CHAPTER 17

185 7 0
                                    

CHAPTER 17

*Operation*

CZYRINE's Point of View

Nandito kami ni Jazon sa garden ng hospital. Maraming pasyente ang naririto kasama ang mga nurses. Ang ilan ay tinutulungan nilang itulak ang wheelchair ng pasyente, ang iba naman ay inaalalayan nilang maglakad.

Tahimuk lang kaming naglalakad ni Jazon. Batid kong gusto niyang magpaalam. Nalulungkot ako, gusto kong umiyak pero tila'y wala ng luhang pumapatak. Baka namanhid na ako.

"Jazon, salamat nga pala. Alam kong hindi sapat ang salitang salamat pero sana okay na 'yun sa'yo" Nahihiya kong sabi. Lumingon ito sa'kin at ngumiti. Pinipilit kong tumibok Ang puso ko sa'kanya pero wala talaga.

"Wala 'yun. Masaya akong magpapahinga dahil alam kong nakatulong ako sa kapwa ko. Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan itong pagtulong na ginawa ko sa'inyo Czy" 

Bumuntong hininga ako, "Habambuhay kitang papasalamatan"

"Para sa'yo, Czy"
.
.
.

Nasa loob na ng operation room si Jazon. Tahimik lang akong umiiyak. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat dito.

Andito ang mama ni Jazon. Ang sabi niya ay Tita Marielle nalang daw ang itawag ko sa mama niya. Hindi ito makatingin sa operating room. Nakatakip ang mukha nito para pigilan ang paghikbi.

Nasa tabi naman si Tita Heart, nakayuko ito, gaya ni Tita Marielle ay tahimik 'rin itong umiiyak.

Kalungkutan ang bumalot sa paligid. Ni isa saamin ay hindi makapagsalita. Maski ako ay hindi alam kung ano ang sasabihin.

Isang oras ang nakalipas ng lumabas ang doctor. Nakangiti ito ng kaunti na nagpagaan sa paligid, except kay Tita Marielle.

"The operation was successful. The heart was fully transfered to the patient. Pero sad to say, ang nagdonate ng heart ay...hindi nakasurvive"

Humagulgol si Tita Marielle. Pilit siyang pinapatahan ni Tita Heart, pero hindi pa'rin ito tumatahan. Nagpasalamat kami sa doctor bago ito umalis.

Isang buhay kapalit sa isa pang buhay...
.
.
.

Pumasok ako kung saan nilagay si Jazon. Kasalukuyang nasa tabi niya si Tita Marielle na umiiyak pa'rin. Kanina pa ito umiiyak at halos hindi na kumakain. Alam kong sobrang sakit mawalan ng anak. Bagama't nawala ang nagiisa niyang anak.

Tinignan ko si Jazon na ngayon ay malamig na ang katawan. Biglang tumulo ang luha ko. Namimiss ko na agad siya. Kahit minsan lang kami magkasama dahil pinapalayo ako ni Russel sa'kanya ay napamahal na'rin ako sa'kanya.

Kahit anong mangyari ay hindi na niya maimumulat ang mata niya. Dahil habang buhay na itong nakapikit at nagpapahinga.

Salamat sa sakripisyo mo, Jazon. Ngayon ay alam ko na ang papel mo sa buhay ko.
.
.
.

Tatlong araw na ang nakalipas magmula ng mawala si Jazon. Ngayon ang libing nito. Hindi muna ako pumasok para lang umattend sa libing niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa'rin gumigising si Russel kaya medyo nalulungkot ako. Gusto ko nang gumising siya para malaman niyang pinapatawad ko na siya. Na gusto kong maging kami ulit.

Marahang tumulo ang luha ko makita kong ng pababa ng pababa ang kabaong ni Jazon hanggang sa hindi na namin ito maabot. Ayokong masayang ang sakripisyo ni Jazon kaya gagawin ko ang hinihiling niya, na patawarin si Russel.

Umiiyak ngayon si Tita Marielle habang hinahagod ni Daisy ang likod nito. Si Daisy Fuente Amadeo ay pinsan ni Jazon. Nalungkot 'rin ito dahil sa biglaang pagpanaw ni Jazon. Kahit sino naman ay malulungkot sa balita na 'yon.

Hawak namin ang isang puting lobo. Gusto namin iparating kay Jazon ang gusto naming mensahe sa pamamagitan ng pagpapalipad ng lobo.

Bago ko tuluyang ipalipad ang lobo ko ay tinatak ko sa aking isip ang gusto kong sabihin sa'kanya...

'Hindi ko 'man masuklian ang nararamdaman mo para sa'kin, ay habang buhay kong ibabaon sa puso ko ang sakripisyong ginawa mo. Batid kong masaya ka ngayon dahil natupad ang hiling mo na makatulong. Isa kang napakabuting tao Jazon. Kulang ang salitang 'salamat' sa ginawa mo. Sana ay masaya ka na sa itaas, nawa'y maging mapayapa ang kaluluwa mo Jazon'

Pagkatapos ko itong masabi sa aking isipan ay pinalipad ko na ang lobo. Pinagmamasdan ko ang kulay asul na kalangitan, payapa ito at nakakaaliw pagmasdan.

'Hindi sa lahat ng pagkakataon ay handang suklian ang pagmamahal na nararamdaman mo. Dahil ang tanging tingin lang nila sa iyo ay isang matalik na kaibigan at wala nang hihigit pa 'roon. Darating ang panahon na makakahanap ka ng isang tao na kaya nang suklian ang nararamdaman mo, na hindi mo inaakalang mas mamahalin mo siya kesa sa iyong naging unang pag-ibig. Kung nahanap mo na ay h'wag mo na itong pakawalan pa, dahil baka magsisi ka pa'
.
.
.

Kakatapos lang mg libing ni Jazon, nandito ako ngayon sa room ni Russel. Hawak ko ng mahigpit ang kamay nito. Ayoko nang bumitaw pa, kung bibitaw 'man ako ay baka hindi ko na kakayanin.

"Russel, gising na diyan! H'wag mo akong iiwan ha? Alam mo, pinapatawad na kita. Gusto ko lang naman na mahalin ko muna ang sarili ko, hindi ko sinabing hindi na kita mahal. Nasaktan lang ako ng sobra, kaya please! Gumising ka na!" Pagpipigil ko sa luha ko.

Napayuko ako ng maramdaman kong tumulo ang isang mainit na likido mula sa mata ko,

"Ang lapit-lapit mo pero parang ang layo-layo mo. Nahahawakan kita pero parang hindi pa'rin kita maabot. Nandito ka, pero hindi ko maramdaman ang presensya mo"

Nagsimula na akong humagulgol, sinandal ko ang ulo ko sa tyan niya habang hinahawakan pa'rin ng mahigpit ang kamay niya,

"Gising na please, Mahal na mahal kita Russel Lim Vargas. Ikaw ang minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko habang buhay"

Matapos kong sabihin 'yon ay sobra akong nagulat ng dahan-dahang gumalaw ang kamay niya at hinagod ang buhok ko. Tila ba naistatwa ako sa ginawa niyang 'yon...

"Don't cry babe. Para kasing ako nanaman ang dahilan pag nakikita kitang umiiyak. I love you, Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko"

Gising na si Russel!

***

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon