1: Dear Oasis kong mahal. UnangSulat

1.5K 37 21
                                    

¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶

Dear Oasis (kong mahal < maganda pakinggan, hindi ba?),

Alam ko naman na hindi ka magrereply. Bakit, sino ba ako? Tch. Pero kahit na. Gusto kong malaman mo na may secret admirer ka. Don't take it as something bad. Nabasa ko sa interview mo noon sa school paper, ayaw na ayaw mo raw sa babaeng malandi, na ayaw mo sa babaeng "nanliligaw" sa lalaki, na ayaw mo sa babaeng puro lang pagpapaganda ang nasa utak. In short, ayaw mo sa babae..maliban kay Josephine. Naks! Alam ko 'no? Totoo?

It hurts.

Like hell.

So, dito na lang Oasis kong mahal. Sana magreply ka naman sa sulat ko. Pang-100th letter ko na ito sa iyo, meaning, pang-100 days ko na itong sumusulat sa iyo. Reply ka naman. Ano ba ang gusto mo? Ballpen at papel? Tingnan mo ang ilalim nitong sulat, binilhan na kita ;)

Ang iyong future wife,

A.

¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶

"May sulat ka na naman pare?" Tanong ni Christian sa kaibigang si Oasis. Kasalukuyan nasa locker ang barkadahan nila ni Oasis para kunin ang assignment nila sa Physics.

Si Christian, isa sa mga kaibigan ni Oasis, ang pinakamatabil ang dila sa kanilang lahat. Siya rin ang pinakababaero sa lahat.

"Tumabi ka nga riyan." Pagbabatabi ng masungit na si Oasis kay Christian na nakaharang sa kanyang daraanan. "Hahara-hara ka sa dinaraanan ko eh. Bigwasan kita riyan." Asik ni Oasis sa kanyang babaerong kaibigan.

"Sulatan mo na kasi, pare. Malay mo chikababes pala 'yan. Sige ka, it's your loss kapag kasingganda ni Josephine ang babaeng iyan." Pangungumbinse pa ni Christian sa kaibigang si Oasis.

"Ayoko." May diing tanggi ng binata sa suhestiyon ni Christian.

"Ang hard!" Napapailing si Christian habang tinitingnan ang binata na nagsasalubong na ang kilay sa matinding inis. "Bahala ka nga sa buhay mo." At iniwan na ni Christian ang kaibigan sa loob ng may locker.

Napagawi ulit ang tingin ni Oasis sa kulay pink na papel na hawak niya.

It's true. Ito na ang pang-isang daang sulat ni "A" sa kanya.

Naging routine na rin para kay Oasis ang tingnan ang kanyang locker tuwing lunchbreak o kaya'y tuwing uwian para tingnan kung may sulat si "A" para sa kanya.

Akala niya ay titigilan siya ng babae kung patuloy niyang hindi papansinin ang mga sulat nito. Ngunit imbes na tumigil ay hindi pa rin pumapalya ang babae sa pagpapadala ng sulat sa kanya.

At ikinaiinis niya iyon.

"Na naman?!" Napalingon si Oasis sa kanyang likuran. Nakatayo ilang metro sa kanya sina Adrian at Cabaron, barkada rin niya. Ang mga mata nila ay nakatuon sa sulat na hawak niya.

Lahat silang magkakaibigan ay alam ang tungkol sa pagpapadala ng sulat ni "A" sa kanya.

"Tibay ni girl." Komento ni Cabaron habang si Adrian naman ay umismid lang sa gawi niya.

"Get lost!" Paasik na wika niya kina Cabaron. Ikinaiinis na talaga niya ang pagpapadala ng sulat ng lintek na A na 'yan! Ginawa ng katatawanan ng barkadahan ang araw-araw na pagpapadala ni "A" ng sulat sa kanya.

"If you really want her to stop sending you letters, why not tell her that she's pestering you?" Sabat ni Adrian, na likas na tahimik at hindi nangingialam, sa usapan.

"1..2..3..4...18! OMG, Adrian! 18 words, Oasis! Labing-walong salita ang naging litanya ni Adrian! Ipapalista ko na ba iyan sa Guinness Book of World Records?!" Pang-aalaska ni Cabaron sa hindi palasalitang si Adrian.

"Get lost!" Magkapanabay na wika nina Adrian at Oasis sa kaibigang si Cabaron na nakangisi pa rin.

"Pfft! Mga KJ." Bulong pa ni Cabaron sa sarili pero rinig na rinig naman nina Oasis ang sinabi nito.

"I'm serious. If you don't have any interest in that "A" girl, you tell her." Si Adrian.

"Oo nga. Sulatan mo ng "GET LOST", tiyak titigil 'yan. 'Kay. Fine. Bye." Dagdag na wika ni Cabaron kay Oasis bago naglakad palayo kasama si Adrian.

Napatingin ulit si Oasis sa sulat. "What am I gonna do now?" Aniya sa kanyang utak.

----
A/N: Short lang po talaga every UD. Parang One page lang po. Hahahaha Enjoy!

So how was it???

Dear Oasis, (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon