¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
A,
Hindi kita kilala. I don't talk to strangers. So, whoever you are,just stop.
Stop this.
Oasis
¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶Napatingin si Oasis sa sulat na nasa kamay niya.
Seriously?!
Tatlong oras na siyang nakaupo sa study table niya at ito lang ang naisipan niyang isulat?
'Way to go Oasis, way to go.' Sabi pa ni Oasis sa kanyang sarili.
He looks at the paper in front of him. He needs to get this done, ngunit nang kinuha na niya ulit ang ballpen ay nagawi ang tingin niya sa umbok ng mga sobre na nasa gilid ng study table niya.
100 multi-colored envelops.
A smile suddenly forms in his lips when he remembers her 57th letter. It was his birthday then, and he received a birthday card and a birthday cake, much to his surprise.
Maliban kasi sa kanyang mga kaibigan ay wala ng nakaka-alam sa petsa ng kaarawan niya. Kahit si Josephine na ilang taon na rin niyang minamahal.
Ilang sulat din ng babae ang nakapagpagaan ng kalooban niya. Katulad na lang nung nag-amok siya isang araw at hinamon ng suntukan si Reymond. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang sumapi sa kanya. Basta-basta na lang niyang inaya ng suntukan si Reymond, na hindi naman inatrasan ng huli.
Her 74th letter was full of explicit words towards him. Kesyo bakit daw sinuntok niya si Reymond, pagkatapos ay hinamon naman ng suntukan si Christian.
The girl knew it all.
Dapat ay mabahala siya dahil may pagka-stalkerish na ang babae, but instead he feel okay with it.
Somehow.
At least, he knows someone cares for him.
He read all of her letters. Noong una ay hinayaan lang niya iyon at basta-basta itinatapon sa study table. Nagka-interes lang siyang basahin ang isa sa sulat ng babae isang araw. It was her 46th letter, he remembers it clearly.
Nakuha na ng babae ang curiousity niya mula noon.
Naging routine na para sa kaniya ang pagbabasa ng sulat nito para sa kanya. Hinanap pa nga niya iyong mga naunang mga sulat at sinimulang basahin mula sa simula.
Naiinis nga lang siya paminsan-minsan, lalo na kapag binabasa niya ang mga sulat nito kasama ang kabarkada niya.
¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
A,
Who are you?
Oasis
¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
And with that written on a neat sheet of paper, Oasis hit the bed with a hint of smile in his lips.
BINABASA MO ANG
Dear Oasis, (Completed)
Novela JuvenilMahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A