"Breathe, Ann. Breathe. Calm down." Nararamdaman na ni Ann ang unti-unting paninikip ng kanyang dibdib.
"Si Oasis lang 'yan. Huwag kang kabahan." Natatawang saad ni Christian na pilit na pinapakalma si Ann.
"Kaya nga. Si Oasis nga siya. Paano kung hindi niya ako magustuhan. Paano kung ayaw pala niya sa akin. Paano kung-" Naputol ang sasabihim ni Ann nang tinakpan ni Christian ang kanyang bibig.
"You're overthinking again. If he likes you, good. If he doesn't, better." Dahil sa sinabi'y sinapak ni Ann ang kapatid. "Biro lang. Pero seriously, at totoong seryoso ito. Pakatotoo ka lang sis, iyan ang best asset mo."
"Alin? Ang manginig bigla-bigla?!" Pilosopa niyang tanong kay Christian.
"Grabe ka naman kasi kiligin, nanginginig talaga." Natatawang pahayag ni Christian. Ann accepted her illness and embraced in wholeheartedly. Iyon ang isa sa mga gamot ng sakit nito. Embracing and acknowledging her panic attacks.
"Ewan ko sa iyo. Narinig ko pa naman na may something daw kay Lil Saint. Parang may crush siya?" At sinadya pa ni Ann na bitinin ang kanyang sasabihin. Babaero ang kapatid niya, oo. Pero tumitiklop ito sa nag-iisang babae na daig pa ang godzilla kung mag-amok. Ang untouchable, money-beauty-brain, miss know-it-all, Lil Saint dela Fuerte. "Ano ka ngayon Christian? Nga nga!" Asar ni Ann sa kapatid. Lahat ng alam ni Christian sa babae nagiging null and void pagdating kay Lil Saint, talk about "NGA NGA", Christian.
"Shattap! Umalis ka na sa harapan ko! Shoo shooo!" Natawa si Ann nang makita kung paano biglang nagbago ang mood ng kapatid niya.
"Christian. Wala pang date si Lil Saint sa prom. Baka kako.. alam mo na." At kinindatan ni Ann ang kapatid bago naglakad papunta sa openfield.
Hawak ang dalawang kamay na ipinagkikiskis pa niya sa isa't isa ay tinungo niya ang daan patungo sa field. Kinakabahan pa rin siya. Pero tama si Christian, si Oasis lang naman siya. Si Oasis lang siya. Si Oasis.
Nang iilang metro na lang ang layo niya sa openfield ay nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba siya o babalik na lang sa kanyang pinanggalingan. Pakiramdam niya'y hihimatayin na naman siya sa sobrang kaba.
"Relax, Ann. Deep breaths. Deep breaths." Kausap niya sa sarili at huminga ng malalim.
"Hi." Biglang napalingon si Ann nang marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Agad na bumungad sa kanya ang walang ekspresyong mukha ni Oasis.
Bubbly. Weird.
"H-Hi." Gantang bati niya sa binata at pilit na ngumiti sa kanyang harapan.
Sa ginawa niya'y napansin niya ang munting ngiting namutawi sa labi ni Oasis bago ito napayuko. Nang humarap ito ulit ay seryoso na naman ang ekspresyon ng mukha nito.
"Baked spaghetti?" Noon lang nakita ni Ann na may bitbit pala itong paperbag sa isang kamay nito.
"Okay. D-doon na lang tayo maupo." Tukoy ni Ann sa usual spot kung saan tumatambay ang binata. Naglakad na nga sila patungo roon at pumwesta sa ilalim ng lilim ng malaking puno.
"You forgot something." Maya-maya'y wika ni Oasis.
"A-ano?"
"My letter. Where is it? Wala sa locker ko." Sa sinabi'y biglang namula si Ann at iniiwas ang tingin kay Oasis.
"Nasa bag." Sagot niya.
"Good. Akin na." Si Oasis.
"H-ha? M-mamaya na lang." Nauutal na wika ni Ann.
"If you hand it to me may ibibigay ako sa iyo." Oasis gives her a warm smile. Kagat-kagat ang labi ay napilitan na ring kunin ni Ann ang sulat na nakaipit sa kanyang libro.
"H-here." Sabay abot ng sulat kay Oasis.
"Here." Inabot din ni Oasis ang isang maliit na box sa kanya.
"Ano 'toh?" Tanong ni Ann sa lalake.
"Buksan mo." Nakasmirk na pahayag ni Oasis bago binasa ang sulat ni Ann.
A/N: Leleeeleelss leleeeleeels. Sabi nila kasi libre mangarap. Leleeeleeels. Leleeeleeels. HAHAHAHAHA ang saya nung otor oh!
BINABASA MO ANG
Dear Oasis, (Completed)
Teen FictionMahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A