hindi ko mapigilang taasan siya ng kilay, "Ikaw babe ha? Nakasanayan mo nang nakawan ako mg kiss" Pangaasar niya. Napairap naman ako dahil do'n.
Nagpeace sign siya at ngumiti, "Joke lang!"
.
.
.Napagdesisyonan naming pumunta muna sa school namin. Namimiss ko na 'rin kasi 'tong lugar na 'to. Ang lugar na 'to ay kung saan nagsimula ang lahat saamin ni Russel.
Naabutan namin si Mang Nestor na nagbabantay sa gate. Si Mang Nestor ay guard dito sa school namin.
"Oh! Lopez at Vargas! Kamusta kayo? Napadalaw kayo?" Masiglang bati ni Mang Nestor.
"Ahm, Pwede po ba kami pumasok? Please po Mang Nestor?" Pagpapacute ko pa. Natawa naman si Mang Nestor at tumango.
"Aba, syempre! Nawa'y magtagal ang relasyon niyo"
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Hindi kasi alam ni Mang Nestor na kami na ni Russel. Magsasalita pa sana ako ng hawakan ni Russel ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
Nadaanan namin ang locker ko. Naalala ko na dito niya sinauli ang ballpen ko. Halos himatayin pa nga ako sa takot dahil baka mapatay ako ni mama. Mabuti nalang at naka'y Russel pala.
"Naalala ko 'to, dito mo sinauli ang ballpen ko diba?" Tumango siya at ngumiti, "Hinugutan ko pa nga 'yung ballpen eh!" Natatawang sagot niya. Gaya niya ay natawa 'rin ako.
Sunod ay dumaan kami sa classroom namin. Marami ng alaala 'rin ang mayroon dito.
Dito nagpakilala si Russel. 'Yung tipong, napakasungit niya pa sa time na 'to. Natatawa pa'rin ako sa tuwing maaalala iyon. Dito 'rin siya hinalikan ni Aiza sa pisngi. Selos na selos ako nu'n eh!
Ang sunod naman ay sa classroom namin nung college pa kami. Muntikan na nga kaming mahuli ng Prof. namin dahil masyadong maingay si Russel.
Lumabas kami ng school at napangiti ako. Dito ako nagconfess sa'kanya na mahal ko siya. Dito 'rin niya nakuha ang first kiss ko at nagtangkang ligawan ako. Napakasaya ko noong araw na 'yon.
Sunod ay sa canteen kami pumunta, naalala ko na palagi akong pinupuntahan ni Russel dito tuwing break time. Dito 'rin niya kami nahuli ni Jazon na magkasama.
Patuloy lang kami sa paglibot ng buong school ng bigla niyang hilain ang kamay ko at naglakad sa isang napaka pamilyar na daan.
Ang daan papunta sa rooftop. Ang daan patungo sa tamabayan namin.
Dito kami madalas pumupunta kapag breaktime noong highschool pa kami. Dito kami madalas magkwentuhan at magsabihan ng kung ano-ano. Kahit pa ilang taon na ang nakalipas ay pakiramdam ko bago palang ito sa aking alaala. Hindi ako magsasawang alalahanin ang mga memoriya na ginawa namin sa school na 'to.
Napansin ko na medyo malinis ang rooftop. Nagtaka ako dahil may petals at picture naming dalawa ni Russel ang nakalagay sa isang lamesa. May ilang kandila 'rin nakalagay sa gilid, dahilan para lumiwanag ang rooftop.
Napangiti ako dahil alam kong ginawa niya 'to, humarap siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Nagtaka ako pero nagulat ng bigla siyang lumuhod. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon,
"Babe, sa walong taon na naging tayo ay naging masaya ako. I could not ask for more kung nandyan ka lang sa tabi ko. For me, it is a big gift that is already given. Hindi ko inaakalang mahuhulog ako sa'yo. Ngayon, wala na akong magawa dahil hulog na hulog na ako. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Babe, Czyrine Trixie Lopez, are you willing to spend the rest of your life with me? Will you marry me and be my Mrs. Vargas forever?" Naluluha niyang sabi habang hinahawakan ang isang maliit na pulang kahon na naglalaman 'rito ang isang singsing.
Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na saya na nararamdaman ko ngayon.
"Yes!! Yes, Russel! Papakasalan kita. I'll be your Mrs. Vargas forever!" Masaya kong sabi habang patuloy pa'rin sa pagdaloy ang mga luha ko. Tumayo siya at sinuot ang singsing sa kamay ko at hinalikan ako.
Puno ng pagmamahal ang halik na ibinigay niya sa'min. May narinig akong palakpakan mula sa likod namin at napagtanto ko na plano pala ni Russel ang lahat ng 'to. Pati si Mang Nestor ay naroon.
Humiwalay siya at pinagdikit ang mga noo namin,
"I love you my soon to be wife. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal kita at handa akong isakripisyo ang lahat para sa'yo" Napangiti nalang ako at kinurot ang pisngi niya.
"Mahal na mahal din kita. Kahit ilang beses pa tayong ipanganak sa mundong ito ay ikaw lang ang mamahalin ko. Hahanapin at hahanapin kita kahit anong mangyari"
No matter what, I'll love you. I love you even if we've been reborn for a thousand times, Russel Lim Vargas. My soon to be Husband.
***
Hello po! Ayan na ang next chapt. Baka mamaya pa ako makapagud😃😁 not sure sa time😍😍 And yes, si AZ ay isa rin sa characters ng una kong story na 'The Maid of Mr. Yu' (Completed na po ang story na to <--)
Way to go kyuties! Malapit na tayo sa ending😍😘😘
BINABASA MO ANG
Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)
RomancePatago ko siyang minamahal, ibig sabihin patago 'rin akong nasasaktan --- Date Started: June 3, 2019 Date Finished: June 28, 2019