"Pasensya ka na pala kay Christian kanina. Hindi ko naman kasi alam na iyon pala ang gagawin niya, kung alam ko lang san-"
"Breathe." Nakangiting wika ni Oasis. "Why do you always bother yourself of what others think?" Nakatuon man ang paningin ni Oasis sa daan ay nasa katabi naman niya ang kanyang buong atensyon.
"I don't know. It became my habit, I guess."
"A bad habit. Live your life the way you want it. Huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao as long as alam mong tama ang ginagawa mo at masaya ka." Wika ni Oasis na ikinatawa ni Ann. "Why? What's funny?" Tanong ng lalake.
"Wala. Nakakatuwa lang." Sagot naman ni Ann.
"Ang alin?" Kunot-noong tanong ni Oasis.
"This. Tayo. Iyong unang tanong mo sa sulat, kung bakit kita sinulatan?" Napabuga ng hangin ang dalaga bago nagsalitang muli, "Ang sabi ko kasi noon isang sulat lang, pero parang naging araw-araw ko ng gawain ang sumulat sa iyo. Hindi ko alam na nagiging therapy ko na pala ang paggawa ng sulat sa iyo." Naalala pa ni Ann noon kung paano siya magmakaawa sa kapatid para ilagay nito ang sulat sa locker ni Oasis. "Nasasabi ko sa iyo ang lahat ng mga bagay na takot akong sabihin sa ibang tao. Marami akong gustong gawin, gustong sabihin pero sa tuwing sinusubukan ko ng gawin iyon ay tinatakasan ako ng lakas ng loob. Sa iyo ko lang nasasabi lahat, hindi ko alam kung bakit ganoon. Hindi mo man alam pero isa ka sa mga rason kung bakit nakakahinga ako ng maayos sa mga sitwasyong alam kong magdudulot na naman sa akin mg paninikip ng dibdib." Sambit ni Ann bago iginawi ang paningin sa labas ng bintana.
"I.. I am your therapy then."
"Yeah, and I am thankful for that. Thank you pala sa lahat, I owe you." Pasasalamat ni Ann ng hindi tumitingin kay Oasis. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano. Just this time, kahit ngayon lang, ayaw niyang pangunahan ang mga bagay-bagay.
Napansin ni Ann ang biglang paghinto ng kanilang sasakyan. Tiningnan ng dalaga si Oasis na puno ng pagtataka habang ang huli naman ay parang may malalim na iniisip. "May curfew ka ba?" Tanong maya-maya ni Oasis.
"Wala naman. Pero kailangan kong tumawag sa bahay kung gagabihin ako ng uwi." Sagot ni Ann na nagtataka pa rin sa inakto ni Oasis.
"Good. Tatawagan ko na lang si Christian para ipaalam na late ka na makakauwi." Imporma ni Oasis sa dalaga bago pinaandar ulit ang sasakyan.
"H-huh? Bakit?"
"I have a place in mind I want to show you." Wika ni Oasis bago itinuon ang paningin sa daan patungo sa lugar na espesyal sa kanya.
===============
"T-this.. is your-"
"Breathe, Ann. Breathe." Bulong ni Oasis sa may tenga ng dalaga bago hawakan ang kamay nito at iginiya papasok sa maliit na bahay.
"It's your mom's workplace!" Bulalas ni Ann at hindi mapigilang mapahanga sa ganda ng mga paintings na nakapalibot sa kanila.
BINABASA MO ANG
Dear Oasis, (Completed)
Fiksi RemajaMahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A