33: Talk to me

673 28 15
                                    

"Let me through." Matigas na sabi ni Oasis at pabalyang itinulak si Edward palayo sa pintuan ng bahay nila ni Ann.

"Ayaw ka niyang makita, please Oasis umalis ka muna." Pakiusap ni Cabaron na nakaharang din sa daraanan ng lalake.

Sina Cabaron, Moncieller, Edward, Nigel, at Reymond ang humaharang ngayon kay Oasis para hindi ito makapunta sa silid ni Ann. Pinakiusapan sila ng babae na ilayo muna si Oasis dito.

Nang maabutan nina Edward at Adrian ang dalaga sa may gym ay nanghihina na itong nakasandal sa pader ng gusali. Namumutla ito at bahagya pang nanginginig. Saktong-sakto lang ang dating nila bago tuluyang nahimatay ang dalaga.

Nanggaling na roon ang doktora ng dalaga para icheck ang kalagayan nito. Sinabi ng doktora na masyado raw matagal ang huling atake ni Ann at lumala pa iyon nang matrigger ang asthma ng babae. Naalala pa nga ni Reymond ang sinabi ng doktora ng babae kanina.

"Walang namamatay sa panic attacks, Mr. Quirol. Pero kapag ang panic attacks ni Ann ay nakapagpatrigger sa kanyang asthma, then I can assure nothing. She needs therapy. May kakilala ako pero naka-base siya ngayon sa Amerika. It's your call, ilayo mo sa stress ang kapatid mo o sa kung ano ang rason kung bakit siya nagkakaganyan. In that way you'll prolong your sister's life."

At kailangan nilang ilayo si Oasis sa dalaga. Hindi man nila alam ang nangyari kay Ann, alam nilang kailangan nilang mailayo muna ang lalaki sa dalaga. It will only cause her stress kapag nakita nito si Oasis ngayon.

"Alam ninyong hindi ninyo ako mapipigilan. I want to talk to her so let me through!" Sigaw ni Oasis at sinubukang tabigin ang kanyang mga kaibigan.

"Awat na Oasis, please. Ayaw ka niyang makita ngayon, intindihin mo na lang ang tao. Umuwi ka na muna." Sabi ni Cabaron sa kaibigan.

"No. She needs me, Ann needs me." Pagpupumilit pa rin ni Oasis.

"Wala akong alam sa nangyari, pero magkasama kami ni Adrian nang tumawag si Ann. She personally asked Adrian not to tell you, irespeto mo ang gusto niya Oasis. Get out of this house bago kita kaladkarin palabas dito." Nagbabantang wika ni Nigel sa kaibigan.

"That's bullsh*t!" Inis na sambit ng binata.

"Whatever." Sagot ni Nigel at isinara na ang pinto ng bahay ng mga Quirol. Alam niyang aalis na si Oasis. Wala na itong magagawa pa, hindi rin naman nila hahayaang makapasok ito.

"Let's go upstairs-"

"Annn!!" Nagkatinginan silang lahat nang marinig ang boses ni Oasis na sumisigaw sa labas.

"That bastard! Hindi ba siya makaintindi?!" Yamot na wika ni Moncieller sa kanila.

"I don't know why you don't want me to see you! Akala ko ba ako ang therapy mo? Akala ko ba sa akin mo nasasabi lahat ng bagay na gusto mo? Why shut me down, babe?! I want to be beside you. I want to be with you all the time, I want to comfort you, I want to be the one who will calm you down! But why are you doing this now? Why, Ann?! Why?!"

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang magkabarkada. Oasis has been hit by love. Real hard.

"I understand if you don't want to see me now. But can you atleast call me, baby? I just want to hear if you're okay." Patuloy pa rin na sigaw ni Oasis mula sa labas ng bahay.

"Sumasakit ang ulo ko." Komento ni Edward at napaupo sa sofa.

"Me too." Sang-ayon ni Moncieller.

A/N: Awwwtttsssuuuuu... Bakit nagkawriting frenzy ako bigla? HUHUHUHU poor Oasis. Waaaaa maylabs wag ganyan!

Dear Oasis, (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon