CHAPTER 15
*Two Broken Hearts*
CZYRINE's Point of View
Kakauwi ko lang sa bahay. 12:09 AM na kaya paniguradong tulog na sila. Umakyat nalang ako sa kwarto at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Sumalampak ako sa higaan at niyakap ang unan ko. Humagulgol ako. Ang sakit sakit!
Kakambal ng pagmamahal ang sakit. Wala akong magagawa, sadyang nagmahal lang ako, hindi ko naman mapigilan.
Russel, bakit ganito? Akala ko..akala ko...hindi mo ako sasaktan? Pangako mo 'yon eh.
Ang sakit! Ang sakit! Doble pa 'to sa hindi nasuklian ang nararamdaman ko dati. Totoo nga, na kapag nagmahal ka masasaktan ka talaga.
RUSSEL's Point of View
Naiwan ako sa tapat ng hotel. Gusto ko 'man siyang habulin ay hindi ko magawa. Bakit? Bakit ko nakalimutan ang isang mahalagang araw? Nakalimutan ko na nga, ito pa ang isusukli ko.
Nakita ko na kakalabas lang ni Bechessa ng hotel. Akmang hahawakan niya ang braso ko pero pinigilan ko siya.
"Russel, I-I'm sorry--"
Agad ko siyang tinignan ng masama, "H'wag kang magsosorry. Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Huli na Bechessa. Nagsisisi akong magtagpo ang landas natin. Nagsisisi ako ng sobra" Pagtatangis ko habang tumutulo na ang mga luha galing sa mata ko.
Sh*t Russel! F*ck! Nasaktan mo na si Rene, wala ka nang magagawa!
"Russ--"
"At higit sa lahat, nagsisisi akong makilala ka" Saad ko bago tuluyang umalis.
Gusto kong mapag-isa. Gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil sinaktan ko ang taong mahal ko. Ang taong minahal ko ng higit pa sa inaakala ko.
.
.
.(KINABUKASAN)
Hindi ako pumasok. Buong hapon lang akong nagkulong sa kwarto ko. Gusto ko alalahanin ang totoong nangyari. Gusto ko iexplain ang lahat kay Rene.
May kumatok sa pinto ko. Alam kong si mommy 'yon, kaya binuksan ko ang pinto. Gusto ko ng malalabasan ngayon ng sakit na nararamdaman ko.
"Russel, bakit ka umiiyak?"
Lumapit ako sa'kanya at niyakap, "Mom, it's my fault. Nasaktan ko ang taong mahal ko. Nakipagbreak siya sa'kin. It's all my f*cking fault!" Saad ko. Ramdam ko na niyakap ako pabalik ni Mom.
"Russel, I want you to know that love is not all about happiness. Hindi biro ang magmahal. Love is the Best feeling, pero kailangan mong tanggapin na masasaktan ka" Pangaral ni Mommy.
Biglang kumirot ang dibdib ko. Dahilan para mapahawak ako 'rito. Biglang kumapos ako sa hininga, dahilan para magdilim ang paligid.
Pero bago ako mawalan ng malay ay nakita kong hawak na ni mom ang phone ko at may kinakausap.
.
.
.CZYRINE's Point of View
Walang emosyon akong nakikinig sa lesson ng Prof. namin, bigla akong nanibago dahil walang mangungulit sa'kin. Walang sasabihan ako na 'I love you, babe' Wala talaga.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko agad 'to at tinuon ang atensyon sa Prof. namin, Focus Czyrine!
Pagkatapos ng klase ay bumaba na ako para kumain. Nilapag ko ang mga binili ko sa table at umupo. Kahit dito ay may naaalala ako. 'Yung bigla 'siyang' susulpot at yayakapin ako. Namimiss ko 'yon. 'Yung halik niya sa tuwing makikita niya akong kumakain dito sa canteen. Lahat 'yon namimiss ko. Kaso, nasaktan ako eh. Kahit ngayon lang, gusto kong mahalin muna ang sarili ko.
Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Akala ko si Russel pero si Jazon lang pala.
H'wag kang umasa Rene. Ikaw na mismo nagsabi sa'kanya na hayaan ka muna. Tsk!
"Czyrine! Kamusta ka? Bakit mugto ang mata mo?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Isa lang ang mailalarawan ko sa nararamdaman ko Jazon, Broken. 'Yun ang nararamdaman ko. Kaya please, h'wag na natin 'yun pagusapan" Pakikiusap ko.
"Rene, bakit hindi nalang ako? Bakit? Bakit kahit sinaktan ka na 'niya ay siya pa'rin? Hindi ba't parang nagiging martyr kana? H'wag mong lokohin ang sarili mo Czyrine" Kalmado nitong saad.
G-gusto niya ako? Nalilito ako!
"Kung iniisip mong gusto kita. Oo, aaminin ko na. Pero kahit 'man sabihin ko sa'yo 'tong nararamdaman ko. Siya pa'rin ang pipiliin mo. Tandaan mo Czy, kung saan ka masaya susuportahan kita"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay biglang nagring ang cellphone ko. Nagulat nalang ako ng makita ko ang caller...
~Babe...calling~
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako, pero lahit ganu'n ay pinili ko itong sagutin,
"Hel--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita agad ang nasa kabilang linya.
"Czyrine, hija! Si Tita Heart 'to. Sinugod si Russel sa hospital. Hija please! Pumunta ka 'rito, kailangan ka niya" Humahagulgol na saad ni Tita.
Napatayo ako sa inuupuan ko dahil sa matinding takot at gulat, "Sige 'ho. Saang Hospital po ba?" Kinakabahang tanong ko.
"Sa ***** Hospital hija. Please kailangan ka niya. Pumunta ka please!" Pagsusumano ni Tita. Agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling naglakad. Biglang hinablot ni Jazon ang braso ko at binigyan ako ng isang nagtatakang tingin,
"Sinugod 'siya sa hospital" Nagmamadaling sagot ko na halos pumiyok na ako.
Binitawan niya ako at ngumiti, batid kong may halo itong lungkot,
"Sasama ako. Baka makatulong"
Hindi na ako sumagot at tanging tango nalang ang isinagot ko.
H'wag namang ganito Russel. Please!
***
Hello! Sana magustuhan niyo. Nagmamadali kasi ako habang ginagawa ko to😘😘
-Em🌙🌙
BINABASA MO ANG
Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)
RomancePatago ko siyang minamahal, ibig sabihin patago 'rin akong nasasaktan --- Date Started: June 3, 2019 Date Finished: June 28, 2019